No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Buhay na mga Lobster fry, nasabat ng BFAR 4A

Tatlong kahon na naglalaman ng mahigit-kumulang na 2,900 piraso ng buhay na mga lobster fry ang nasabat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A (BFAR 4A) sa PAL Cargo - Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong ika-19 ng Marso. 

Ang nasabing shipment ay mula Davao papuntang bansang Vietnam. Nilabag nito ang Section 104 ng Republic Act. No. 8550 as amended by RA 10654 o ang 'Exportation of Breeders, Spawners, Eggs or Fry'. Maliban dito, nilabag din ng nasabing shipper ang Fisheries Administrative Order no. 265, s. 2020 o ang 'Regulation on the Catching, Possesion, Transporting, Selling, Trading, and Exporting of Puerulus, Juvenile and Gravid Spiny Lobster'.

Ang paglabag ay may kalakip na parusa na pagbabayad ng Php 100,000.00 hanggang Php 5,000,000.00 na nakadepende sa 'socioeconomic impact' at tindi ng paglabag, dami at halaga ng produkto. Maliban dito, ang mga lobster fry ay dadalhin sa Perez, Quezon upang ma-kondisyon sa loob ng isang linggo bago ibalik sa dagat. 

Ang naganap na apprehension ay pinangunahan ng BFAR 4A Fisheries Inspection and Quarantine Service - NAIA at Fisheries Protection and Law Enforcement Group. (Tiarra dela Cruz, Aries M. Morga)

About the Author

Kier Gideon Paolo Gapayao

Information Officer III

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch