No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga Caraganon inaanyayahan sa lektura ng Buwan ng Panitikan 2023

LUNGSOD NG BUTUAN -- Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang lahat ng sektor sa Caraga region na lumahok sa isang lektura kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2023 na may temang, “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan.”

Ang tagapanayam sa lektura sa pagbubukas ng Buwan ng Panitikan na may paksang, “Kultura ng Pagbabasa tungong Pagkakaisa” ay ibibigay ni Dr. Luis P. Gatmaitan, isang premyadong manunulat ng mga kuwentong pambata at ang Tagapangulo ng National Council for Children’s Television (NCCT). 

Ito ay gaganapin sa ikatlo ng Abril 2023 mula 10:00 a.m. hanggang 12:00 p.m. sa Bulwagang Romualdez, KWF.

Sa mga nagnanais lumahok ay maaari nang magpatala sa sumusunod na link: http://bitly.ws/BXRG.

Ang makatatanggap lamang ng kumpirmasyon ang maaaring dumalo sa naturang lektura. (KWF/PIA-Caraga)

About the Author

Jennifer Gaitano

Writer

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch