Dahil sa iba't ibang banta sa kalusugan ng mga Pilipino lalo na’t patuloy pa rin ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa at ngayon ay may mas delikadong variant pa ito, maraming kababayan natin ang umaasa sa PhilHealth para sa kanilang mga pangangailangang pangmedikal.
Nagkausap po kami ni PhilHealth President Dante Gierran kanina upang maiparating sa kanya ang mga reklamo ng mga ospital ukol sa mga hindi pa nababayaran ng PhilHealth sa mga hospital claims. Halos 12.5 million claimants ang pinoproseso nila sa isang taon. Equivalent po iyan to more than one million a month.
Bagama’t overwhelmed ang PhilHealth at apektado rin ang kanilang operasyon dahil sa pandemya, nagbigay ng assurance si Mr. Gierran na ginagawa ng PhilHealth ang lahat para mapabilis ang proseso.
Ayon sa kanya, may humigit-kumulang 40% (forty percent) pa na claims ang under reconciliation. Ibig sabihin, nasa proseso ito ng validation upang masigurong walang masasayang o mananakaw na pondo ng bayan. Nakikipagtulungan din ang PhilHealth sa NBI upang imbestigahan ang mga kaso ng false claims na maaaring ugat ng korapsyon at mas lalong pagbagal ng proseso.
Kaya ang apela ko rin sa mga ospital, magtulungan po tayo. Please validate your claims and make sure they are correct, accurate, and compliant with the law. Let’s be honest with our claims, especially now that our people need our immediate help.
Kaysa maubos ang ating oras sa pagba-validate ng claims at pagpa-file ng kaso sa mga nanloloko diyan, magtulungan tayo upang masigurong walang masasayang o mananakaw na pera, at mas mapapabilis ang tulong sa tao.
Nananawagan po akong muli sa pamunuan ng PhilHealth na bilisan pa ang kanilang processing ng mga lehitimong claims ng mga ospital para hindi maantala ang operasyon at hindi maapektuhan ang serbisyo ng mga health service providers sa mga tao. Inatasan din po ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DICT at iba pang ahensya na tulungan ang PhilHealth management na ma-streamline ang kanilang operasyon.
Siguraduhin natin na tama ang ibinabayad mula sa kaban ng bayan. At siguraduhin din natin na walang napapabayaang kababayan natin na may sakit lalo na ‘yung mga walang matakbuhan. Sa panahon ngayon, bawat araw, bawat oras, bawat minuto, napakahalaga po. Buhay po ang nakataya dito, ng ating mga kababayang Pilipino.
Especially in times of crisis, every single peso counts. Let’s work together to save lives!
Senator Christopher Lawrence 'Bong' Go
23 Hulyo 2021