LUNGSOD NG MAYNILA -- Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magdaraos ng Pambansang Kongreso sa mga Nanganganib na Wika sa 24–26 Oktubre 2022 bilang pagtupad sa mandato nitong pangalaan ang mga katutubong wika ng bansa at tugon sa Pandaigdigang Dekada ng mga Katutubong Wika 2022-2032 (International Decade of Indigenous Languages 2022-2032).
Layunin ng Kongreso na:
1. matalakay ang mga pananaliksik, programa, at mga gawain para sa pagpapasigla ng mga katutubong wika at iba pang isyu na nakaaapekto sa panganganib ng wika;
2. mahikayat ang mga katutubong mamamayan at komunidad na makibahagi sa mga saliksik at pagdodokumento ng sariling wika at kultura, at makilahok sa mga programa sa pagpapaunlad ng katutubong wika; at
3. mahikayat ang mga mananaliksik at pamahalaan na sumuporta sa mga gawain kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapasigla ng wika.
Inaanyayahan ang publiko na magsumite ng mga papel-pananaliksik na tumatalakay sa sumusunod at kaugnay na paksa:
· Patakarang Pang-edukasyon
· Programang Pangwika
· Pagpaplanong Pangwika
· Indigenous Peoples Education (IPEd)
· Partnership ng pamahalaan/organisasyon at/o komunidad sa Edukasyon
· Pagpapasigla ng Wika
· Pagdodokumento ng Wika at Kultura
· Pagmamapa ng mga Wika
· Intangible Cultural Heritage (ICH)
· Pagbuo ng Ortograpiya
· Pagbuo ng Diksiyonaryo
· Pag-aaral sa Gramatika
· Pagbuo ng mga Kagamitang Pampagtuturo
· Paglikha ng Computer at/o Mobile Applications/Programs
· Mother Tongue Based-Multilingual Education
Tuntunin sa Pagsusumite:
1. Magsumite ng abstrak na naglalaman ng sumusunod:
· Pangalan ng mananaliksik
· Email ng mananaliksik
· Numero ng Mobile at/o Landline ng mananaliksik
· Institusyon na Kinabibilangan
· Katungkulan sa Institusyon
· Adres ng Institusyon
· Paksa
· Pamagat ng Abstrak
· Teksto ng Abstrak:
· Bionote ng mananaliksik
2. Ang abstrak ay hindi lalagpas sa 300 salita.
3. Format para sa isusumiteng artikulo:
· Naka-Word file sa A4-sized bond paper
· 1 inch margin sa lahat ng gilid
· double space
· Times New Roman, 12 font size
4. Ang dokumentasyon ay nakaayon sa format ng KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat.
5. Ang abstrak ay nasa wikang Filipino. Ito rin ang gagamiting wika sa presentasyon. Dapat ay orihinal na akda at hindi pa naisusumite sa iba upang ilathala o ipresenta.
6. Ipadala ang abstrak sa pambansangkongreso2022@gmail.com.
7. Sa 30 Hunyo 2022 ang huling araw ng pagsusumite ng abstrak.
Para sa mga tanong at karagdagang detalye, mag-email sa pambansangkongreso2022@gmail.com . (KWF)