No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Unang serye sa webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino, naka-iskedyul na

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan (BnP) 2023 na may temang, “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan.”

Para sa unang serye ng webinar, ang tagapanayam sa paksang “Filipino Sign Language: Pagsulong ng Deaf Culture sa pamamagitan ng Panitikan” ay ibabahagi ni Perpi A. Tiongson, isang deaf advocate at Philippine deaf studies researcher. 

Ito ay gaganapin sa ika-5 ng Abril, 2023 mula 10:00 a.m.  hanggang 12:00 p.m. sa plataporma ng Zoom na may mga detalyeng, 

https://bit.ly/3FT33EU

Meeting ID: 825 7111 3789

Passcode: 002132

Ang KWF ay ang opisyal na lupong tagapamahala ng wikang Filipino at ang opisyal na institusyon ng pamahalaan na inatasan sa paglilinang, pagpepreserba, at pagtataguyod ng mga iba't-ibang katutubong wika sa Pilipinas. Itinatag ang komisyon ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987. (KWF/PIA-Caraga)

About the Author

Jennifer Gaitano

Writer

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch