Publications

Speech by President Ferdinand R. Marcos at the Culminating Activity of The Masskara Festival 2022

  • Published on November 02, 2022
  • |

Speech by President Ferdinand R. Marcos at the Culminating Activity of The Masskara Festival 2022

Maraming salamat, Secretary Anton Lagdameo sa iyong pagpakilala.

Nandito rin kasama natin Senator Francis Tolentino; Governor Bong Lacson; ang Vice Governor Jeffrey Ferrer; siyempre ‘yung narinig nating magsalita at ang masigasig na isa sa nangunguna sa pag-organize nitong MassKara Festival, ang ating Mayor, Mayor ng Bacolod City, Mayor Albee Benitez; Alliance Global Group CEO, si Mr. Kevin Tan, ‘yung nagbukas ng malaking development sa Megaworld; lahat ng performer ng MassKara Festival; lahat ng mga opisyal, mga kasamahan ko sa pamahalaan; at lahat ng aking minamahal na mga kaibigan ng Bacolod City at ng Negros, magandang hapon po sa inyong lahat. [cheers and applause]

Napaka… Noong last time tayo nagkita rito, nagkita dito sa Bacolod ay noong kampanya pa. At ang lagi kong pagsalubong pagdating ko dahil masyadong mainit ang nararamdaman ko na salubong ay nagpapasalamat ako at gagawin ko ulit ngayon: maraming, maraming salamat sa napakainit na salubong na ibinigay ninyo sa akin. [applause]

Eh nung pagpasok ko biglang may nagsigawan eh. Akala ko kailangan ko nang sumayaw. Naghanap ako ng maskara, hindi ko pala kayang dalin. Malalaki na pala ‘yung maskara ngayon. Hindi na pupuwede ‘yung dati.

Kaya’t napakaganda ang nangyari dito sa MassKara Festival. Ramdam na ramdam naming lahat. Hindi lang ng taga-Bacolod kung hindi lahat na talaga handang-handa na ang mga kababayan nating Pilipino na bumalik na sa normal na buhay at ipagpatuloy ang ating mga ginagawa para pagandahin natin ang buhay ng isa’t isa, para pagandahin natin ang Pilipinas. [applause]

Ngayon na nararamdaman natin na ang pandemya ay nababawasan na at tayo’y nakaka — alam na natin kung papaano i-manage ang COVID ay nakakatuwa naman na nandito tayo, nagkataon tayo na magsama ulit.

At ngayon ay hindi lamang para sa political cycle na para sa kampanya, kung hindi para mag-celebrate, para sumayaw, makinig ng magandang music, at mag-enjoy tayo sa mga performance ng ating mga napaka-talented na mga tiga-City of Smiles.

So I congratulate Bacolod City for holding, possibly, and I think I’m not — I think I’m correct here when I say the most successful MassKara Festival in the history of Bacolod City. [applause]

Pagkatapos ng dalawang taon, may pagkakataon uli tayo na buksan ang ating mga pintuan sa lahat ng mga bisita na nanggagaling kung saan-saan. Hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa iba’t ibang bansa, para sila naman ay makita nila at mapamahal na rin sila sa Bacolod City at sa lahat sa mga tiga-Bacolod.

Karapat-dapat lang po ito, dahil kung titingnan po natin ang kasaysayan ng MassKara Festival, ang MassKara Festival ay nagsimula ‘yan sa panahon ng krisis. Nangyari po ‘yan noong 1980s, 1980 specifically — 1980, eh alam naman natin ang hanapbuhay dito sa inyo ay ang asukal. Ang presyo ng asukal sa buong mundo ay biglang bumagsak, kaya’t maraming, maraming nahirapan.

Kaya’t naisip dito sa Bacolod, sabi nila ay mayroon tayo — gawin na lang natin, gumawa tayo ng maskara ipagbili natin at ‘yun ang ating magiging bagong pinagkikitaan.

Pagkatapos, nagkaproblema pa dahil lumubog ‘yung barko nung panahon —maraming casualty. Kaya’t sinabi ng mga opisyal, para naman mabalik sa mga mukha ng mga tiga-Bacolod ang kanilang mga ngiti, gumawa tayo ng MassKara Festival.

Kaya’t nabuhay ang MassKara Festival sa kahirapan at sa kalungkutan. [applause] At ang pagbalik ng MassKara Festival ngayon ay nangggaling sa kahirapan at sa kalungkutan. Ngunit, makikita na natin na iniwanan na natin ang kahirapan at kalungkutan at ipinakita na ng mga tiga-Bacolod na tayo ay bumalik na at masaya na naman ulit at bumalik sa ating mga labi ang ating mga ngiti.

Kaya’t inaasahan natin na ang city government na itutuloy ang kanilang programa at proyekto para mapaganda ang patakbo ng ating kabuhayan, hindi lamang sa Bacolod, kung hindi sa buong Pilipinas.

So I commend you that you have launched the Bacolod Comprehensive Health Program na nagbibigay ng hospitalization services, mga annual consultation, pati na gamot and also of particular note is the launch of — upcoming launch of your Social Pension Fund for senior citizens.

Ito ay tutulong, malaking itutulong na para sa ating mga senior citizen dahil sa kanilang basic lang na mga pangangailangan, kanilang mga gamot.

Itong mga ganitong klaseng initiative na inuuna ang ating mga — ang kabuhayan ng ating mga mamamayan ay nakakatiyak tayo na ang ating lipunan, kung gagawin lang natin ito, ang ating lipunan ay magiging napakaganda.

Kaya’t ipakita ninyo, ipinakita ninyo dito sa pag-celebrate ng MassKara Festival ngayong nakaraan ilang linggo ay dito sa – ipinakita ninyo sa buong Pilipinas at sa buong mundo na tayo dito sa Pilipinas ay nakabalik na, tayo ay handa na bumalik sa trabaho, tayo’y bumalik na sa eskwelahan ang ating mga kabataan, at tayo ay babalik na sa ating dating ginagawa na pagandahin at pataasin ang ekonomiya ng Pilipinas para maging mas maginhawa ang buhay ng bawat Pilipino.

Sa ganyang paraan, ang mga tiga-Bacolod ay ang naging — magiging halimbawa para sa buong Pilipinas. Sasabihin…

Pag-alis ko rito, sasabihin ko sa lahat: kung kaya nilang gawin ang MassKara Festival sa Bacolod, dapat tayong lahat din ay ganyan din na bumangon na tayo at dahil ang aking pangako sa inyo ay tuloy-tuloy ang ating pagbabangon.

Maraming, maraming salamat at magandang hapon po sa inyong lahat. [applause]

— END —

Watch here: Culminating Activity of The Masskara Festival 2022
Location: Paglaum Sports Complex, Bacolod City

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch