No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpapalakas sa kakayahan at kaalaman ng mga IPMR sa Cotabato, isinusulong

Mga partisipante sa ginanap na Developmental Orientation Semniar of IPMR or DOSI sa Kidapawan City. (Photo Courtesy of Cotabato Province IP Affairs Office)

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Upang lalo pang mapalakas ang kakayahan ng mga Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) sa lalawigan, bilang mga kawani ng pamahalaan, isinailalim kamakailan ang mga ito sa tatlong araw na developmental orientation seminar ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Layon nito na gawing mas epektibo ang mahigit 50 IPMR sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin bilang mga representante ng mga tribo sa pagsusulong ng mas maunlad na komunidad.

Sa isinagawang orientation seminar ay itinuro sa mga partisipante ang mga dagdag na kaalaman sa ilalim ng mga paksang may kaugnayan sa national IPMR guidelines; delineation and titling of ancestral domain; duties, functions, and responsibilities of IPs and IPMRs; Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code; at iba pa.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Provincial IPMR Ex-Officio Board Member At Sangguniang Panlalawigan Committee on Indigenous Peoples Rights Chairman Arsenio Ampalid sa pamahalaang panlalawigan sa suporta nito sa mga tribo.

Dagdag pa niya, ang pagpapalakas sa kaalaman at kakayahan ng mga IPMR ay pagpapakita ng pagtulong at pagrespeto sa bawat isa.

Nabatid na nagsagawa din ang pamahalaang panlalawigan ng kaparehong aktibidad noong nakaraang taon na dinaluhan ng iba pang IPMR sa probinsya. (PIA Cotabato Province)

Mga Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMR) ng lalawigan ng Cotabato lumahok sa ginanap na Developmental Orientation Semniar of IPMR (DOSI) na inorganisa ng pamahalaang panlalawigan sa pakikipagtulungan sa National Commission on Indigenous Peoples. (Photo Courtesy of Cotabato Province IP Affairs Office)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch