No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Statement of Sen. Bong Go regarding his appeal to PhilHealth

Today, I reached out to PhilHealth President Dante Gierran, ES Salvador Medialdea and Secretary Carlito Galvez to help resolve issues concerning the temporary suspension of payment of claims that are subject to investigations due to alleged fraud, among others.

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, umaapela ako sa PhilHealth na huwag muna ituloy ang kanilang nasabing Circular No. 2021-0013. Bigyan natin ng palugit dahil iba ang sitwasyon ngayon. May hinaharap pa tayong pandemya at kailangan nating magtulungan para malampasan ito at maproteksyunan ang buhay ng ating mga kababayan.

Bagamat sang-ayon ako sa hangarin ng PhilHealth na repormahin ang kanilang sistema para maproteksyunan ang pondo ng bayan laban sa mga namamantala, isaalang-alang rin dapat natin ang mga maaapektuhang ordinaryong mamamayan na walang matatakbuhan at nangangailangan ng tulong lalo na pagdating sa kalusugan.

We are still in a public health emergency and we cannot afford instability in our health system. We need to be more flexible so we can prioritize what our people need at this time particularly the promotion of their well-being and protection of lives.

Ang payo ko sa PhilHealth at sa mga ospital na may pending claims, ayusin niyo na agad ang mga dokumento para hindi na matagalan ang pagbayad. Yung mga mapatunayang may fraudulent claims, iyon ang kasuhan. Yung mga maayos naman, tulungan natin silang magampanan ang tungkulin nila sa komunidad lalo na ngayon na napaka-importante ng mga ospital dahil tumataas na naman ang kaso ng mga nagkakasakit.

Sundin lang po natin ang tamang proseso at huwag na pong patagalin pa. Bilisan na po natin dahil malaking bagay ito upang mas makaresponde tayo sa pangangailangang pangkalusugan ng taumbayan. Pangalagaan rin natin ang pondo ng bayan at huwag natin palampasin ang mga nangsasamantala.

Huwag nating hayaan na mailagay sa alanganin ang buhay ng mga Pilipino dahil iyon ang pangunahing konsiderasyon natin palagi. Sa lahat ng aksyon at desisyon ng gobyerno, dapat balanse para hindi makompromiso ang serbisyo na dapat matanggap ng bawat Pilipino.

SEN. CHRISTOPHER "BONG" GO

Pasay City, 22 August 2021

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch