PASAY CITY -- Senator Christopher “Bong” Go encouraged Filipinos to uphold the spirit of bayanihan amid the pandemic as he continues to push for measures in the Senate that will promote and protect the welfare of Filipinos during these difficult times.
“Sa halos dalawang taon ng pandemyang dala ng COVID-19, marami po tayong nakitang aspeto ng ating sistema na dapat mabigyan ng pansin tulad na lamang sa serbisyong medikal at pasilidad para sa mga mahihirap at malalayong komunidad,” said Go.
Among these proposed measures are 15 local hospital bills sponsored by the senator to either improve existing or establish new Department of Health hospitals across the country. Said bills were approved on the third and final reading in the Senate on January 31.
“Bilang Committee Chair on Health sa Senado, malugod kong ibinabalita sa inyo na inapruba na kamakailan ang ilan sa mga panukalang batas na ating isinulong upang mas mapalawak ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino,” remarked Go.
“Nitong Enero 31, ipinasa ng Senado sa pangatlong pagbasa ang 15 panukala na naglalayong ma-upgrade o mapalawak ang bed capacity ng ilang ospital sa mga probinsya ng Albay, Cebu, Iloilo, Sulu, La Union, Maguindanao, Misamis Oriental at Nueva Ecija. Kasama na dito ang anim na panukalang batas na layuning magpatayo ng bagong ospital sa Bulacan, Cagayan, Ilocos Sur, Misamis Oriental, Quezon at Samar,” he added.
On the same day, Senate Bill No. 2421 or the proposed COVID-19 Benefits and Allowances for Health Workers Act of 2021 was also approved by the Senate on the third reading. The bill, which was authored and co-sponsored by Go, seeks to grant healthcare workers (HCWs) additional financial support in recognition of their extraordinary contributions and sacrifices during the pandemic.
“Bilang pagkilala naman sa kanilang sakripisyo sa gitna ng pandemya, inapruba din natin ang Senate Bill No. 2421 na magbibigay ng monthly COVID-19 Risk Allowance sa lahat ng private and public healthcare workers na patuloy na nagseserbisyo sa kabila ng banta ng virus,” noted Go.
Go, however, urged the Executive Department to continue working together, particularly the health officials and government finance managers, to make sure funding sources can be made available for its proper implementation if enacted into law.
"Hangga't kaya ng gobyerno, ibigay dapat ang mga benepisyong nararapat para sa ating mga HCWs. Kaya mahalagang mapaghandaan at mapag-aralan ito nang mabuti upang maimplementa ng maayos," said Go.
The senator also welcomed the Senate approval of SB 2420, to be known as the Marawi Siege Victims Compensation Act, which will provide internally-displaced persons compensation or reparation for houses destroyed and properties that can no longer be recovered due to the attack of Islamic State-linked terrorists in the city.
“Upang maisakatuparan naman ang mas maginhawa at komportableng buhay para sa ating mga kababayan sa Marawi, inapruba din ang Marawi Siege Victims Compensation Bill na magbibigay ng reparation sa mga internally displaced persons na nawalan ng tahanan dahil sa giyera sa Marawi,” said Go.
“Matagal nang ninanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging mapayapa ang bansa dahil ito ang magbibigay daan upang umasenso ang ating bayan. Naniniwala kami na kung magkakaisa ang buong sambayanan tungo sa isang direksyon, wala tayong hindi kakayanin,” he continued.
Go went on to remark that he hopes to file and support more measures as a senator to provide a more comfortable life for all Filipinos.
“Bilang isang Pilipino at representante ninyo sa Senado, umaasa ako na iilan lamang ito sa mga panukalang magpapalakas ng ating mga inisyatibo upang mabigyan ng mas komportableng buhay ang mga Pilipino tulad ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte. Patuloy po tayong magtulungan at magkaisa para sa ikabubuti ng ating bansa,” he said.
Despite the forthcoming national elections, Go emphasized that he and the President will remain focused on serving the Filipino people.
“Bagama’t patapos na ang termino ni Pangulong Duterte, hindi kami titigil sa pagtatrabaho at pagseserbisyo sa kapwa nating Pilipino,” said the senator.
“Palapit na naman ang eleksyon pero anuman ang ating kulay pulitika, iisa pa din ang ating layunin bilang Pilipino: Magkaisa po tayo upang maging mapayapa, malinis at maayos ang halalan at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang ating mga anak,” he added.
Finally, Go vowed to ensure the delivery to the Filipino people of vital public services, which they rightfully deserve.
“Ako naman, patuloy po ang aking serbisyo sa inyo. Wala na akong hinihiling pang iba dahil ibinigay na ng Diyos sa akin ang pagkakataon na manilbihan sa bayan,” said Go.
“Makakaasa kayo na ibabalik ko sa inyo ang serbisyo na dapat ninyong makuha mula sa gobyernong palaging nagmamalasakit sa inyo,” he added. (OSBG)