Photos

Commemoration of National Heroes Day

  • Published on August 29, 2023
  • |

Commemoration of National Heroes Day

TINGNAN: Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang programa sa Libingan ng mga Bayani para sa komemorasyon ng National Heroes Day ngayong ika-28 ng Agosto 2023.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkilala sa mga bayani, tanyag man o mga itinuturing “everyday heroes,” gaya ng mga rumeresponde sa sakuna, mga magsasaka, mga guro, pati na rin ang mga OFW na ipinaglaban ni DMW Sec. Toots Ople.

Aniya, marapat lamang na magsilbing inspirasyon ang kanilang kabayanihan at hindi dapat isantabi dahil sa malaking kontribusyon ng mga ito sa bansa.

Photos courtesy of Presidential Communications Office

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch