No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

10 PNP retirees, binigyang pagkilala sa ilalim ng Salamat Kapatid Program

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) — Binigyang pagkilala at parangal ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang 10 pulis na nakatakdang magretiro sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Camp Miguel Malvar sa lungsod na ito noong ika-18 ng Agosto 2023.
 
Ang Salamat Kapatid Program ay isang retirement honors ceremony para sa mga pulis na magreretiro na nagpakita ng hindi matatawarang dedikasyon at paglilingkod sa mahabang taon.
 
Kabilang sa mga binigyang pagkilala sina P/Lt. Eduarda Paguia, P/EMS Maria Rica Baral, P/EMS Katherine Bodoy, P/EMS Michael Canlubo, P/EMS Allan Panaligan, P/EMS Orlando Salanguit, P/CMS Jodan Arguilles, PCMS Ronaldo Pesigan, P/SSg Felino Recio at P/Cpl. Henry Trinidad.
 
Sa kanyang mensahe, sinabi ni P/Lt. Col. Angelito Guardian na ang pagreretiro ng isang alagad ng batas ay hindi katapusan kundi pagbubukas ng panibagong yugto ng buhay at nagpapakita ng pagiging huwaran sa mga kasamahan at pagseserbisyo na may dangal sa bayan.
 
“Sa pagreretiro ng isang pulis, mas mabibigyan na nito ng oras at panahon ang kanyang pamilya na sa mahabang [anahon ay hindi nila naibigay dahil sa tawag ng tungkulin. Magagampanan na nila ang pagiging ama,ina, asawa,anak sa kanilang pamilya," ani Guardian.
 
Pinangunahan ni P/Col. Samson Belmonte ang pagbibigay ng Certificate of Honorable Service at Gallery of Chevron sa mga honorees na sinaksihan ng kanilang mga mahal sa buhay at kapamilya.
 
“Binabati ko ang mga magsisipagretirong kapulisan at nawa ay maging ehemplo kayo ng susunod na henerasyon sa inyong ipinakitang dedikasyon  at sakripisyo na unahin ang bayan bago ang inyong mga pamilya”, ani Belmonte.
 
Nagpaabot naman si P/Lt. Paguia, isa sa mga retirado ng mensahe na tumutukoy sa lahat ng hirap at sakrispisyo  ng isang alagad ng batas alinsabay ng pagpapasalamat sa PNP at Batangas PPO sa parangal na ibinigay sa kanila bilang mga lingkod bayan kasabay ng pangakong mananatili ang mandato na pagsilbihan at protektahan ang sambayanang Pilipno.
 
Ang PNP ay may compulsory retirement age na 56 taong gulang  ngunit maaari silang mag-aplay ng optional retirement kung umabot sila ng 20 taon o higit pa sa serbisyo. (BPDC)
 

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch