LUNGSOD NG BATANGAS (PIA) — Nasa 20 miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa iba't ibang barangay sa lungsod ng Batangas ang nakatanggap ng Kabuhayan Negokart mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Layon nito na matulungan ang mga walang hanapbuhay at nagnanais magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagsisimula ng maliit na negosyo.
Katuwang ng DOLE ang pamahalaang lungsod sa programang ito kung saan pinangunahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang pamamahagi ng tig-limang packs ng fishball, squid balls at kikiam gayundin ang ilang mga gamit sa pagtitinda.
Sa tagubilin ni Mayor Dimacuha, hiniling nito na alagaan at palaguin ng mga benepisaryo ang hanapbuhay na ipinagkaloob sa kanila.
Nagpaabot naman ng lubos na pasasalamat ang mga nakatanggap ng negokart at nangako na pag-iibayuhin ang munting negosyong kanilang tinanggap.
Ginampanan nina DOLE Provincial Director Predelma Tan at Labor and Employment Officer/TUPAD Focal Person Salvacion Kalalo at PESO Manager Noel Silang ang pamamahagi ng negokart.
Upang masiguro ang kaayusan ng mga benepisyaryo ng programa, bawat kwarter ng taon ay magsasagawa ang PESO ng monitoring at magbibisita naman ang DOLE taon-taon.
Samantla, may 30 pang benepisaryo ng parehong programa ang nakatakdang tumanggap kung saan kabilang ang mga Persons Deprived of Liberty na kabilang sa mga makakalaya.(BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas may ulat mula sa PIO Batangas City)
.