No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Caraganons sabik sa SONA ni PBBM

LUNGSOD NG BUTUAN -- Habang abala ngayong araw ang administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa gaganaping ikalawang State of the Nation Address (SONA), sabik namang nakaabang ang mga Caraganon sa mga sasabihin ng pangulo.

Nais din nilang hilingin sa punong ehekutibo na sana ay matugunan ang mga isyu na kasalukuyang kinakaharap lalo na sa rehiyon.

Ayon kay Pepito Silot, 43 taong gulang mula sa Brgy. Bancasi, Butuan City at isang jeepney driver, hiling nito na matugunan ng pangulo ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin lalo na ng bigas. 

"Sana ay bumaba ang presyo ng bigas dahil 'yan po ang pangunahing concern ng lahat. Kakarampot lang po kasi ang aming kita sa pasada kaya’t medyo nahihirapan pa rin po kami,” ani Silot.

Bagamat hindi gaano kalaki ang kinikita sa pang araw-araw na pagbibenta ng mga lobo, masaya pa rin si Sandy Palisan, 49 taong gulang ng Butuan  City, sa mga ginagawang hakbang at tulong ni Pangulong Marcos Jr.

"Suportado po namin ang mga programa ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. At sana ay magpatuloy pa ito para mas marami pang matutulungan ang pangulo," saad ni Palisan.

Samantala, nagtipon-tipon din ang iba't ibang sektor sa lungsod ng Butuan sa isinagawang outreach program at musical entertainment na inisyatibo ng Butuan City Police Office (BCPO), at ito ay bilang suporta rin sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

"We are conducting today's outreach program as part of the Police Community Relations Month celebration and State of the Nation Address of President Ferdinand Marcos Jr. by providing the people of Butuan the various services from the different government agencies with entertainment. People can avail of the free skill training on rug making by the Technical Education and Skills Development Authority, feeding program, and distribution of information, educartion and communication (IEC) materials and snacks here at the Guingona Park," saad ni Police Lietuenant Colonel Sandy Dacera, chief ng Community Affairs and Development Unit ng BCPO.

Nagbahagi rin ng kanyang komento si Andrei Dave Arquion, vice president ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng Butuan City Mobile Force Company.

"In today's SONA of President Marcos Jr., we hope that his administration could address the continuing issues on teenage pregnancy and suicide incidence in the region lalo na 'yung mental health ng mga kabataan para maprotektahan sila sa kapahamakan," tugon ni Arquion.

Suportado ng mga Caraganon ang mga programa ng gobyerno at umaasa silang mas pagtitibayin pa ng administrasyong Marcos Jr. ang mga ito para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino. (JPG/PIA-Caraga)

About the Author

Jennifer Gaitano

Writer

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch