No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga magsasaka sa Kidapawan, nakatanggap ng portasol drying trays mula sa DOST

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Nakatanggap kamakailan ng portasol multi-purpose drying trays mula sa Department of Science and Technology (DOST) ang Blue Ternate Growers Association ng Kidapawan City.

Layon nito na matulungan ang mga magsasaka na mapalakas ang kanilang post-harvest management at mapataas ang kanilang produksyon.

Base sa datos ng DOST, ang portable solar dyer ay may dalawa hanggang tatlong drying rate na bilis sa pagapatuyo kumpara sa tradisyunal na pavement drying method. 

Ayon kay Michael Ty Mayo, provincial director ng DOST, apat na asosasyon na sa lalawigan ang nabigyan ng naturang teknolohiya ngayong taon. Maliban sa Blue Ternate Growers Association ng Kidapawan City, nakatanggap din ang Mimbalawag Coffee Farmers Organization sa bayan ng Alamada, Budasan Farmers Irrigators Multipurpose Cooperative sa bayan ng Makilala, at Mahongkog Adlai Farmers Association sa bayan ng Magpet. 

Patuloy naman ang pagsisikap ng DOST XII, sa pangunguna ni Regional Director Engr. Sammy Malawan, na mabigyan ng science and technology interventions ang mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) program.

Sa ilalim ng nabanggit na programa, tinutugunan din ng DOST ang mga problema sa kabuhayan, internet access, suplay ng tubig, at maging sa pag-aaral ng kabataan. (PIA Cotabato)


About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch