No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Orange Tourism Festival, inilunsad sa Quezon

LUCENA CITY- Matagumpay na inilunsad kamakailan ng Quezon Provincial Tourism Office  ang  Orange Tourism Festival bilang suporta sa ‘creative economy’ na programa ng Department of Tourism  (DOT) at pakikibahagi rin sa pagdiriwang ng National Arts Month.


Binigyang kahulugan sa Orange Tourism Festival ang pitong kulay at pitong anyo ng sining tulad ng music, theater, film, literature, dance, visual arts architecture at ang idinagdag na ika-8 na sumisimbolo sa infinity na kakatawan sa culinary kung saan dito nakasentro ang coconut, cacao at lambanog na kilalang produkto ng lalawigan.


Ayon kay  Provincial Tourism Officer Nesler Louies Almagro, nais ni Governor Doktora Helen Tan na mapalakas ang turismo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga magagandang karanasan sa pagpapamalas ng kultura at tradisyon na ipinaiiral sa bawat bayan sa lalawigan.


“Ang Quezon lamang ang nagbibigay ng kakaibang karanasan sa mga bumibisita dahil sa ipinagmamalaking ‘Tagayan Ritual’ gamit ang masarap na lambanog,” sabi pa ni Almagro


Hinikayat din nito ang mga municipal tourism officer na maglagay ng mga local artworks sa mga lugar na pinupuntahan ng turista para maipalas ang mga likhang sining ng mga lokal na artists ng Quezon.


Samantala, ayon sa tala ng Quezon Tourism Office mahigit sa 200 mga Quezonian ang sumali sa art workshop na mga nagnanais madadagdagan ang kaalaman, kakayanan at diskarte sa larangan ng sining.(Ruel Orinday-PIA Quezon)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch