No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Statement of Sen. Bong Go regarding Malasakit Centers

Patunay lamang po ito na maraming natutulungan ang Malasakit Centers. Pagkilala rin po ito sa mga magagandang nagawa ng Duterte administration.

Sa totoo lang, institutionalized na naman ang programang ito sa RA No. 11463 or the Malasakit Centers Act of 2019. Noong unang buwan pa lang ng pag-upo ko bilang senador, isinumite ko kaagad ang Senate Bill No. 199 para masiguro nating andiyan pa ang Malasakit Centers program kahit tapos na ang termino ni Pangulong Duterte.

Kaya kahit sinuman ang susunod na pangulo, sana ay maipagpatuloy at mabigyan ng kaukulang suporta ang mga programang katulad ng Malasakit Centers na nakakatulong sa mga mahihirap lalo na ‘yung mga walang matatakbuhan.

Hangarin din nating mas palawakin pa ang mga Malasakit Centers maliban sa mga DOH-retained hospitals and PGH as mandated by this law. May 149 Malasakit Centers na tayo nationwide at sana ay madagdagan pa ito, maipagpatuloy ang serbisyo, at mapalawak ang mga natutulungan sa susunod na mga taon. Para naman po ito sa mga Pilipino.

Anuman ang kulay natin sa pulitika, sikapin nating maipalapit sa tao ang serbisyo mula sa gobyerno lalo na pagdating sa kalusugan. Napakaimportante nito dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya.

SEN. CHRISTOPHER "BONG" GO

Pasay City, 3 February 2022


About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch