No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ika-235 kaarawan ni Francisco Balagtas, ipagdiriwang ng lungsod Maynila at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

LUNGSOD NG BUTUAN -- Ipagdiriwang ng lungsod Maynila at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at institusyon ang ika-235 kaarawan ni Francisco Balagtas sa Abril 2, 2023, 7:30 ng umaga sa Liwasang Balagtas, Pandacan sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak.

Dumalo ang iba't ibang kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan at institusyon kabilang ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat (NBDB), Samahan ng Sining at Kalinangan ng Pandacan (SSKP), at mga lingkod bayan ng lungsod Maynila.

Damalo rin si Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sumusuporta sa mga gawaing pampanitikan kabilang ang Tertulyang Pampanitikan ng mga Sentro ng Wika at Kultura sa iba’t ibang bahagi ng bansa na bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Panitikan 2023.Ang tradisyonal na pag-aalay ng bulaklak kay Balagtas ay ginanap din sa Orion, Bataan at Balagtas, Bulacan.

Ang selebrasyon sa Araw ni Balagtas sa taong ito ay may temang, “Kultura ng Pagbabasa Tungong Pagkakaisa,” na siya ring paksa ng lektura ni Dr. Luis Gatmaitan sa kaniyang lektura ang paksang, “Kultura ng Pagbabasa tungong Pagkakaisa,” sa Abril 3, 2023 na mapapanood sa opisyal na KWF Facebook page. (KWF/PIA-Caraga)

About the Author

Jennifer Gaitano

Writer

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch