No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Gov. Mangudadatu ibinida ang 'Zero-Billing Policy' ng SKPH

ISULAN, Sultan Kudarat (PIA) - Ibinida ni Sultan Kudarat Governor Pax Ali S. Mangudadatu ang umiiral na zero billing policy na ipinatutupad sa SK Provincial Hospital at iba pang mga social services ng lokal na pamahalaan sa kanyang mensahe sa Social Health Insurance Symposium na ginanap sa Metro Manila nitong Martes, Pebrero 28.

Ang batang gobernador ay isa sa mga inimbitahang speaker ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) bilang advocate at champion ng social health insurance at universal health care.

Sa pinakahuling datos ng SKPH at Provincial Social Welfare and Development Office sa taong 2022, mahigit 18,000 in-patient at 30,000 out-patient na ang nabenepisyuhan ng polisiyang ito ng LGU katuwang ang Malasakit Program at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan.

Ang zero-billing policy ng SKPH nagbibigay ng pagkakataon sa mga indigent patients na matulungan sa kanilang admission bills, medicines, laboratory, blood chemistry, at iba pang mga serbisyong medikal sa panahon ng kanilang paglabas sa ospital.


Ayon kay Gov. Mangudadatu, isa sa kanyang mga vision para sa mga Sultan Kudarateno ang pagbibigay ng kalidad na health care services kasabay ng mga economic at development programs.

Umani naman ng papuri mula sa mga opisyal ng PHILHEALTH, mga hospital at iba't-ibang sektor ang mensahe ng gobernador sa nasabing symposium. (PIA-XII)

About the Author

Aida Agad

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch