No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Unilever, hindi na sasailalim sa inspeksiyon sa paggawa – DOLE

LUNGSOD NG MAYNILA -- Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III hindi na sasailalim ang isang global manufacturing firm mula sa regular na inspeksiyon sa paggawa matapos itong makatanggap ng safety seal mula sa labor department nitong Martes.

Kabilang na ang Unilever Philippines, Inc. sa marami pang kompanya na hindi na sasailalim sa inspeksiyon sa paggawa matapos itong sumunod sa mahigpit na health and safety protocol sa mga lugar-paggawa. Binigyan din ng kaparehong pribilehiyo ang CDO Foodsphere Inc., United Laboratories, at walong iba pang kompanya sa ilalim ng San Miguel Corporation group.

Sinabi ni Bello na ang exemption ay resulta ng pagkuha ng Unilever ng kanilang Safety Seal Certification para sa kanilang pagsunod sa health protocol and safety standard na ipinatutupad ng pamahalaan.

Bukod dito, kanya ring ipinaliwanag ang mga benepisyo ng safety seal sa kompanya o sa establisimyento.

“Ang safety seal ay nagbibigay sa inyo ng pahintulot na makapagdagdag ng 10 porsiyento ng customer sa inyong restaurant, kaya kung ito ay may maximum na 30, maaari ninyong gawing 40 katao ang maximum,” paliwanag ni Bello.

Binati rin ng labor chief ang Unilever dahil sa kanilang pagsunod hindi lamang sa health protocol kundi pati na rin sa mga batas-paggawa. 

Pinangunahan ni Bello ang paggawad ng Safety Seal Certification sa Unilever sa isang maikling programa na ginanap sa tanggapan ng kompanya sa United Nations Avenue sa Lungsod ng Maynila.

Ang Unilever Philippines, Inc, ay isang Philippine subsidiary ng British-Dutch multinational company na Unilever. Ito ay gumagawa ng laundry detergent at soap, shampoo at hair conditioners, toothpaste, deodorant, skin care product, household cleaner, at toilet soaps.

Ang Safety Seal Certification ay isang voluntary certification scheme na nagpapatunay na ang isang establisimyento ay sumusunod sa minimum public health standard na itinakda ng pamahalaan at gumagamit o isinasama ang kanilang contact tracing sa StaySafe.ph.

Ipinagkakaloob ng DOLE ang Safety Seal sa manufacturing, construction site, utilities (electric, water, gas, air conditioning supply, sewerage, waste management), information and communication company (private publication, news, movie production, TV at radio company), at mga warehouse na sumusunod sa health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan. (DOLE)



About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch