No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DSWD-8, LGU Malitbog namahagi ng non-food relief items sa Malitbog

TACLOBAN CITY -- Nag-release ang Department of Social Welfare and Development 8 (DSWD-8) ng Non-Food Relief Items (NFIs) para sa Malitbog, Southern Leyte.

Katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Officer ng nasabing munisipyo, ibinahagi ang 150 na family kits at 130 na sleeping kits para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette, lalo na ang mag tuluyang nasiraan ng bahay.

Bawat sleeping kit ay may laman na kulambo, malong, kumot at plastic na banig, habang ang family kit ay may laman na underwear, sando, t-shirt, shorts at tsinelas.

Sa pinakahuling tala ngayong Enero 20, nakapamahagi na ang DSWD ng 145,954 FFPs na nagkakahalaga ng P85,693,466.78. Kasama sa mga nakatanggap nitong mga FFPs ang 19 na mga munisipyo sa probinsya ng Southern Leyte, 10 sa Leyte at isa sa Eastern Samar. Maliban dito, nakapamahagi na rin ang ahensya ng Non-Food Relief Items na nagkakahalaga ng P12,455,428.

Para sa pamamahagi ng relief items sa inyong lugar, maaring makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal. (GMT/DSWD-8)

About the Author

Rachel Almaden

Writer

Region 8

Feedback / Comment

Get in touch