No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Grupo ng mga magsasakang magmamais sa North Cotabato tumanggap ng post-harvest facilities mula sa DAR

Tumanggap kamakailan ang Malapag ARB Farmers Association, isang grupo ng mga magsasaka mula Carmen, North Cotabato, ng post-harvest facilities na nagkakahalaga ng Php 450,000 mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang mapaunlad ang kanilang corn at rice production.

Ang post-harvest facility ay binubuo ng isang yunit ng pinagsamang 3 in 1 hammer mill at apat na unit ng collapsible dryer. Pinagkalooban din sila ng capacity development training alinsunod sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III na paunlarin ang pangkabuhayan ng mga agrarian reform beneficiary (ARB).

Ayon kay Leonilio Roman, isang ARB-member mula sa asosasyon, ang combined 3 in 1 hammer mill ay malaking bentahe sa kanila dahil makakapag-produce at benta na sila ng hammered corn, cracked corn, corn bran, milled rice, at rice bran bilang karagdagan sa kanilang agri-supply store.

"Maraming salamat sa DAR sa patuloy nilang suporta sa pagpapalakas sa aming asosayon sa pamamagitan ng mga tulong na tumutugon sa aming mga pangangailangan at nakadaragdag sa aming mga kita,” aniya.    

Idinagdag pa ni Romano na imo-monitor at pamamahalaan nila ng maigi ang mga pasilidad upang mapakinabang nila ito ng husto at ng kanilang komunidad. 

Ang post-harvest facilities ay ipinagkaloob sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program (CRFPSP)-Sustainable Livelihood Support.

Ani Charish Paña, Provincial Agrarian Reform Program Officer II, ang CRFPSP ay makatutulong sa pagtugon sa food security ng bansa sa gitna ng pabago-bagong klima, sa pagkakaloob sa kanila ng supongtang pangkabuhayan sa pamamagitan ng makinaryang pangsaka at kagamitan, farm inputs, at mga interbensyon sa pagpapalago ng kanilang kapasidad. “Tinutulungan nating mapag-ibayo ang produksyon ng mais, palay, at iba pang mga kalakal at patuloy natin silang bibigyan ng kakayahan sa usaping pagkakaperahan dahil ang proyektong ito ay isa sa magiging negosyo nila na magbibigay ng mas malaking kita,” aniya.    

Hinimok din ni Paña ang mga tumanggap ng proyekto na madagdagan ang kanilang mga kasapi upang mas marami ang makinabang sa mga proyektong ipinagkakaloob sa kanila ng pamahalaan at ng mga non-government organizations. 

About the Author

Melva Gayta

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch