No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Senakulo sa Daan 2023 sa Pateros sa Abril 7

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Sa nalalapit na Semana Santa, inanunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Pateros ang muling pagbabalik ng Senakulo sa Daan 2023.

Ang Senakulo sa Daan 2023 ay gaganapin sa Abril 7 (Biyernes Santo), mula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ito ay magsisimula sa M&E Event Place Ragas St, dadaan sa Gawad Kalinga, Masagana kakaliwa ng P. Rosales St.

Samantala, narito naman ang iba pang ruta ng Senakulo sa ilang lansangan ng bayan:

  • Scene 1: Duro

         Kanto ng P. Rosales at C. Almeda Extension

  • Scene 2: Pagdakip kay Kristo

         P. Rosales St., kanan malapit sa Alley 5

  • Scene 3: Sala ni Anas

         Tapat ng Zaragosa Event Plance, P. Rosales St.

  • Scene 4: Sala ni Caipas

         Tapat ng Aqua Shell Water Station, M. Alemda St., corner E. Hermosa St.

  • Scene 5: Sala ni Herodes

        Martires Street

  • Scene 6: Depensa

         Harap ng Putol na Tulay, Brgy. Aguho

  • Scene 7: Sala na Pilato

         Harapan ng Munisipyo

  • Scene 8: Pagsalubong ni Veronica

         Kanto ng P. Herrera at C. Almeda (Taberna)

  • Scene 9: Pagsalubong ng Mahal na Birhen

        Tabacalera Barangay Hall

  • Scene 10: Samuel

         ACC Restaurant, kanto ng C. Almeda at A. Mabini

  • Scene 11: Sireneo

         Uniwise kanto ng A. Mabini at B. Morcilla

  • Scene 12: Pagbibigti ni Judas

          Patio ng Simbahan

  • Scene 13: Pagpapako kay Kristo

         Patio ng Simbahan

Ang Senakulo sa Daan 2023 ay handog ng Pamahalaang Bayan ng Pateros, sa pakikipagtulungan ng Knights of Columbus, Pateros Council 4640 at ng Samahang Senakulista ng Sta. Ana. (Isang Pateros/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch