LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na pansamantalang isasara ang Valenzuela Health Center sa Barangay Valenzuela sa naturang lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang naturang health center ay sasailalaim sa renovation simula sa Lunes, Abril 17, 2023.

Sa mga Makatizens, pinapaalala ng pamahalaang lungsod na maaaring magpa-schedule ng konsultasyon ang mga taga Brgy. Valenzuela sa QMobile App sa Health Center ng Sta. Cruz, Poblacion, Olympia, Guadalupe Viejo. (Makati City/PIA-NCR)