Ang Bamboo Ceremonial Planting activity ay pinangunahan ng DA MIMAROPA Regional Executive Director, Antonio G. Gerundio, Regional Technical Director, Engr. Elmer T. Ferry, RTD for Operations at DA-PRES Agricultural Center Chief III, Librada L. Fuertes. Nakipagkaisa din at nagbigay ng kanilang mensahe sa aktibidad na ito ang mga lider mula sa grupo ng Bambusa Princesa at iba't ibang ahensya ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa na sumusulong ng Bamboo Industry Development Program.
Sa kanyang pagbibigay ng update, sinabi ng City Agriculturist, Melissa U. Macasaet na ang Lungsod ng Puerto Princesa ay may mga sinisimulan ng mga gawain upang mabalangkas ang Bamboo Development Roadmap na magiging gabay nila upang matagumpay na maisulong ang Bamboo Industry sa Lungsod. Sa tulong din ng USAID Surge ay may mga isinasagawang mga virtual na pagsasanay patungkol sa kawayan.
Ayon sa City ENRO, Atty. Carlo Gomez, napakahalaga ng proyektong ito para sa environmental protection. Saad niya “Kami po sa City Enro ay lubos na sumusuporta dahil sa proteksyon na maibibigay at tulong sa ating taong bayan”.
Ang makabuluhang mensahe naman ni Dr. Carlos Fernandez, dating DA Undersecretary ay nakatuon sa pakinabang ng susunod na henerasyon.