Iniimbitahan ng Office of the President (OP) at ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga estudyante mula sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa buong Pilipinas na makilahok sa “Isang Bituin, Isang Mithiin” national parol-making contest ngayong taon.
Ang mga interesadong grupo, na binubuo ng hindi hihigit sa apat na estudyante, na nais lumahok sa kompetisyon ay kailangang mag-sumite ng isang orihinal na parol – gawa sa mga recyclable endemic materials katulad ng bamboo, papel, at niyog, maliban sa plastic materials – na kumakatawan sa mga kakaibang tradisyon ng mga SUCs kung saan sila nabibilang.
Kailangang magbigay ang mga kalahok ng mga printed at soft copies ng official endorsement letter mula sa nirerepresinta nilang SUC. Ang pagsusumite ng mga entry sa Malacañang ay tuwing Lunes hanggang Biyernes lamang, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, bago at hanggang October 27 (Biyernes) lamang.
Ang ibang mechanics ng kompetisyon at ang criteria for judging ay maaaring ma-access sa official Facebook page ng Social Secretary’s Office https://www.facebook.com/sosec.opgov/.
Ang mga hurado ng kompetisyon ngayong taon ay sina King of Talk Boy Abunda, globally-acclaimed Architect Conrad Onglao, at dating Commissioner for Cultural Heritage ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at dating Commissioner for Culture of the UNESCO National Commission of the Philippines Architect Mico Manalo.
Ang mga mananalong SUC ay makatatanggap ng photo at video editing package na binubuo ng isang gigabyte G7 laptop; isang taong Adobe Creative cloud subscription; Canon M50 camera; 1 DJI Ronin-SC camera stabilizer 3-Axis Gimbal; at isang INSTA 360 Flow AI-powered smartphone stabilizer.
Para sa mga estudyante, and 3rd placer ay makatatanggap ng PhP250,000; ang 2nd placer ay makatatanggap ng PhP500,000; at PhP1 milyon para sa 1st placer, habang ang online poll winner ay makatatanggap ng special prize na PhP100,000.
Ang mga kakatawan mula sa mga SUC ay inaanyayahang i-contact si Ching Villas sa +63 917 3206047 para sa mga paglilinaw at mga katanungan tungkol sa kompetisyon. (HJPF - PIA SarGen)