“Kapag naintindihan at ginamit [ng mga katutubo] ang mga kaalaman at mga diskarte na ibinahagi natin sa kanila, makakaambag ito upang mas ma-maximize ang kanilang ani at mapataas ang kanilang kita,” ani ni Mr. Mendoza.
Iminungkahi ni Mr. Mendoza na magkaroon ng soil test upang malaman kung ano pa ang pwedeng maitulong ng SAAD sa mga katutubo sa kanilang land preparation o paghahanda ng lupa para mas magkaroon ng mas mataas na ani. Ang soil test ay ang pagsusuri ng mga chemical component at katangian ng lupa upang malaman kung ano ang mga halamang angkop at hindi angkop itanim.
Tinuro naman ni Mr. Jay-R A. Cuaresma, San Miguel Corporation Integrated Farm Specialist ang mga dapat gawin ng mga katutubo sa tamang paghahanda sa pagbebenta ng balinghoy. Ayon kay Mr. Cuaresma, malaki ang pangangailangan ng bansa ng balinghoy dahil marami itong pinaggagamitan gaya ng paggawa ng alak, feeds, plywood, gamot, at iba pa.
“Nag-iimport pa ang San Miguel Corporation mula sa ibang bansa gaya ng Thailand para lang matugunan ang malaking pangangailangan sa balinghoy. Kung makakapagprodyus ang ating mga magsasaka ng mas maraming balinghoy, hindi na natin kakailanganin pang bumili sa ibang bansa at matutulungan pa natin ang mga lokal na magsasaka,” ani ni Mr. Cuaresma.
Dumalo rin sa nasabing pagsasanay si Richard V. Ochavez, OIC- Municipal Agriculturist ng Magsaysay at mga SAAD staff.
Ang CI FA ay may tinatayang 20 hektaryang (ha) tinataniman ng balinghoy. Ang samahan ay naging benepisyaryo ng SAAD noong 2020 at nakatanggap ng limang (5) set ng araro at suyod, 27 set ng farm tools (pala, asarol, kalaykay, piko, spading fork, sprinkler, wheel barrow), limang (5) caraheifer, isang (1) unit ng grass cutter, ¼ truck load ng Lakan 1 Golden Yellow variety ng cassava cuttings at cassava granulator. Ang mga ito ay nagkakahalaga ng Php 2,704,900.00.
Ang SAKARALUNI naman ay rehistrado sa DOLE noong 2016 at naging benepisyaryo ng SAAD noong 2020. Nakatanggap sila ng Php 1,034,437.00 halaga ng cassava farming project mula sa SAAD 5,400 Lakan 1 Golden Yellow variety ng cassava cuttings, limang (5) sets ng araro at suyod, 28 sets ng farm tools (pala, asarol, kalaykay, piko, spading fork, sprinkler, wheel barrow), dalawang (2) unit ng hermetic storage cocoon na may 5.0 metric tons capacity, apat (4) na unit ng collapsible dryer, limang (5) head ng caraheifer, at isang (1) unit ng grass cutter.