No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LTFRB, bukas sa panukalang panatilihin ang ‘iconic look’ ng mga tradisyunal na jeep

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Bukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa panukala ng ilang transport group na panatilihin ang tinaguriang "iconic" na itsura ng mga tradisyunal na jeep sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Kasunod iyan ng suhestyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tingnan kung maaari bang payagan na lamang na bumiyahe ang mga tradisyunal na jeep na maayos at kaya pa namang pumasada.

Ibinahagi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ang pahayag ng Ahensya kasabay ng pagpapakita sa media kahapon ng isang modernized jeep na ang itsura ay katulad ng tradisyunal na jeep.

Gayunman, muling binigyang-diin ni Guadiz na dapat ay pasado ito sa Philippine National Standards sa ilalim ng Bureau of Product Standards ng Department of Trade and Industry, anuman ang itsura ng jeep.

“The modernized jeep that you saw is clear proof that the traditional look can be maintained so the possibility of a phase out is very, very remote. What we only wanted was to improve the roadworthiness of the vehicle,” pahayag ni Guadiz.

Sa ilalim ng Philippine National Standards, kabilang sa mga kailangang isaalang-alang sa pagbuo ng modernized na jeep ang mataas na ceiling nito upang makatayo ang mga pasahero sa loob, ang pinto ay dapat na nakalagay sa kanang bahagi na malapit sa drayber, at kinakailangang mayroong exit point.

Kabilang din sa mga maaaring ilagay sa loob ng isang modern jeep ang aircondition, maliliit na electric fan, at iba pang equipment tulad ng CCTV cameras para sa seguridad. (ltfrb/pia-ncr)


About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch