No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Senator Bong Go expects President Bongbong Marcos, Jr. to outline legislative agenda on pandemic response, full and inclusive recovery

I expect President Bongbong Marcos, Jr. to outline his legislative agenda with special focus on pandemic response and full and inclusive recovery.

Bilang senador, umaasa akong patuloy nating palalakasin ang ating healthcare system, may tiyak na supply ng murang pagkain, mas ligtas ang ating mga komunidad at mabilis ang magiging pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, at mas maraming imprastraktura ang maitatayo upang mas maraming malikhang kabuhayan para sa mga Pilipino.

Bilang pagtugon sa panawagan ng bagong administrasyon, nagsumite ako ng mga panukalang mas lalong magpapalakas at mapapalapit sa tao ang serbisyong kailangan nila lalo na pagdating sa kalusugan.

Kabilang na dito ay ang pagbibigay ng libreng annual medical check-up at Comprehensive Dialysis Benefit Package para sa mga Pilipino, Advanced Nursing Education, pagtatag ng Centers for Disease Control at Virology Science and Technology Institute of the Philippines, pagkakaroon ng Emergency Medical Services System, Amendments to the Insurance Code upang mas matutukan ang mga Health Maintenance Organizations, pagbibigay ng Barangay Health Workers Benefits, at iba pa.

Upang maging mas matatag ang bansa laban sa sakuna, muli kong isinumite ang Disaster Resilience Bill na naglalayong magtatag ng Department of Disaster Resilience na isang ahensya na tututok kapag may mga sakuna at iba pang emergency. Kabilang din sa aking mga hangaring maging prayoridad ay ang Rental Housing Subsidy at pagkakaroon ng Mandatory Evacuation Center sa bawat lungsod, bayan at lalawigan.

Inaasahan ko na tatalakayin rin ni Pangulong Marcos, Jr. ang seguridad sa pagkain, at ang pagpapalakas ng sektor ng agrikultura. Umaasa din tayo na maipagpapatuloy ng bagong administrasyon ang mga proyektong nasa ilalim ng Build, Build, Build program ni dating pangulong Duterte, at mapapaigting pa lalo ang laban kontra korapsyon, kriminalidad at iligal na droga.

Kaisa ako sa hangaring ipagpapatuloy ang mga tamang nagawa, punuan pa ang anumang pagkukulang at mas lalong pagbutihin ang ating pagseserbisyo upang lubos na maisakatuparan ang mga pangarap ng bawat Pilipino.

Together and united as one hopeful Filipino nation, we will build on the successes that are already happening in our country, continue to make the lives of our people more comfortable, and ensure that no Filipino will be left behind in our road towards fuller recovery.

SENATOR CHRISTOPHER LAWRENCE "BONG" GO

Pasay City, 21 July 2022

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch