No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

7 Healthy Habits, isinulong ng DOH sa Pista ng Kalusugan

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Masayang nakilahok ang Department of Health - Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa "Pista ng Kalusugan" na pinangunahan ng Health Promotion Bureau ng Department of Health - Central Office sa Quezon City Memorial Circle noong Sabado at Linggo, Abril 16, 2023.

Tinatayang may dalawang libong tao ang dumalo at nakiisa sa programang na naglalayong ipalaganap ang 7 Healthy Habits; simula sa pagkain ng tama at pag ehersisyo, pagkakaroon ng malinis na kapaligiran, pagbabakuna, pag-iwas sa sigarilyo, alkohol at droga, ligtas na pakikipagtalik, pag iwas sa karahasan at pagsusulong ng mental health.

Sa pahayag ni DOH Assistant Secretary Beverly Ho, patuloy ang pagbaba ng immunization coverage sa bansa, lalo na't dumaan ang pandemya.

Dagdag pa niya na isinusulong din ng ahensya ang pagpapabakuna ng mga kabataan laban sa mga vaccine preventable disease tulad ng tigdas, polio at pneumonia, na maaring mauwi sa outbreak at pagkamatay ng mga batang nasa limang taong gulang pababa.

Patuloy ang paalala ng DOH na ugaliin ang magpabakuna upang maging ligtas at protektado ang mga chikiting.

Sinabi naman ni DOH Undersecretary Enrique Tayag na bakuna pa rin ang pinakamabisang paraan laban sa mga nakamamatay na sakit.

Pinuri naman ni Dr. Malalay Ahmadzai, Chief of Health and Nutrition ng UNICEF Philippines ang matatag na pamumuno ng DOH at sa matagumpay na pagsusulong nito ng mga programang nagtataguyod sa malusog na pag-uugali at sa pagiging tulay nito sa mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan.

Nagkaron din ng ceremonial vaccination alinsunod sa kampanya ng Measles-Rubella at Bivalent Oral Poliovirus Vaccine Supplemental Immunization na gaganapin sa buong buwan ng Mayo.

Kabilang sa mga nakiisa sa nasabing aktibidad ay sina Undersecretary Kenneth Ronquillo, Undersecretary Carolina Taino, Undersecretary Maria Francia Laxamana, Assistant Secretary Frances Mae Cherryl Ontalan, Assistant Secretary Maylene Beltran, Assistant Secretary Charade Grande, DepEd Assistant Secretary Dexter Galban, DOLE Assistant Secretary Lennard Constantine C. Serrano, Marikina Congressman Stella Quimbo, USAID Office of Health Director Michelle Lang-Ali at WHO Medical Officer Dr. Achyut Shrestha.

Ang two-day event ay naghatid ng mga  serbisyo, at mga talakayan ng eksperto upang isulong at hikayatin ang pagsasagawa ng 7 Healthy Habits. (MMCHD/PIA-NCR)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch