No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

OVP naglunsad ng bagong ruta ng Libreng Sakay

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Pormal na inilunsad ng Office of the Vice President (OVP) ang bagong ruta ng Libreng Sakay Program.

Ang OVP, katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Quezon City Government at JAC Liner, ay nagsagawa ng ceremonial blessing sa dalawang bus kamakailan.

Ang mga bus ay bibiyahe mula sa Doña Carmen babyahe ang mga bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City hanggang Quiapo Church sa Quiapo, Manila at vice versa.

Mga kuha mula sa OVP

Ayon sa tanggapan ng Bise Presidente, layunin ng Libreng Sakay Program na tulungan ang commuting public sa kanilang pang-araw-araw na pag-commute papunta sa trabaho, sa paaralan, at iba pang lugar.

Ang dalawang bagong bus ay dagdad sa kasalukuyang dalawang bus na biyaheng Edsa Carousel. Mayroon ding isang bus sa Davao City, isang bus sa Cebu City, at isang bus sa Bacolod City.

Sa datos ng OVP’s Local Affairs and Special Projects Division, as of March 19, 2023, nakapagsilbi na ang programa sa kabuuang 337,673 katao sa 5,852 biyahe sa buong bansa. (OVP/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch