GENERAL SANTOS CITY (PIA) -- Nagpulong sina Mayor Lorelie Pacquiao at ang mga kawani ng Department of Education (DepEd) Gensan Division Office kahapon, Enero 3, tungkol sa paghahanda ng Lungsod ng Heneral Santos bilang host ng SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) sa 2024.
Ayon sa ulat ng City Public Information Office, inaasahang maraming estudyanteng atleta mula sa iba't ibang lugar ng SOCCSKSARGEN ang sasali sa iba't ibang sports.
Photo courtesy of LGU Gensan
Mahalaga aniya sa alkalde na maging maayos at maganda ang pagdaraos ng event. Binigyang diin niya ang kahalagahan ng masinop na pagpaplano at koordinasyon sa bawat aspeto, mula sa mga sports facility hanggang sa mga tirahan at transportasyon ng mga kalahok.
Photo courtesy of LGU Gensan
Sa mga susunod na pagpupulong, pag-uusapan pa aniya ang mas detalyadong plano, tulad ng kung paano gagamitin ang budget at paano mapapanatiling ligtas ang events ng SRAA.
Layunin nito na ipakita ang galing ng mga kabataan sa sports at ang kultura at mainit na pagtanggap ng General Santos. (HJPF - PIA SarGen)