Publications

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Meeting with the Filipino Community

  • Published on December 13, 2022
  • |

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Meeting with the Filipino Community

Maraming, maraming salamat sa ating Secretary of Finance. [Umupo lang po kayo]

Mahaba-haba ito dahil ayaw ko pang lumabas. Okay dito sa inyo. Maginaw lang. [laughter]

Nagpapasalamat ako sa ating Secretary of Finance, Secretary Ben Diokno. At napakapalad nitong grupong ito dahil ang nangyari sa inyo two for one. Akala niyo isang presidente lang ang makikita niyo rito. Dalawa ang presidenteng nakita niyo rito. [cheers and applause] President GMA.

[Crowd: GMA! GMA! GMA!]

At ang ating Speaker, Speaker of the House of Representatives, si Speaker Martin Romualdez [applause]; Andito rin po nakasama natin ang ating Secretary ng DICT, siya ‘yung namamahala sa lahat ng tungkol sa digitalization sa atin dito sa Pilipinas, ang ating Kalihim, Secretary Ivan Uy. [applause]

Ay, ito siguro kilala na ninyo. Pero bago ngayon ang kanyang posisyon. Ang namumuno ng pinakabago na departamento sa pamahalaang Pilipinas, ang Department of Migrant Workers, ang ating dating kasama at kaibigan, si Secretary Toots Ople. [applause]

At ang sunod na ipapakilala ko ay dating secretary, eh ngayon naging senador na dahil sa napakagandang performance niya nang siya ay naging secretary, Senator Mark Villar. [applause]

Ang ating mga embassy officials na pinamumunuan ng Chargé Pablito Mendoza at… [applause]

Palagay ko, hindi naman siguro makukumpleto ‘yung pakilala ko kung hindi ko babatiin at ipapakilala ‘yung umiiyak kanina, ang First Lady natin, First Lady Liza Araneta Marcos. [applause]

At lahat ng ating mga bisita na nanggaling…

[Crowd: Sandro! Sandro!]

Ayoko na, talagang… Nagseselos na ako sa batang ‘yan. Kahit saan ako pumunta nung rally. Nakikita naman ninyo eh. Siguro nagla-livestream kayo. Nakikita naman ninyo, eh siyempre excited na excited ako, pag pumapasok ako nakita ako ng tao, nagsisigawan. Tapos, mamaya nang kaunti, wala pang five minutes, lalabas na ‘yung mga placard, “Nasaan si Sandro?” [laughter] “Sandro, anakan mo ako.” [laughter]

Kung ano-ano pero okay lang, okay lang. Kaya ko sinasabi kasi ang payo sa akin ng aking magulang, huwag kang aakyat ng entablado na may kasama kang mas magandang lalaki sa’yo, kaya hindi ko na sinama si Sandro.

Lahat ng aking minamahal na kababayan na kung saan-saan ay… Nalaman ko nga at hindi lang Brussels ang pinanggalingan ninyong lahat kung hindi sa lahat ng mga karatig bansa, mayroon tayong representative dito. At ako’y natutuwa naman at ay… Talagang nakakataba ng puso na malaman na pupuntahan niyo ako dito kahit na malayo ang pinanggalingan niyo at para makapagsama, para tayo’y magsama rito kahit sandali. Maraming, maraming salamat sa inyo. [cheers and applause] 

[Crowd: We love you, BBM!]

Ako’y nagagalak na makasama — siyempre nakasama kayo eh. Alam niyo, lahat nung aking… Pagka bumabiyahe ako, may state visit o mayroong meeting na kagaya ngayon ay siyempre lahat ng mga meeting ko napaka-importante at kailangan talagang puntahan at makipag-usap nang masinsinan sa itong ating mga kaibigan na galing sa iba’t ibang bansa. Ngunit sa lahat ng bisita ko, siyempre kahit sino, kahit saan man ang pinaka-masaya na aking pinupuntahan ay kayo aking mga kababayan. [cheers and applause] Makita kayo.

Alam niyo po itong ginawa namin, dahil po nung kampanya, eh sinasabi nga namin eh itong — nung pina-plano-plano pa namin itong mga programang ganito ay sinasabi namin, papaano gagawin natin. Eh ‘kako, ito ‘yung mga nagpapanalo sa atin, hindi man natin naikampanya. Hindi makabiyahe doon. Hindi tayo makaalis ng Pilipinas dahil alala pa naman ninyo mahigpit pa ‘yung pandemic, wala pang makabiyahe masyado.

Kaya’t sabi ko, ngayon na kaya na natin mag-biyahe at kaya na natin sila puntahan, bigyan naman natin sila, makatikim naman sila kung papaano ‘yung kampanya natin, kung papaano ‘yung mga rally natin kaya naghanda kami ng konting palabas.

Pati na, kasama na rin ‘yan ‘yung paghahanap kay Sandro, ‘yun parang sa rally talaga.

[Crowd:… lagi sa aming puso mahal na Presidente]

Ay maraming — nako… Ay maraming salamat. Thank you, thank you po. Thank you. Maraming salamat.

Sabi ko sa inyo, ito talaga ang pinakamasayang pinupuntahan namin dahil mas masaya sa lahat ang mga Pinoy na makita, lalong lalo na kayo ‘yung matagal nang nagtatrabaho sa labas, nagtatrabaho sa abroad. Ay mabuti naman at makabati lang naman kami at babatiin namin kayo sa lahat ng inyong ginagawa na itinutulong ang Pilipinas.

At bukod pa roon, ay kayo ay ang nagpapatining at nagpapaganda ng reputasyon ng Pilipino, ng Pilipinas, dahil sa inyong magandang trabaho. Kinahahangaan kayo ng mga local. Lahat ng mga katrabaho ninyo, lahat ng mga nakilala ninyo, sinasabi lahat ang galing talaga ng Pilipino at ito ay papasa — kailangan kayong pasalamatan dahil ito ay galing sa inyong pagka-professional, sa inyong pagka-mabait, pagka-malasakit, at lahat ng katangiang Pilipino na ipinapakita natin sa inyong mga kasama. Kaya’t muli magpapasalamat po sa lahat ng inyong ginagawa para sa Pilipinas. [applause]

[Crowd: Mabuhay po kayo!]

Mabuhay ka. Ako po’y naririto upang lalahok sa Commemorative Summit ng ASEAN at ng EU at ang Summit na ito ay isang paraan para mapaalam sa lahat ang magandang dialogue relations natin na ginagawa sa larangan ng ekonomiya, politika, sa seguridad, pati na rin sa larangan ng kultura, at development cooperation kung tawagin.

Siyempre hindi makukumpleto ang aking pagtungo dito sa Belgium kung hindi ko kayo makapiling kahit na sandali lamang. [applause]

Kaya’t nung ginagawa, isinasagawa namin ‘yung aming schedule, eh sabi ko sa unang pagkakataon, itong — kailangan eh makapiling na natin ang FilCom ng Kingdom of Belgium na nasabi sa akin ay humigit kumulang 5,600.

Ngunit, itong FilCom na ito hindi lamang nagbago dahil sa umpisa, plano talaga ‘yung nandito sa Brussels, ‘yung nandito sa Belgium, ngunit dumami ang nagpunta. ‘Yung iba nga sa inyo, kung saan-saan pa nanggaling kaya’t naiba na itong ating campaign rally at FilCom meeting. Kaya’t nakakataba nga ng puso na makita ko kayong lahat.

Kaya nga ‘yung mga FilCom na nandito ay nagbiyahe pa mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Luxembourg, ng Netherlands, France, Germany. France, Germany, Switzerland, Italy. Sinong kulang? Poland. Germany… Okay. Poland.

Paano kayo nakalabas? ‘Di ba may giyera na doon? Wala pa naman. Buti na lang. Ingat lang kayo baka ma…

Lubos kong ikinakagalak makita ko kayong lahat at maranasan ang inyong mainit at masiglang pagsalubong sa amin dito sa Belgium. Nais ko rin ipabatid sa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat sa pakiisa ninyo sa mahigit 31 milyong Pilipino, hindi lamang sa Pilipinas kung ‘di na rin mula sa iba’t ibang panig ng daigdig na nagkaloob ng kanilang tiwala at nagbigay sa akin ng mandato upang paglingkuran kayo sa susunod na anim na taon. [cheers and applause]

Lagi ko ngang sinasabi ang salita lamang na pasasalamat ay parang ang pakiramdam ko ay laging kulang sa inyong ginawa at sa aking nararamdamang pasasalamat sa inyo. Kaya’t ang isusukli ko na lang sa inyo, namin lahat na binigyan ninyo ng suporta nung nakaraang halalalan, at ang maisusukli ko lang sa inyo na ipapagpatuloy natin ay ipapaganda natin nang husto ang buhay ng bawat ng Pilipino at ng Pilipinas.

Kaya’t sana naman dumating ang panahon, at ito ang ating pangarap na wala ng kailangan umalis ng Pilipinas dahil walang mahanap na trabaho sa Pilipinas. Aabutin din natin ‘yan. [cheers and applause]

Basta’t kung kaya natin isipin, kung kaya natin ipangarap ‘yan, aabutin natin ‘yan basta’t huwag tayong — basta’t tayo’y nagkakaisa. Huwag nating titigilan ang ating mga pagtrabaho at sakripisyo para sa ating bansa, para sa ating kababayan. Lahat ng pangarap ay maaring makamtan.

So as I noted earlier, my main purpose here is to attend the ASEAN-EU Commemorative Summit, to reaffirm our solidarity with our ASEAN colleagues, and that of our regional and dialogue partners in Europe, on the need for us to work together to face the numerous political, economic, and social challenges of a post-COVID world.

Ang ASEAN at ang EU ay dalawa sa pangunahing regional organizations sa mundo na ang hangad ay ipatupad ang kalayaan, seguridad, katatagan at paglago ng ekonomiya ng Southeast Asia, ng Europa, at ng buong mundo. Ang mga organisasyon na ito ay handa ring tugunan ang mga pandaigdigang hamon dulot ng climate change, at ang pagsulong ng panuntunan ng batas o “rule of law” sa mga bansa.

In this visit, I will have a Royal Audience with King Philippe, and I will be happy to share with him that the Philippines and Belgium have just commemorated 76 years of bilateral relationships this year.  Our relations remain strong and vibrant. At malaki po ang itinulong ninyo diyan.

Kaya’t maganda ang trato sa atin, maganda ang paningil sa atin ng lahat ng Belgium, lahat ng Poland, Italy, Germany. Ay dahil nga sa inyong magandang trabaho na ipinakita at angugaling pinakita ninyo sa inyong mga naging kaibigan dito. Kaya’t matibay ang ating pagsasama sa ating mga iba’t ibang partner na bansa. Our relationship have remained strong and vibrant based on shared values, common interests, and the good reputation that Filipinos have built, not only here in Europe but all over the world.

It will also be an opportunity to convey to the King that the Philippines intends to pursue a strategic partnership with Belgium in various fields, and to this end, we look forward to signing a Philippines-Belgium Joint Plan of Action for 2023 to 2027 that could further enhance bilateral cooperation, allow our two countries to discuss regional and global issues of mutual concern.

Meron din kaming tinatawag na mga bilateral meetings. Ito’y mga sinasaayos, kasama ang mga top leader. Sa mga summit na ganito, may malaking summit, marami sabay-sabay kami ngunit pagka may oras ay tinatawag na bilateral meeting, dalawa lang ang mag-uusap at ‘yan ang aming ino-organize ngayon para sa bawat bansa na ating kaharap ay makapag-usap tayo ng detalye tungkol sa pagpatibay ng pagtulungan ng ating dalawang bansa.

We do this with the leaders of several EU countries and institutions with the aim of further enhancing bilateral relations and bringing more investments to the country.

Bukod sa summit, meron tayong mga tinatawag na roundtable discussion kung saan inimbitahan natin ang mga iba’t ibang korporasyon na interesado na makapag-invest sa Pilipinas.

Eh kakausapin natin, magpapaliwanag tayo kung ano ‘yung nandiyan sa Pilipinas, kung ano ‘yung ating ginagawa, ano ang mga polisiya natin sa Pilipinas. Lahat ‘yan. At itatanong din natin sa kanila kung ano ‘yung kanilang pangangailangan para naman maging mas maganda ang takbo ng partnership natin sa kanila sa Pilipinas.

So without a doubt, our ties with Belgium continue to flourish, not only because of G2G or government-to-government contracts but because of the strong interpersonal linkages of the Filipino community with Belgians and other expatriates, whether through employment or marriage and family ties. Truly, you all deserve to be recognized because your interaction with them has enriched our relations.

The world is slowly recovering from COVID. Pandemic has made a deep and indelible impact in our societies, our economies, our health, and our everyday lives. Just as our Kababayan in the Philippines experienced health and economic hardship, overseas Filipinos had it worse by being away from their families, with travel restrictions keeping away further from their loved ones.

It’s truly a blessing that travel now is returning to normal. Despite the challenges I mentioned, overseas Filipinos are still among the heroes of the pandemic. Many of you are frontline medical workers, or caregivers that look after the sick, the old, and the vulnerable. Sino ditong caregiver? Sinong mga frontliner dito natin? Ayan, kaya kayo ay hanggang ngayon ay kinikilala pa rin. Sinasabi na talaga ang mga Pilipino at Pilipina ay siyang hinahanap dahil mabait tayo, dahil malambing tayo.

Kung minsan, ‘yung problema kasi sa — kung minsan, ‘yung tinatawag na bedside manner, eh wala talo silang lahat pagkadating sa Pilipinas. [applause]

Some of you were also frontline store workers making sure that the basic needs were available to everyone. Most especially, I note that even during the pandemic, you have continued to send the remittances of your hard work, selflessly, keeping your families secure and our economy afloat.

Sa kabila ng paghihirap na dulot ng pandemya, ang inyong pagbabayanihan, tulungan, at malasakit sa kapwa-tao ang isang laging nananaig. It is your compassion, and because of this, you have woven yourselves into the very fabric of European society, Belgian society.

And though we speak different languages, although palagay ko marami na roon marunong mag-parlez-vous français dito sa… Oui. Inaral ko ‘yan sa eskwela pero walang dumikit eh.

Although we speak different languages and follow varied belief systems, we have different types of government, we have different taste in all kinds of things, the Filipino community organizations here in Europe continue to maintain deep and growing friendships with people of different nations. Filipinos in this part of the world will continue to be highly regarded because of your jolly and high-spirited manner, your hard work, your dedication, and what you do, of course, even more — perhaps even more importantly, your generosity, your compassion, and your kindness.

Ngayon nga, ngayon ganyan na ang pagkakilala sa Pilipino.

Inspired by your dedication and hard work, to ensure that all your sacrifices will not come to nothing, this Administration has embarked on an 8-point socio-economic program that aims to effectively respond to the risks brought about by an unpredictable global political economy, provide enough safety nets to cushion our vulnerability to  shocks, and steer our economy back to its pre-pandemic high growth trajectory.

The 8-point program is divided into short-term goals, which will protect the purchasing power of the peso and minimize socioeconomic hardships by ensuring food security, reducing transport and logistics costs, reducing energy costs to families.

We will ensure that these short-term goals will follow sound macroeconomic fundamentals by enhancing the efficiency of the bureaucracy and sound fiscal management. And as the pandemic accelerated the digital transformation of the economy, we have dedicated our efforts to support a resilient and innovative financial sector.

For the medium-term goals, the 8-point program will continue to create jobs by promoting trade and investments, improving infrastructure, and achieving energy security. We aim to create not just jobs, but quality jobs. Hindi ‘yung pangkaraniwan lamang na trabaho na maaring — mga casual lang lahat, maaring mawala sa trabaho, walang benefits, lahat ‘yan. Eh ‘yan ang kailangan natin palitan, na mailagay natin ang ating mga unemployed, mailagay natin sila sa magandang trabaho, ‘yung trabaho na mukha naman may kinabukasan.

This will increase the Filipino’s employability, encourage more research and development, we will innovate. We will also create green jobs which will support both the green and the blue economies. ‘Yan pong green economy ay dahil tinitingnan po natin ‘yung climate change, kung paano tayo — paanong gagawin ng PIlipinas para tulungan ang buong mundo na mabawasan ang mga nararamdaman natin dahil sa climate change.

‘Yun pong blue economy ay pagandahin naman natin ang ating mga dagat dahil maraming ibinabasura sa dagat, marami ng sinisira, overfishing, lahat ‘yan. Lalong lalo na sa Pilipinas, 7,000 islands tayo, napakahalaga nitong mga bagay na ito para naman ang ating mga mangingisda, ang ating mga naghihirap ay tuloy-tuloy ang kanilang kabuhayan, tuloy-tuloy ang kanilang hanap-buhay na pangingisda na malaki naman, na maganda naman ang kinikita.

So we will — we need to focus on sustainable use of marine resources and establishing livable and sustainable communities.

To foster a continued stability, we will continue to uphold public order and safety,  work towards enhancing peace and security within our national territory in the region and in the wider global community. We will also strive towards strengthening market competition by reducing barriers to market entry and limits to entrepreneurship.

Ano kaya ang magiging benepisyo nitong 8-point program para sa inyo na nandito sa Belgium at sa Europa? I’m aware that Filipinos primarily venture abroad because of the lack of opportunities back home. With the new socio-economic agenda, we will strengthen our economic institutions and create more jobs that are both sustainable and in line with labor standards worldwide. We’ll provide more equal and sustained access to local markets so that those who wish to engage in business will be amply supported.

You will no longer, one day, you will no longer be driven by the lack of opportunities in choosing to go abroad. Ang sinasabi namin na ang pagpunta ng Pilipino mag-abroad para mag-trabaho ay hindi dahil napilitan. Ang pagpunta ng Pinoy sa — sana darating ang araw na ang pagpunta ng Pilipino sa abroad ay dahil may mas magandang pwesto lang, hindi dahil napilitan. But if you still decide to go abroad, it is of course a free choice; it will be because your expertise is needed, because — for your own professional growth or development.

And with the combined expertise of the Department of Migrant Workers and the Department of Foreign Affairs, working in tandem with our Embassies and Consulates General abroad, if any Filipino chooses to go abroad, anywhere abroad, your Government will have your back.

Mga kababayan ko, hinihikayat ko kayo na tumulong sa pagpaunlad sa Pilipinas gamit ang inyong malalim at makabuluhang pakikipagkaibigan at pakikipagbayanihan sa Europa.

Imbitahin ninyo ang inyong mga kaibigan at kanilang mga kasamahan na pumunta at bumisita sa ating bansa upang maramdaman nila ang sikat na Filipino hospitality – hospitality that they are already experiencing through you. ‘Yung mga iniimbita niyo sa mga potluck, ‘yan alam na nila, nararamdaman na nila ‘yung ano. Encourage them to taste our food, witness creativity, enjoy and experience our culture.

I encourage you all to continue with this noble endeavour that you have undertaken and kahit sa inyong pag-iisip ginawa niyo lang ito upang tulungan ang inyong pamilya, tulungan ang inyong community, ang inyong mga mahal sa buhay, dapat malaman din ninyo na ito’y tumutulong sa bawat Pilipino at sa buong bansa. So let us remain united with your government as we bring meaningful change to millions of our kababayans back home. Sama-sama po tayong babangon muli.

Mabuhay po ang Pilipino. [cheers and applause] Mabuhay kayong lahat. Maraming salamat at magandang — ano bang tawag dito, hapon o gabi? Gabi na. Magandang gabi at isasama ko na rin ang pagbabati ng delegasyon ninyo ng Pilipinas, Maligayang Pasko po sa inyong lahat. [applause]


— END —

Watch here: Meeting with the Filipino Community

Location: Event Lounge, Brussels, Belgium


About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch