No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Hunger mitigation initiatives paiigtingin pa kahit bumaba ang bilang ng nagugutom –– Nograles

LUNGSOD NG MAYNILA -- Bagamat ikinalugod ng pamahalaan ang patuloy na pagbagsak ng bilang ng nagugutom, dapat umanong palakasin pa ang mga hakbang laban sa kagutuman habang hindi pa ganap na binubuksan ang ekonomiya dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon ito kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, na nitong Huwebes ay nagpahayag na "ang pagbawas at pag-iwas sa paglaganap ng kagutuman ay isang prayoridad para sa gobyerno, at batid na ang pagpapatupad ng quarantine measures ay humihingi din ng pagsasagawa ng mga interbensyon upang mabawasan ang epekto nito sa kabuhayan at kita."

Si Nograles, na siyang namumuno sa Zero Hunger Task Force ng gobyerno, ay nagsabi na ang 3.2% na pagbagsak ng involuntary hunger "ay isang magandang palatandaan na epektibo ang ating mga hakbang kahit isinagawa sa loob lamang ng dalawang buwan."

"Ang bilang ng hunger incidence ay wala pa rin sa pre-pandemic levels, at tayo’y naniniwala na mayroon pa kaming kailangang gawin upang makaabot doon, ngunit sa huli ang hangarin natin ay ilagay ang ating sarili sa isang posisyon para puksain ang gutom sa sandaling ganap nating binuksan muli ang ekonomiya at pumasok sa better normal," paliwanag ng opisyal ng Palasyo.

"Kung ang ating kampanya laban sa kagutuman ang pag-uusapan, kailangan natin ng tatlong R: recover, regain, and rally. Kailangan nating ma-recover ang pagkakataon na nawala sa atin dahil sa pandemya, ma-regain ang momentum sa mga taon bago dumating ang pandemya, at i-rally ng seryoso ang ating mga hakbang para tuluyan nating malampasan ang kagutuman. "

Makikita sa resulta ng isang survey noong Mayo na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula Abril 28 hanggang Mayo 2 na 16.8% ng mga pamilyang tinanong, o tinatayang 4.2 milyong pamilya, ay nakaranas ng involuntary hunger. Sa kamakailang survey na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang 26, ang bilang na iyon ay bumaba sa 13.6% o tinatayang 3.4 milyong pamilya.

Ang pagbagsak ng mga numero ng kagutuman sa pagitan ng mga survey noong Mayo at Hunyo ay naitala sa lahat ng mga rehiyon, at makikita na ang hunger incidence ay mas lalong bumagsak sa Visayas, mula 16.3% (776,000 families) pababa sa 8.3% (396,000 families). Bumulusok din ang kagutuman ng 5.7 points sa Mindanao, mula 20.7% (1.2 million families) pababa sa 15.0% (863,000 families); .7 points sa Luzon, mula 15.7% (1.8 million families) pababa sa 15.0% (1.7 million families); at .7 points sa Metro Manila, mula 14.7% (496,000 families) pababa sa 14.0% (473,000 families).

Inilahad ni Nograles na ang pagbagsak ng pangkalahatang kagutuman sa self-rated poor––mula 23.5% pababa sa 15.7%–– ay "isang indikasyon na ang mga hakbang para maingat na buksang muli ang ekonomiya, pati na rin ang mga interbensyon laban sa kagutuman ng gobyerno, ay pinapakinabangan ng mga higit na nangangailangan ng tulong."

"Habang nagpapatuloy tayo sa paglipat patungo sa isang 'better normal' at inilalatag ang pundasyon para sa strategic and long-term hunger reduction initiatives, inaasahan nating mailalagay sa landas ang bansa upang wakasan ang gutom at malnutrisyon sa 2030. Mananatili itong isang hamon, ngunit pag merong political will at commitment of resources, ito ay posible." (OCS)

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch