No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Walang humpay na paglabag sa IHL kinondina ng tatlong bayan sa Northern Samar

Sabay-sabay nga ginanap sa tatlong bayan ng probinsya ng Northern Samar ang Indignation Rally at Walk for Peace  para tuligsain at kondenahin ang 53-taong patuloy na kalupitan, karahasan at pang-aapi ng teroristang NPA sa mga taong-bayan kasama na ang walang humpay na paglabag sa International Humanitarian Law (IHL).

Sama-samang nagmartsa ang humigit-kumulang sa anim na raan at walumpu’t pito (687) na residente sa ibat-ibang barangay ng tatlong bayan ng Lope de Vega, Bobon, at San Isidro, na itinaon sa ika-53 na anibersaryo ng NPA, upang ipanawagan na tuldukan na ang pananakot, pananamantala, pangingikil at pagpapahirap ng nasabing komunistang-teroristang grupo.

Bahagi ng programa ang patotoo ng Peace Builders (dating mga rebelde) na nagbahagi ng kanilang karanasan habang nasa armadong grupo.

Nagkakaisang sigaw ng mga residente, “KAPAYAPAAN PARA SA LAHAT!” (43rd IB/8ID)

About the Author

Ailene Diaz

Writer

Region 8

Feedback / Comment

Get in touch