No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

EDSA Tramo Pocket Park sa Pasay City, pinasinayaan

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Pinasinayaan nitong Lunes (Marso 6) ang EDSA Tramo Pocket Park sa Pasay City na bahagi ng Adopt-A-Park Project ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Pinangunahan nina MMDA Acting Chair Atty. Don Artes, Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan, Jr., at iba pang mga opisyal ng barangay ang ginanap na turnover ceremony.

Mga kuha mula sa MMDA

Ayon sa MMDA, may lawak na 3,525 square meters, ang parke na nasa ilalim ng EDSA Tramo flyover ay may plant boxes at limang container van na magsisilbing opisina ng barangay, lokal na pulis, at ng MMDA units gaya ng Metro Parkways Clearing Group, Traffic Discipline Office, and Rescue Office.

Nangako si Artes ng karagdagang mga pocket at linear parks sa lungsod, gayundin ang pagbibigay ng pwesto sa mga ambulant vendors sa Baclaran.

Samantala, nagpasalamat naman si Mayor Calixto-Rubiano sa proyekto ng ahensya na aniya'y bahagi ng bisyon ng lungsod na maging eco-city. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch