LUCENA CITY (PIA) — Nakalatag na ang mga aktibidad ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso.
Sa idinaos na pagpupulong ng Provincial Gender and Development Focal Point System - Technical Working Group, inilahad ni Sedfrey Potestades, assistant department head ng Quezon Provincial Gender and Development Office ang mga nakahanay na aktibidad gaya ng “Tiangge ni Juana” na idaraos sa may harap ng Kapitolyo ng Quezon mula ika-4 hanggang ika-8 ng Marso.
Sa Tiangge ni Juana, mabibili ang mga produktong pagkain o material na bagay na gawa ng samahan ng mga kababaihan sa lalawigan ng Quezon.
“Sa pamamagitan ng Tiangge ni Juana ay matutulungan po natin ang mga samahan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagtangkilik o pagbili ng kanilang mga produktong ginawa ”, sabi pa ni Potestades
Idaraos din ang livelihood training-meat processing sa Marso 22 na pamamahalaan ng Office of the Provincial Veterinarian gayundin ang tree planting na pamamahalaan naman ng Quezon Environment and Natural Resources Office. .
Magkakaroon din ng pagtitipon ang mga babaeng empleyado ng pamahalaang panlalawigan gayundin ang mga kalalakihang empleyadong sa darating na Marso 11 hanggang Marso 15 upang pag-usapan ang mga mahahalagang mandato sa usapin ng Gender and Development.
Layon niton maipabatid sa mga kababaihan at kalalakihan ang mga kaalaman ukol sa leave benefits bilang mga empleyado. Ituturo din dito kung paano ang mga dapat gawin kung ano mga mga dapat gawin kapag naging biktima ng sexual abuse at iba pang uri ng pang-aabuso.
Nakatakda rin makiisa at dumalo ang sa Regional Women’s Convention sa Batangas Provincial Capitol, Batangas City sa Marso 25 ang Provincial GAD Focal Point System Technical Working Group na bahagi rin ng pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan.
Matatandaan na ang Quezon Gender and Development Office ay tumanggap ng mga parangal tulad ng Re-Certification of GAD Local Learning Hub at Outstanding GAD Implementer sa taong 2015-2021 dahilan sa ibayong pagpapatupad ng mga programa sa gender and development sa lalawigan. (Ruel Orinday- PIA Quezon)