May mga ulat din aniya na nakuha sa Brgy. Concepcion at Brgy. Algeciras at ang oil na nakita nila doon ay yung galing sa mga basura kung saan dumikit ang oil.
Kailangan din aniyang masuri kung magkapareho nga ba ang oil na nakita sa Agutaya sa oil spill sa Mindoro.
“Yung oil na nakolekta nila doon sa beach area, collectively kung pag-iisahin mo hindi aabot ng one liter, so napakaliit at hindi pa natin ito masasabi na oil spill,” dagdag na pahayag ni Commander Labay.
May contingency plan na rin aniya ang PH Coast Guard kapag may ganitong insidente, tulad ng paggamit ng bunot na ginagawang parang spill boom para doon dumikit ang oil at hindi ito lulusot.
May dispersant na rin na ipinadala sa bayan ng Cuyo na maaaring magamit kung sakaling umabot sa nasabing lugar ang oil spill.
Tuloy-tuloy din aniya ang pag-inspeksyon ng mga coast guard station sa mga munisipyo sa mga beach area na maaaring maapektuhan ng oil spill, tulad ng Cuyo, Magsaysay, Agutaya, Coron, Culion, Linapacan at Dumaran. (OCJ/PIA MIMAROPA)