(Photo Banner Source: MMDA)
QUEZON CITY, (PIA) -- Patuloy na makararanas ang publiko ng libreng sakay, kabilang ang EDSA Busway system, ngayong taon ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
“May pondo po ang Service Contracting Program sa ating FY 2023 General Appropriations Act (GAA). Naglaan po ang pamahalaan ng Php1.285 billion para maipagpatuloy ang programang ito ngayong taon,” sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.
Ito'y alinsunod sa Republic Act No. 11936, o Fiscal Year (FY) 2023 General Appropriations Act na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang Service Contracting program sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ay programang makapagbibigay ng libreng bus rides sa publiko kabilang ang mga commuters sa EDSA.
Batid ni DBM Secretary Pangandaman ang tulong ng Libreng Sakay sa mga Pilipino.
“Malaking tulong po ang tipid-pasahe sa araw-araw na pamumuhay ng mga kababayan natin. Whatever amount they save daily, they can reallocate to equally or more important needs such as budget for food, electricity, tuition fee, among others,” ayon kay Budget Secretary Pangandaman.
The Libreng Sakay ay programa ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makatulong sa commuters sa panahon ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
As of December 27, 2022, naitala ng LTFRB ang kabuuang 164,966,373 pasahero na nakaranas ng Libreng Sakay program sa EDSA noong nakaraang taon. (PIA-NCR)