Maraming, maraming salamat sa ating DFA Secretary, Secretary Ricky Manalo, sa kanyang pagpakilala. [Ba’t kayo nakatayo?] [laughter]
Mahaba-haba ito baka mapagod kayo. Napakinggan na po natin ang ating butihing ambassador, Ambassador Aquino, na ipinapaliwanag at ipinagmamalaki ang ating mga kababayan, kayo, [cheers] dahil — dahil sa inyong napakagandang naging reputasyon na dinala sa mga Pilipino dito sa Cambodia. Kagaya ng lahat ng mga Pinoy na kung saan-saan kami pumupunta, ganyan din, ay kinahahangaan ang ating mga kababayan. Lahat ng overseas workers ay talaga naman eh…
Kaya naman pagka pumupunta kami mayabang kami kasi sinasabi Pinoy kami nakita naman, kilala niyo naman ang mga Pinoy magagaling ‘yan. [applause]
Kasama natin ang ating secretary na galing sa DSWD. Kilala niyo naman ito bago — [applause] bago pa naging secretary ‘yan eh starring na ‘yan eh. Talagang sabi ko eh ika ko pinapanood ko magkasama kami kung minsan sa programa niya sa radyo eh ang galing mamigay ng ano ito eh ng benepisyo ito eh. So sabi ko bagay na bagay ka [applause] sa DSWD.
And so talaga, talaga naman eh — [A woman yells: Kay Erwin tayo!] [laughter] Ayan! [laughter]
Kasama din ang ating PMS — PMS is Presidential Management Staff. Ito ‘yung mga nagpapatakbo doon sa Palasyo, doon sa opisina namin [applause] Secretary Naids Angping.
Nandito rin at naging kasama natin dahil sa simula nitong ASEAN na meeting mayroon kaming parang meeting tungkol sa kabataan. Ika ko sabi ko naman kung ako magsasalita parang hindi naman — ako nagtatanggap pa rin akong bata pero siguro hindi na ako pinapaniwalaan. [laughter]
Kaya’t siguro kailangan magdala talaga ako ng mga bata talaga para makapagsalita at makapagsabi ito ‘yung mga iniisip namin, ito ‘yung mga inaalala namin. Nandito ang ating National Youth Commission Chairman na si Ronald Cardema, nandiyan. [applause] At ang nagsalita — ayan, nagsalita para sa atin, para sa Pilipinas doon nga sa meeting tungkol sa kabataan ay ang pinakabata nating gobernador sa buong Pilipinas. Siya’y hinalal by — he was 24 years old — hinalal bilang governor. Siya po ay si Governor Datu Pax Mangudadatu ng Sultan Kudarat. [applause]
Nagulat po kasi ang mga nagsasalita ‘yung mga Prime Minister, mga Presidente. At noong ako na, ako na magsasalita ay sabi ko hindi na ako magsasalita. Ibibigay ko ‘yung oras ko dito sa aming — dito sa aming pinakabatang gobernador.
At si Prime Minister Hun Sen natuwa nga eh. Pagkatapos niyang magsalita sabi niya kaya dapat lahat ‘yung kabataan binibigyan niyo talaga ng pagkakataon, binibigyan niyo na ng opportunity [applause] dahil tingnan mo maganda talaga ang performance nila.
Eh tapos binibida niya siya naging foreign minister siya 27 years old. Kaya’t sabi niya dapat talaga tulungan natin ang mga kabataan. Kaya’t puwede nating ipagmalaki ang ating National Youth Commissioner at ang ating — tawag namin sa kanya si baby governor. [applause] Tingnan niyo naman. Twenty-four years old pero ang galing niyan.
Siyempre hind maging kumpleto ang ating pagbati kung hindi ko babatiin ang ating napakaganda’t at napaka [cheers and applause] napakabait at napakasipag na First Lady, ang aking — [cheers and applause]
Hindi pa — hanggang ngayon hindi pa siya makapaniwala First Lady na siya ngayon. [laughter] [A man yells: Sana all!] [laughter]
At sa inyong lahat sa’yo [laughs] [A woman yells: Si Sandro naman!] Ni Sandro? Ah si Sandro? Wala rito ngayon. [Crowd: Bakit wala?] Kayo talaga oh. [laughter]
Nagseselos na ako eh dahil sa noong kampanya ganyan din. Papasok ako siguro napapanood ninyo doon sa — doon sa mga live ano, livestream, at saka doon sa mga lumalabas sa Facebook. Lahat talaga, totoo lahat ‘yan, ng pinupuntahan namin paglakad namin, aba excited lahat ng tao sumisigaw.
Tapos mamaya lilitaw na ‘yung mga placard, “Nasaan si Sandro?” [laughter] Mayroon, “Sandro, anakan mo ako!” [laughter] “Sa’yo na boto ko pero akin na si Sandro.” [laughter]
Sabi ko akala ko pa naman ‘yung palakpak ninyo para sa akin eh ‘yun pala iba ‘yung tinitingnan ninyo. Pero hindi na bale okay na rin, anak ko naman ‘yan eh. [laughter]
Alam niyo po lahat ng pagbiyahe-biyahe namin napunta kami — ‘yung mga biyahe ko napunta na kami sa New York, Indonesia, Singapore, ngayon nandito kami sa Phnom Penh, ay lagi naming pinupuntahan ang ating mga Filipino community.
At sabi namin ano ‘yung gagawin natin ‘pag nakipagkita tayo sa kanila? Eh ‘yung iba doon sa staff namin sabi alam niyo tumulong sa atin lahat ‘yan dahil daw napanalo. Ang lakas ng panalo natin sa mga OFW. Maraming salamat by the way. [cheers and applause] Yehey!
Kaya’t pagka [A man yells: We love you, sir!] I love you also. [cheers and applause] Kaya’t pagka nagkakaganito may pagkakataon na makipagsama, na makipagkita sa mga local Filipino community, eh ang sabi nga ng aming staff sabi, eh ito ang laki ng itinulong sa atin at talagang sinuportahan ka at ibinoto ka pero hindi sila nasama doon sa kampanya.
Kaya’t ‘pag pupunta tayo dito, bigyan naman natin sila — patiki — makatikim naman sila kung paano ‘yung kampanya. Kaya ‘yan ang ginawa naming programa para masubukan naman ninyo kung ano ‘yung ginagawa namin ‘yung mga rally nakikita niyo lang sa Facebook, nakikita niyo lang sa YouTube.
Pero eh ngayon gumawa kami para sa inyo para naman eh magpasalamat sa inyo sa inyong binigay na suporta. [cheers and applause] [Crowd: We love you BBM!]
[A woman yells: Picture lang sapat na, sir!] [PBBM laughs] Kahit libo-libong selfie walang problema. [cheers]
Kaya ‘yung naging ano dito pagbiyahe namin itong mga programa sabi nila nabaligtad nauna ‘yung eleksyon bago ‘yung kampanya. Pero kaya’t [A woman yells: BBM!] Yehey! Maraming salamat.
Nako parang naaalala ko talaga pagka eh ‘yung kampanya nako nakakapagod pero napakasaya dahil talaga ang taong kaharap namin ay talagang tinanggap ang mensahe ng pagkakaisa. At nakita naman natin sa napakagandang resulta na lumabas noong halalan. At patuloy dahil kapag ngayon mayroon kaming ginagawa at inilalapit ko sa ating mga kababayan sa Pilipinas, sila naman talaga lahat ay nagkakaisa at tumutulong para sa ating bansa.
Kaya ito’y bilang pasasalamat sa inyo na sa inyong naging suporta kahit hindi kami nakapagpunta rito dahil hindi — may ano pa eh… Pupunta sana kami kung saan-saan at hindi kami makapunta dahil nga eh COVID pa no’n. Hindi masyadong makabiyahe.
Pero ngayon nandito na tayo. Pagkakataon na namin ito na magpasalamat ulit sa inyong lahat sa suportang ibinigay ninyo at hindi pangkaraniwan na suporta. Ito ang pinakamalaking boto na nakuha ng kahit sinong kandidato sa buong kasaysayan ng Pilipinas. [cheers and applause]
Kaya’t pagka ipinapakilala ako ng ating mga butihing secretary at sinasabi, “Ang Pangulo ng Pilipinas,” ay lagi kong sinasabi kayo naman ang naglagay sa akin dito. [applause]
At dahil sa inyong tuluyang pagsuporta at bukod pa doon sa inyong tuluyang pagmamahal ay maisusukli ko lang ang pagtulong sa ating mga kababayan at gagawin namin lahat sa ating pamahalaan, sa ating administrasyon ay gagawin natin lahat. Dahil alam naman nating lahat na tayo ay palabas na, sana naman tapos na ‘yung COVID.
Pero kahit na patapos ‘yung COVID, eh nag-iwan ito ng maraming kahirapan sa ekonomiya. Kaya’t ‘yun ang ating kailangang ayusin nang mabuti at kailangan natin tingnan at pag-isipan kung ano ba ang maaaring gawin upang naman tayo ay umahon na kaagad.
At ‘yung aming slogan, ating slogan na sama-sama tayong babangon muli ay palagay ko pagkatapos ng limang buwan ay masasabi ko tuloy-tuloy na ang pagbangon nating lahat. [cheers and applause]
Pumunta ako rito sa Phnom Penh para makilahok sa ‘yung kauna-unahan kong ASEAN na summit. At ito ‘yung unang naging summit na face-to-face mula noong bago ng pandemya.
Kaya’t napaka — at ako naman ay kauna-unahan ko at saka first time ko na makapagpunta. Kaya’t importante sa akin na makausap, makilala ang mga iba’t ibang mga leaders sa Asya. At sa — kaninang umaga nandoon ‘yung Prime Minister ng Australia, nandoon ang Russia, nandoon si Joe Biden. At ‘yung mga lahat ng mga lider dahil ‘yung ASEAN naging napakaimportante na sa ekonomiya ng buong mundo.
Kaya’t sabi ko kailangang magpunta ako diyan para makita naman natin kung ano ba ang mga iniisip ng ating mga karatig-bansa, kung ano ang kanilang plano, saan tayo makapag-coordinate sa kanila para makapagtulungan para naman dito sa region ay sabay-sabay ang ating pag-ahon.
And that is why we are here in Phnom Penh. And sa aking palagay naman ay naging maganda ang resulta rito dahil unang-una, sa palagay ko ‘yung mga matagal nang nakaupo eh siguro nagtataka sila sino ba itong bagong ito? Bakit may Marcos ulit? Eh Marcos ulit ito, sino ba ito? Kaya’t mabuti na ‘yung magpakilala.
Eh tapos ‘yung ating — ang ating Chairman, ang Prime Minister Hun Sen, na napakagaling ang patakbo niya dito sa ASEAN sa nakaraang isang taon ay mabuti rin at nagkakilala na kami upang sa ganoon ay ‘yung aming… Maaari na nga ngayon ako lahat sila ay puwede ko nang tawagan sa telepono at kilala na nila ako. At ‘yung ang sa simula — sa simula lang naman ‘yan. Kaya patuloy naman ‘yung ating mga meeting.
Sila ay pupunta ngayon sa Bali sa Indonesia ‘yung G20. Sa susunod na linggo nasa Bangkok naman kami para sa APEC, Asia Pacific Economic Cooperation.
Iyon ang mga plano namin dahil sa sitwasyon ngayon sa mundo ngayon, hindi natin kaya kahit sinong bansa — kahit Amerika eh, kahit Russia, kahit China, ‘yung mga malalaki — kahit sila, hindi nila kayang labanan at gawan ng paraan itong mga problemang hinaharap natin na nag-iisa. Lalong-lalo na ang Pilipinas ay maliit lamang na bansa. Actually hindi na tayo maliit eh, 107 million na tayo eh.
Kaya naman ay — pero kahit na, kailangan natin magtulungan. Kaya’t napakahalaga itong ganitong klase na mga conference, ng mga summit, at maitaguyod muli na ang ating pagkakaisa, ang aming sabay-sabay na mga layunin para sa Asya at para sa ASEAN.
Kaya’t ‘yan ang naging sadya ko. Ngunit alam niyo naman pagka ganyan na mga summit eh napakaseryoso niyan dahil mabibigat talaga ang pinag-uusapan. Kaya’t ika nga sinasabi sa English “to coming here to be with you is really a breath of fresh air” dahil [applause] dahil iba ‘yung Pinoy eh. Iba talaga ‘yung Pinoy.
At talagang ramdam na ramdam namin ang init ng inyong pagsalubong. At ito naman ay napakahalaga para sa amin na maalala at malaman naman ninyo na binibigyan namin ng halaga ang inyong naging suporta sa amin ni Inday Sara, sa mga ibang senador, pati na lahat ng mga national candidate na tinulungan ninyo.
Kaya’t siguro kulang ang salita na magsabi ako kahit isang libong beses kong sabihin salamat kulang pa rin. Ngunit sasabihin ko pa rin salamat sa inyong lahat. Salamat sa suporta ninyo. [applause] [A woman yells: Mahal ka namin BBM!]
Kaya’t — eh ‘yung ‘pag nagsasalita ako parang ‘pag naririnig ko ‘yung mga kanta, gusto kong umakyat dito at sabihin, “Hoy, iboto niyo kami ni Inday Sara!” Pero mali na tapos na pala eh.
Kaya’t marami tayong hinaharap na problema. Hindi ko sasabihin na madali ang sitwasyon. At sa atin — alam niyo naman ‘yung nababalitaan ninyo sa ating mga — sa inyong mga kamag-anak, sa inyong mga kaibigan, kung ano ‘yung mga pangyayari doon sa Pilipinas.
Well, so far nakakapag-recover tayo pero marami pa tayong gagawin. Hindi pa tayo — hindi pa natin masasabi na puwede ng mag-relax dahil ‘yung ekonomiya ay nakabalik na. Hindi pa tayo, wala pa tayo doon. Marami pa tayong gagawin. Marami kasing nangyayari pati sa buong mundo na tinatamaan din ang ekonomiya ng Pilipinas.
Pero hindi bale, eh tayo’y mga Pilipino. Tayo naman ay matatapang tayo, masisipag naman tayo, mababait naman tayo. Kaya’t kahit anong dalhin nila sa atin, kahit anong problemang dalhin nila sa atin, kaya ng Pinoy ‘yan dahil mahusay at magaling, mabait, masipag ang Pilipino. [applause]
Kaya naman — tama talaga ‘yung sinasabi ni amba na lahat kayo… Siya ang Ambassador natin dito. Ngunit ang katotohanan kayong lahat… [applause] Aba very popular ang ating Ambassador ah. Siya ang Ambassador, titulo niya ambassador.
Ngunit ang katotohanan, kayong lahat ay ambassador ng Pilipinas. [cheers and applause] At kaya naman eh kami ‘pag pinagmamasdan namin ang mga gawain ng ating mga OFW, lahat ng mga overseas workers na Pilipino ay talagang nakakataba ng puso na makita na talagang puwede kayong ipagmalaki kahit saan sa buong mundo.
At lahat nang pinupuntahan ng Pilipino, pati na rito sa Phnom Penh pati sa Cambodia, ay laging sinasabi ng mga lokal, mga tiga-doon na ang Pilipino ay tuwang-tuwa kami na nandito sila dahil matulungin, napakasipag, napakabait, honest, hindi ba? Lahat ng mga katangian na hinahanap ng ating mga kaibigan na magiging employer.
Ngayon ‘yung ating ginagawa sinasa — kagaya ng sinasabi ko kahit noong kampanya ay sana ang aking pangarap — ang aking pangarap ay hindi na kailangan umalis ang Pilipino dahil hindi makahanap ng trabaho sa Pilipinas. [applause]
Kailangan kung may aalis man sa Pilipinas para magtrabaho, hindi dahil sapilitan. Ito ay dahil may mas magandang puwesto na puwede nilang kunin. Ngunit kung nais maiwan sa Pilipinas ay may trabaho para sa bawat Pilipino. Iyan ang aming pangarap. [applause]
Malayo pa ang aabutin natin bago natin masasabi ‘yun. Dahil ang bilang ngayon ng Pilipinas — na OFW — well, hindi namin masabi exactly 8 to 10 million. Alam niyo kung bakit hindi namin masabi? Dahil ang daming TNT. [laughter] Iyong iba walang — iyong iba walang record talaga, walang dokumento. Kaya’t hindi namin mabilang nang eksakto.
Pero ganoon karami ang Pilipino sa abroad. Ganoon karami ang Pilipino sa abroad. Pero ‘yun na nga lahat ng Pilipino ay hindi pinapahiya ang Pilipinas. Baliktad nga. Hindi lang sa hindi pinapahiya ang Pilipinas, ay tumitingkad ang reputasyon ng Pilipinas dahil sa maganda ninyong ginagawa. [applause]
Sa atin ngayon siyempre ang ginagawa natin, what we are trying to do is to remedy the effects of the pandemic, which made a very big impact in our societies. Hindi lang sa Pilipinas, kung hindi sa buong mundo.
Tinamaan talaga lahat. Iyong ating ekonomiya, ‘yung ating healthcare, ‘yung ating pamumuhay, at nagbago lahat. At marami talaga kung titingnan natin sa pangyayari sa nakaraang dalawang taon ay kawawa talaga ang mga Pilipino, lalo na ‘yung mga maliliit na negosyante dahil eh inubos talaga ang kanilang savings para tulungan ang kanilang mga empleyado. Hangga’t naubos na nga ang kanilang pondo, naubos na ‘yung kanilang pera, at nagsara na. Kaya’t kailangan natin pabalikin ngayon ‘yun.
Iyan ang trabaho ng gobyerno ngayon. Iyan ang trabaho ng administrasyong Marcos ngayon ay pabalikin lahat ‘yung mga nagsasara. Hindi naman wala na silang — wala na silang puhunan kaya’t manggagaling siguro — kailangan niyan manggagaling talaga sa pamahalaan at ‘yan ang ating ginagawa ngayon.
Ang maganda naman siguro — maganda naman ang resulta. At siguro sa buong — sa buong Asya, we, the Philippines, is the fastest growing economy of all of the Philippines. At mayabang nga ako dahil noong kausap ko ‘yung mga ibang leaders sabi ano ‘yung ginagawa ninyo? Paano niyo nakuha ‘yung growth rate na ‘yun?
Sabi ko simpleng-simple lang ‘yan, hindi ako genius ah pero ang advantage ko sa inyong lahat ang tumutulong — my workforce is 107 million Filipinos na napakagaling na puwedeng asahan, na bata, na maganda ang ano — marunong mag-Ingles, [applause] marunong magtrabaho. Handa gawin kahit na ano — kahit anong klaseng trabaho magkaroon lang nang kaunting kita para ipakain ng kanilang pamilya, para ipag-aral ang kanilang mga anak. Iyan lang naman ang sa atin.
Alam mo naman ang Pilipino napakasimple lang. At kaya naman eh ito ay sinasabi ko. Kaya sinasabi, bakit masyado kang ano — masyado kang optimistic? Sabi niya nagtatanong sa akin, “Why are you so optimistic? The situation around the world is not good. The impacts of the world economy on the Philippine economy are quite difficult to deal with.”
And my answer always is: Is because behind me and behind the policies that we do are 107 million Filipinos. [applause] And 100 — Filipinos are the best people in the entire world. [applause] Wala na akong nakilalang…
Palagay ko lahat — lahat na ng lugar napuntahan ko na at nakilala… Marami talagang mababait diyan. Marami talagang magagaling diyan. Pero walang kasing galing, walang kasing bait ng Pilipino.
Kaya’t ako’y malakas ang loob ko na magsabi, magre-recover tayo. Magre-recover tayo dahil ‘yang mga Pilipino na nagtatrabaho dito sa Pilipinas o doon sa abroad, eh lahat ‘yan ay maaasahan natin. Na kapag binigyan natin ng magandang pagkakataon, ‘pag binigyan natin ng magandang tulong ay hindi tayo mapapahiya.
At lagi nating makikita na ‘yung ating investment sa human capital, ‘yung ating investment sa ating mga tao ay laging bumabalik, ten-fold ika nga. Sa ibinibigay mong isang piso, sampung piso ang bumabalik sa bayan dahil nga sa magandang trabaho ng Pilipino.
Kaya’t kayo ngayon — ang OFW ngayon masasabi ko — ang OFW ngayon ang bumubuhay pa sa ekonomiya. At hangga’t talagang makabangon na, lalong-lalo na ‘yung mga maliliit, ay napakahalaga ng inyong ginagawa, napakahalaga ng inyong sakripisyo, at napakahalaga ng inyong ginagawang trabaho.
At alam naman namin kung maaari lamang ay inyong kapiling ang inyong mga mahal sa buhay. Ngunit nagsasakripisyo kayo upang matulungan ang inyong mga pamilya, ang inyong mga community. At iyan naman talaga ang ugali ng Pilipino.
Kaya nga ay gagawin namin lahat. Iyan ang maisusukli namin sa ating administrasyon. Maisusukli namin sa inyong napaka — napaka — nakakagulat na suporta at pagmamahal dito sa nakaraang kampanya.
Kaya’t dahil nabaligtad nga ‘yung nauna ‘yung eleksyon bago ‘yung kampanya. Ngayon lang tayo nangampanya rito. [laughter] Iboto niyo po kami ni Inday ha. Huwag niyo kakalimutan. [laughter and applause]
At ‘yan ang natatanging halaga at katangian ng FilCom dito sa Cambodia at sa ibang lugar. Na sa kabila ng paghihirap na dulot ng pandemya, inyong pinagtutulungan at nagpapakita ng malasakit sa kapwa tao ang siyang laging nananaig.
Through your compassion, you have woven yourselves into the very fabric of Cambodian society. And this is not coming from a Filipino, this is not coming from the Embassy officials; this is coming from your fellow workers na tiga-rito, na Cambodian.
Though we speak different languanges, we have different systems of government, we have different taste in food, the FilCom in Cambodia — are the ties that bind our deep and growing relationship with the Kingdom of Cambodia.
Kayo ang dahilan kung bakit madali akong lumapit kay Prime Minister Hun Sen, kaya’t madali akong lumapit sa hari ng Cambodia. Dahil basta’t sinasabi ito ‘yung namumuno ngayon sa Pilipinas, ay very welcome lagi lahat.
And we do this mainly through the noblest of professions as teachers who impart knowledge to impressionable minds and nurture common beliefs and values of hardwork, compassion, and the truly Filipino quality — kindness.
I was info… Most of you here are English — sino ba ‘yung English teacher dito? Mga teacher, marami raw teacher dito eh. Ayan. Kaya’t — mga instructor ng Math, Science, basta teacher, other fields are your expertise.
So tapos kasama na riyan eh nakita naman ninyo, alam naman ninyo ito eh ay ang gagaling kumanta ng Pilipino, ang gagaling gumawa ng lahat ng ari — lahat ng pagkaklase na performance art, lahat, pagkakanta, pagsasayaw ay siguro ay kinikilala na ang Pilipinas. Kaya’t marami rin tayong mga music teacher diyan.
At hindi lang dito naman sa Cambodia, lahat naman kung saan ka pumunta ‘yung talagang may mga nakikita niyong mayroong OFW na basta’t lahat ng pupuntahan mo na hotel, na restaurant ang tumutugtog Pinoy.
So we are very proud to note that your dedication, your compassion for your students is not confined to the classroom. At karamihan din sa inyo naging guidance counselor at kayo rin ay naging administrator sa inyong eskuwelahan.
[A baby cries] Nako ginising natin ‘yung sanggol. [laughter] Sorry ha talagang makukulit kaming mga pulitiko eh. [laughter] Ngunit ang kapalaran ninyo dito sa Cambodia ay hindi lamang sa pagtuturo. Marami rin sa inyo ang naging engineer, accountant, manager, iba pang mga executive position. Mayroon ding mga medical workers, supervisors, and skilled workers sa mga factories.
So kahit ano pang trabaho ang ginagawa ninyo, dala ninyo ang ugali, ang kultura ng Pilipino. Na ‘yan ang hinahanap ngayon ng lahat ng mga employer sa lahat sa buong mundo pagka naghahanap sila ng magagaling na trabahador, na magagaling na employee, na magagaling na puwede nilang asahan na gagawin ang trabaho, puwede nilang asahan na hindi sila nag-aalala.
The Filipinos are known to be honest, we are known to be kind, we are known to be very, very industrious. Ang tawag nga sa atin tayo ang mga overtime king and queen sa lahat ng pupuntahan mo. [laughter] Dahil pagka may kailangan mag-overtime, laging nakataas ang kamay ng Pilipino.
So these small fragments of compassion, the small conduits of influence, helped bridge the gap that you would think would separate us. You hold positions of trust, of confidence that helped the socioeconomic development of Cambodia, of your adopted country.
Kung kaya naman kayo ay napamahal na sa mga Cambodians. From the first Filipinos who trained the Royal Reed & Brass Band in the 19th century — iyon ang unang mga Pilipinong napunta rito — hanggang sa Filipino peacekeeping forces under the UN doon sa transitional authority pagkatapos ng giyera dito in the 1990s. To the development of workers and engineers — Filipino engineers who oversaw, na tumulong ang mga Pilipino sa reconstruction program ng Cambodia. At saka ‘yung building na ginawa nila — talagang marami silang tinayo noong 2000s.
To the Filipino English teachers who trained Cambodian Senate personnel and officials, as well as the estimated 7,000-strong Filipino diaspora. Kaya pala pati ‘yung mga pulitiko ay tinuturuan ninyo. Baka ‘yung iba gusto ninyo umuwi na, turuan niyo rin ‘yung mga pulitiko doon sa Pilipinas. [laughter] Mayroon diyan talagang kung minsan eh nahihirapan na ako. Baka puwede niyo akong tulungan. [laughter]
You are the pride of the Philippines. You bring honor to the Filipino nation. Batid ko ang malaking tulong na dulot ng mahigit na 10 milyong overseas workers na Pinoy. Kasama ang overseas workers, kayo dito sa Cambodia.
Nagulat nga ako dahil noong una kong tinatanong sabi ko wala namang Pilipino diyan sa Cambodia dahil ang tagal nung giyera diyan. Eh siyempre alam mo naman ang Pinoy basta’t may makitang — pagka may opportunity, pasok kaagad. [laughter]
Kaya’t pitong libo na pala tayo rito sa Cambodia? At noong 2021, despite economic restrictions, remittances from our OFWs reached an all-time high, at umabot sa US$34 billion. [applause] Tama palakpakan ninyo ‘yung sarili ninyo dahil kayo ang bumubuhay sa ngayon sa ekonomiya ng Pilipinas.
Kailangan na kailangan natin ‘yan. You provided a much-needed boost to the pandemic-stricken economy. As well — nakakapagpondo tayo ng mga social programs na tumutulong sa mga mahihirap at saka ‘yung pinaka nangangailangan ng tulong na pamilya sa Pilipinas.
Nabanggit ko kanina, malaking tulong ang naidulot ng overseas Filipino workers sa pagtugon sa mga hamon ng pandemya. At marahil ay hindi rin naman nagkulang ang tulong na naibigay ng inyong gobyerno noong panahon ng inyong pangangailangan.
Noong kasagsagan ng pandemya at sa pakikipag-ugnayan ng DFA, ng POEA, at OWWA, nakapag-repatriate tayo ng mahigit na 1,100 na mga Filipinos in distress dito sa Cambodia — mula dito sa Cambodia. [applause]
Noong pumunta ang OWWA welfare officers sa Cambodia noong isang taon, nakapagbigay din tayo ng welfare assistance bukod sa mga tulong na sa pamamagitan ng DFA ATN funds sa mga OFW habang inaabangan ang kanilang repatriation and doon sa mga naapektuhan ng COVID.
Marami rin tayong medical repatriation na ginawa. Sa tulong ng legal assistance fund, nakapagbigay tayo ng local mga Khmer-speaking na abugado upang ipagtanggol ang karapatan ng mga OFW sa Cambodia.
Sa pagtutulungan ng DFA sa pangunguna ng ating kalihim na si Ricky Manalo at ang pinakabagong ahensiya ng ating administrasyon — mayroon tayong bagong agency, ang tawag ay DMW, the Department of Migrant Workers, na pinangungunahan ni Kalihim Toots Ople. Kilala niyo siguro si Toots dahil si Toots ay napakatagal na rito sa trabahong ‘yan.
Lalo nating paiigtingin ang tambalang ito upang makapagbigay nang mabilis at karampatang serbisyo at tulong sa mga overseas Filipinos na nangangailangan ng tulong.
We are inspired by your dedication, your hard work. And I ensure that your sacrifices will not be for nothing. This administration has embarked on an 8-Point Socioeconomic Program that aims to effectively respond to the risk that was brought on by the unpredictable global political economy.
We have to provide safety to cushion the vulnerability — our vulnerability to economic shocks. At dahil talaga kahit anong gawin natin sa Pilipinas, kung nagkakagulo sa labas ay tinatamaan din tayo.
Hindi ko ma-imagine sa buong buhay ko na kung magkagiyera sa Russia at sa Ukraine ay mararamdaman natin ito. Ngunit dahil sa nagkagiyera, eh ang biggest exporter nung wheat ay Russia at saka Ukraine. Doon tayo kumukuha. Iyong wheat ginagawang tinapay.
Pero ang pinakaimportante na ginagamit doon sa wheat ay para sa feeds ng hayop na binibigay ‘yan sa baboy lalo na. At noong nawala kaagad ‘yung suplay na ‘yun, eh nabawasan ngayon ‘yung suplay ng baboy. Ginugutom ngayon ‘yung tao. Tumataas ngayon ang presyo.
Kaya’t ‘yung mga pangyayaring ‘yan hindi ko akalain na sa ganoon kalayo nasa ibang bansa eastern Europe, nandito tayo sa Asya, hindi naming akalain na aabutan tayo. Ngunit ramdam na ramdam natin.
Kaya’t marami tayong kailangang gawin para naman mabago natin ang — matugunan natin ang mga pangangailangan ng ating mga farmer. Inuna ko nga ang agriculture. At dahil nakita ko ito ‘yung pinakaimportante na kailangan ayusin, eh ako na ang kumuha ng Secretary of Agriculture para maayos natin nang mabuti dahil kawawa ang ating agrikultura, kawawa ang ating mga farmers, kawawa ang ating mga livestock producers, kawawa ang ating mga fisheries. Kailangan nating tulungan nang husto.
Kaya’t kasama ‘yan doon sa ating 8-Point program. Nakahati ‘yan from short-term goals, to protect purchasing power of the peso, minimize socioeconomic scarring by ensuring food security.
Ito ngayon ang problema na lagi nating… Mayroon naman tayong food supply. Ang problema natin ay ‘yung presyo dahil lahat tumataas. Napakabigat nga ng sitwasyon at noong nakaraang siguro mga anim na buwan ay ‘yung fertilizer ay tumaas, times three.
Marami nga — mayroon na nga na ating mga magsasaka ay hindi na nagsaka at sinabi nila kahit anong gawin namin kung ganyan ang presyo ng fertilizer hindi kami kikita. Kaya’t pumunta na sila — mag-construction na lang sila o mangingisda na lang sila.
Ang problema diyan ay ‘yung suplay natin ng bigas — ng palay at saka bigas bumababa. Kaya’t kailangan na naman natin mag-import ulit.
Eh akin namang layunin ay hindi na tay — kahit na mag-import tayo, basta’t nasa sitwasyon tayo na kung magka krisis ulit kagaya nitong pandemya… Alam na nga natin eh dapat matuto na tayo na dapat ang sitwasyon sa Pilipinas kahit magka krisis ulit ay hindi tayo mawawalan ng food supply na kayang bilhin ng ating mga mamamayan. Iyan ang aming inaayos.
We have to ensure food security. We have to reduce transport and logistic cost. We have to reduce the energy cost to families. Isa pa ‘yan, ‘yung pagtaas ng urea sumasa — ‘yung urea, ‘yung fertilizer, sumasabay ‘yan sa petroleum eh, petroleum product ‘yan eh.
Kaya’t kasama na pagtaas ng gasolina, pagtaas ng krudo doon sa atin. Kaya’t nagbibigay ang gobyerno na tinatawag na fuel subsidy. Binibigyan natin sila ng certificate para makapagbili sila — madagdagan naman ‘yung kanilang hawak. Lalong-lalo na ‘yung mga transport sector dahil sila ‘yung kaagad na tinamaan ay mayroon silang hawak para naman eh mapatuloy naman — makapagpasada pa sila, makapagtrabaho pa sila. Pati farmer mayroon ding fuel subsidy dahil talagang napakabigat at hindi kaya ng ating mga kababayan ang sitwasyon diyan.
And part of the short-term goal is to reduce vulnerabilities to the virus. Matuto na tayo. Alam na natin ang nangyari. At sabi sa atin ng ating mga dalubhasa, ang ating mga eksperto, ang ating mga doktor, hindi lang ito baka may sumunod pa.
Kaya’t dapat ay paghandaan na natin. So we are ramping up now the booster doses and vaccination sa mga vulnerable sectors.
Ang last report ng DOH, siguro nabasa ninyo na tinanggal ko na. Sinabi ko ‘yung mask puwede ng optional dahil pabawas nang pabawas. At hindi na tayo — ‘yun lang sa bus kailangan magsuot ng mask dahil dikit-dikit ang tao. At sa mga ospital, sa mga clinic siguro naman kailangan naman talaga mag-mask.
Pati sa eskuwela optional na. Depende na sa mga magulang kung pagsusuotin nila ng mask ‘yung kanilang anak. But the point is is that medyo gumagaan na ‘yun ang ibig kong — ‘yun talaga ang nais kong sabihin ay gumagaan na at nagbabago na parang nakikita natin ‘yun laging may umaga. [applause]
Maganda naman ang naging performance natin sa pagbigay ng bakuna. At we are presently, ang rate of vaccination natin is about 120 percent. Bakit 120 percent? Dahil may nag-booster na. So ‘yung dalawang dose halos 100 percent na tayo. Iyong mga booster ay tuloy-tuloy pa rin ang aming pagbigay.
So this has enabled them to — this has enabled us to lift economic and travel restrictions. And kahit nahuli tayo sa mga bansa sa ASEAN ay nandito na tayo, naayos na natin, at hindi na nagiging sagabal ‘yung mga health protocol sa pagdating ng ating mga bisita. Hindi lamang turista kung hindi mga negosyante ang pagpunta sa Pilipinas.
This will — kaya naman ay maaari na magkaroon nitong ganitong klaseng mga — ganitong klaseng mga summit, itong ASEAN Summit na face-to-face. Iyan naman talaga ang kailangan na abutin na sitwasyon.
So we also are trying to strengthen social protection, addressing learning losses brought about by the lockdowns, the closures of schools. Nahirapan talaga ang ating mga kabataan, ang kanilang magulang, pati ‘yung mga teacher doon sa remote learning.
Kaya’t napakaganda na si Inday Sara na kinuha naman niya ang Department of Education ay ginawa lahat para buksan na kaagad at maiba. Dahil hindi naman kataka-taka pero hindi natin inaasahan na mangyayari mayroong nagkakaroon ng mental health issues. Hindi naman ibig sabihin nasisira ang ulo, anything like that. Pero nade-depress ‘yung bata.
Pagbukas ng eskuwela, hindi na nila — nakalimutan nila how to talk to each other, hindi na sila marunong mag-socialize dahil dalawang taon nakakulong sila at dalawang taon nandoon lang sila sa bahay kasama nila mga ano — walang kasamang bata. Ang kasama nila ‘yung magulang nila, ‘yung mga kamag-anak nila. Pero wala silang kausap na bata.
Kaya’t noong bumalik sila sa eskuwela, talagang may effect na nakakaawa talaga. Pero since nagbukas tayo itong semester na ito, malaki na ang pagbago. At alam niyo naman ang bata — ang mga bata mabilis mag-adjust ‘yan. Kaya’t sila’y naga-adjust ulit.
Kaya’t marahil ang mga Filipino teacher dito sa Cambodia ay hindi ipagkakait ang kanilang mga natutunan at mga best practices na maayos at ligtas na pagbabalik sa eskuwelahan na inyong naranasan dito sa Cambodia.
So these short-term goals will ensure sound macroeconomic fundamentals by enhancing efficiency of the bureaucracy.
Ibig sabihin ‘yung ating digitalization ginagawa natin ngayon para mas madali at alam naman ninyo lahat ‘yan. Pati ‘yung kay — doon sa ating Department of Migrant Workers ay talaga naman ay makikita mo na inaayos ni Toots Ople at ginagawa niya lahat para maging madali para sa ating mga OFW ang pag-apply, ang pagkuha ng dokumento ay hindi na kagaya ng dati na kung saan-saan ka papupuntahin, kung saan-saan pang mga opisina na magkakalayo para kukuha lang ng isang pirma, para kukuha lang ng isang dokumento.
Siguro ito ngayon bagong sistema na ating ginagawa ay nagiging mas maayos. Bukod pa diyan ay ‘yung tinatawag na sound fiscal management. Tinitingnan talaga natin kung ilan — kung ano ‘yung mga sektor sa ating ekonomiya, sa ating bansa ang dapat tugunan at bigyan ng tulong kaagad.
Dahil halimbawa ‘yung mga korporasyon, ‘yung mga malalaking negosyante ay may kaya talaga ‘yan at hindi nangangailangan ng tulong ‘yan. Ngunit ang karamihan ay nangangailangan ng tulong.
Ngayon sa dami naman niyan hindi naman natin puwede sabihin lahat ‘yan, lahat ‘yan puwede natin biglang tulungan. Mamimili tayo sino ang naunang naapektuhan? Pagtaas ng presyo ng gasolina, pagtaas ng presyo ng krudo, sino kaagad ang nahihirapan? Iyon ang kaagad na pinupuntahan namin. Doon kami gumagawa ng programa para tulungan ang ating mga kababayan.
So that’s the — ‘yung digital transformation ng ating ekonomiya ay ating ginagawa. We are trying very hard to make sure that the economy is well positioned for the new post-pandemic global economy. At iyan ang ating ginagawa ngayon.
Kaya’t naman palagay ko maganda naman ang ating magiging kinabukasan basta’t tayo’y sabay-sabay na nagtutulungan. Basta’t tayo ay patuloy na ating ipinagmamalaki ang ugali, ang kultura ng Pilipino. At ‘yan naman ang nagpapatibay sa atin, sa Pilipinas.
Kaya’t naman kagaya ng sabi ko kanina, kahit sino pa — na kahit ano pa na sakuna, na disaster, lahat ‘yan, kahit ano pa ay kaya ng Pilipino.
Kaya’t maraming salamat ulit sa inyong suporta. [applause and cheers] Asahan ninyo hindi kayo magsisisi sa inyong binigay na boto.
Maraming salamat sa inyong lahat! Magandang gabi po sa inyong lahat at mahal ko kayong lahat! Mabuhay po kayo! [applause and cheers]
[Crowd yells: We love you BBM!]
— END —
Watch here: Meeting with the Filipino Community
Location: Hyatt Regency Phnom Penh in Phnom Penh, Cambodia