LUNGSOD NG QUEZON -- Muling inaanyayahan ang sambayanan na makiisa sa gaganaping Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED sa ika-9 ng Hunyo, alas nuwebe ng umaga.
Sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD), gaganapin ang programa ng online NSED nang 8:00 AM at live na mapapanood sa NDRRMC at Civil Defense PH Facebook pages.
Nakatakdang magbigay ng mensahe sina Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, Department of Labor and Employment Sec. Silvestro Bello, Department of Human Settlements and Urban Development Sec. Eduardo Del Rosario, Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Ano, Department of Social Welfare and Development Sec. Rolando Joselito Bautista, Department of Science and Technology Undersecretary Renato Solidum Jr., Civil Defense Administrator and NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, Civil Defense Deputy Administrator and Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, at Trade Union Congress of the Philippines President Raymond Democrito Mendoza.
Kaugnay ng Second Quarter NSED, nagsagawa ang OCD ng webinar on “DRRM Across Sectors: Navigating Resilience in Migrant Work, Urban Settlements and the Informal Working Environment” kaninang umaga, Hunyo 6, 2022.
Bukas, Hunyo 7, 2022 ay isasagawa ang online functional exercise ng Cagayan RDRRMC at Provincial DRRMC ng Tuguegarao para sa kanilang kahandaan laban sa lindol.
Patuloy ang panawagan sa lahat na maging handa anumang oras at makiisa sa mga programa at gawain na may layuning palakasin ang kahandaan ng bawat mamamayan at pamilya mula sa banta ng lindol at iba pang panganib. (NDRRMC)