Publications

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. in Palayan City, Nueva Ecija

  • Published on December 21, 2022
  • |

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. in Palayan City, Nueva Ecija

Maraming salamat Secretary Jerry sa iyong pagpakilala; ang kasama natin nandito si Speaker Martin Romualdez ng House of Representatives [applause]; an g ating kaibigan si Senador JV Ejercito who was instrumental in passing the law to create --- hindi lang Department of Housing kung hindi Department of Human Settlements. Kaya’t kung makikita ninyo ‘yung mga plano na nailagay diyan ay hindi lang bahay, hindi lang apartment kung hindi may palengke, may eskwelahan, may clinic, malapit sa trabaho, lahat ‘yan. ‘Yun ang concept ng human settlements. Binuhay niya, nung nawala nung 86 binuhay ni ating butihing Senador, Senator JV Ejercito [applause]; and the Palayan City Mayor Viandrei Nicole Cuevas [applause] --- oo nga pala mayroon kaming common ano, halos ako, halos 11 years ako sa London, siya nag-12 years sa London kaya’t kung makikita mo ‘yung mga design na ginawa niya. Biochemist ‘yan ha, hindi arkitekto. Pero natuto na eh. Kaya’t makita ninyo ‘yung mga design eh naiba nang kaunti, mabuti naman niyan at para naman ang pakiramdam natin ay hindi basta’t pare-pareho mayroon tayong mga nakikita sa ibang bansa na kung minsan ‘yung tinatawag na tenement housing. Marami nga, pero hindi magandang tirahan dahil malayo sa trabaho at hindi maganda ‘yung design. Hindi ka magiging proud na ikaw ay may-ari doon sa apartment na ‘yun.


So mabuti na lang at ako --- mabuti’t nabigyan ako ng pagkakataon na makasama kayong lahat dito sa groundbreaking natin at ito ay nagpapatunay lamang ang aming tuloy-tuloy na ginagawa para magkaroon --- para magpabahay ng milyon-milyon na tao na Pilipino na hanggang ngayon ay wala pang sariling tirahan. 


At siguro pag tiningnan natin nang mabuti ang mga numero ay milyon-milyon talaga ang walang matirahan. Kung saan-saan na lang tumitira. ‘Yung iba naging squatter na. 


Ito hindi ito --- hindi lamang ito ‘yung walang trabaho o ‘yung galing sa labas na naging squatter lang. Hindi ito mga... Nagtatrabaho po ito. Wala lang talaga silang matirahan. Kaya’t nakakaawa naman at nagsusumikap sila. Hindi pa rin... Kahit na ilan taon na tinatrabaho nila na nagbabayad sila ng kung saan-saan ay wala pa rin silang masabi na magkakabahay kami, magkaka-tirahan kami.


Kaya’t ‘yan ang ating konsepto na --- ‘yan ang konsepto na umiiral sa lahat ng mga ating design para sa housing at kailangan natin suportahan lahat ng housing. Kaya’t ako’y kailangan natin pasalamatan lahat kayo, lahat ng nagtrabaho dito at ‘yung nagtatrabaho sa iba’t iba pang lugar, nasa Department of Human Settlements, at siyempre ‘yung LGU dahil hindi kakayanin ng national agency ito kung hindi nagkaka-ugnayan sa LGU. 


Kaya naman magiging successful din ito dahil ang LGU din ay maganda na mag --- na tinuturo, may lupa dito, tutulong kami sa development et cetera, et cetera. Pati sa financing, ibibida namin sa tao.


All of these things have to come together and it’s not --- it is not a question. Marami na tayong experience, marami na tayong pinagdaanan na nakita natin na ‘yung biglaan na response eh basta’t magtayo ng bahay. ‘Yung bahay walang tubig, walang kuryente, walang kalsada, walang --- malayo sa hanapbuhay, sa trabaho, walang eskwelahan, walang sakayan, babaan.


‘Yun ang mga dapat eh hindi dapat makalimutan at kaya’t ito ating ginagawa ganoon ang ating sinusundan. And I hope that we will continue at this rate at kailangan na kailangan talaga natin gawin ‘to but this is one of the many actually that we have --- that we are going to break ground and I hope soon.


Nauna lang dito sa Metro Manila at saka around Metro Manila but that is where the greatest need is in terms of housing. So I’m glad that we are continuing. This is not the first groundbreaking that I have attended. I hope --- I know it will not be the last and that we will continue to break ground in different parts around the country para naman ‘yung ating pinapangarap na one million homes a day --- a year. Sobra naman ‘yung a day. [laughter] Masyado ka ng magaling nun pagka nagawa mo ‘yun.


One million homes a year, eh pagka naabot natin ‘yun, at least napakalaking bagay na ‘yan na nabigyan natin ng solusyon ang problema ng bahay ng ating mga kababayan.


So maraming salamat sa lahat. Sa nakilahok dito at napaabot natin itong proyekto natin na ito hanggang sa groundbreaking, huwag natin lulubayan. Pagpatuloy natin at natitiyak ko naman na magagawa natin ang kailangan natin gawin para sa serbisyo para sa ating mga kababayan. 


Maraming salamat po. Magandang umaga po sa inyong lahat at Merry Christmas sa inyong lahat. [applause]


--- END ---

Watch here: Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. in Palayan City, Nueva Ecija

Location: Palayan City, Nueva Ecija 

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch