No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tips upang maiwasan ang sunog, inilabas ng MMDA

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Ang buwan ng Marso ay tinaguriang Fire Prevention Month.

Kaya naman narito ang ilan sa mga fire prevention tips mula Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Payo ng MMDA, hugutin sa saksakan ang mga appliances at patayin ang gas stove kung hindi gagamitin. Iwasan din ang electrical overload.  

Iwasan ding mag-imbak ng mga bagay na maaaring maging sanhi ng sunog gaya ng oil o gas lamps, at pintura.

Mahalagang ilayo sa mga bata ang mga maaaring pagmulan ng sunog gaya ng kandila, posporo o lighter.

Mainam na maglagay ng fire extinguisher sa bahay at alamin ang paggamit nito.

Para sa kaligtasan din ng lahat, ilista ang mga emergency hotline numbers sa inyong lugar. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch