No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

97 pamilya sa Aleosan, nakikinabang na sa ligtas na inuming tubig

ALEOSAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Nakikinabang na ngayon sa libre, sapat at ligtas na inuming tubig ang abot sa 97 pamilya sa Barangay Pentil sa bayan ng Aleosan.

Ito ay matapos ipatupad kamakailan ang potable water system level 1 project ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services.

Ang nasabing proyekto ay may kabuuang pondo na P1,265,3030.13.  

Ayon kay Governor Emmylou Mendoza, ang proyektong ipinatupad sa pakikipagtulungan ng DSWD ay nakaangkla sa mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ipaabot sa mamamayan ang mga proyektong lubos nilang kinakailangan.

Dagdag pa ng gobernadora, ang pagsasakatuparan ng water system project ay isa sa mga hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang lalo pang mapalawak ang mapagkukunan ng ligtas, sapat, at libreng inuming tubig sa probinsya.

Hinikayat naman ni Mendoza ang mamamayan na suportahan ang mga pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan upang marami pang mga programa at proyekto ang maipatupad sa probinsya. (With reports from IDCD-PGO)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch