No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

8K magsasaka nakinabang sa libreng 'irrigation service fee' sa SurSur

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Tinatayang di-bababa sa 8,000 bilang ng mga magsasaka ang nakikinabang sa libreng irrigation service fee sa ilalim ng Duterte Administration sa Surigao del Sur.

Ayon kay Engineer. Dexter Sablaon, manager ng Provincial Irrigation Management Office (PIMO) ng National Irrigation (NIA) dito, ito ay mula nang lagdaan noong Pebrero 2018 ni Pang. Rodrigo Duterte ang R.A. 10969 na pinamagatang “An Act Providing Free Irrigation Service.”

Subalit nilinaw na tanging para lang ito sa may sinasakang di-hihigit sa walong ektarya.

Samantala, aminado ang opisyal na malaking lugar ng palayan ang hirap silang tustusan ng patubig sa ngayon sa may bayan ng San Miguel na tinuran bilang rice granary ng probinsiya.

Sa mahabang panahon ng tag-init at madalang na pag-ulan iniugnay ang problema.

Malaking hamon din aniya kung paano ang mga magsasaka sa nabanggit na lugar na mahikayat para sumunod sa itinakdang cropping calendar. (Greg Tataro, Jr. - DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)

About the Author

Nida Grace P. Barcena

Writer

CARAGA

Whatever comes to destroy me,
I always try to stay firm,
& be d BRAVEST as
I can be.

Feedback / Comment

Get in touch