


Naghandog ng aliw at kasiyahan ang Philippine Information Agency Puppet Theater (PIA-PT) sa day care centers ng Barangay San Jose, Rodriquez, Rizal sa pamamagitan ng isang puppet play na may titulong “Inang Kalikasan.” Ito ay nagbigay-aral sa mga estudyante ng mga dapat gawin para mabawasan ang epekto ng climate change.
Ginanap ang outreach program ng Nice One Club of Montalban sa Area 5 1K1, Kasiglahan Village, Barangay San Jose, Rodriquez, Rizal noong nakaraang March 03, 2023.
Abangan ang mga susunod na puppet show ng PIA-PT sa ibang lugar sa Pilipinas.
Photos: Ramil D.C. Maningas
