No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Cabangon, gagawaran ng KWF Makata ng Taon 2023

MAYNILA, (PIA) -- Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Mikka Ann V. Cabangon ng KWF Talaang
Ginto: Makata ng Taon 2023 pára sa kaniyang tulang Lupa Ta’ Tanan (Pusod ng Lupa): Ang Paghahanap sa Nelendangan. Makatatanggap siyá ng PHP30,000, tropeo, at medalya.

Nagwagi rin si Radney Ranario ng Ikalawang Gantimpala pára sa kaniyang Bugsa.

Makatatanggap siyá ng P20,000.00 at plake. Si Mikka Ann V. Cabangon ay isang mananaliksik, tagasalin, manunulat, at editor na nagtapos sa University of the Philippines, Diliman sa kursong Bachelor of Arts in Art Studies (Philippine Art).

Naging awtor ng iba’t ibang akda kabilang ang “Kubol: Sining at Panata sa bayan ng Macalelon, Quezon, at Tuwing Umuulan ng mga Dahon ng Sampalok.

Ang Talaang Ginto: Makata ng Taón ay isang patimpalak sa pagsúlat ng tulâ na itinaguyod ng KWF na naglalayong pasiglahín at pataasín ang urì ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilála sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tulâ.

Ang Araw ng Parangal ay gaganapin sa 27 Abril 2023, 10:00 nu–12:00 nt sa Grand Ballroom, Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Lungsod Maynila. (PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch