Thank you very. Magandang umaga. Maraming salamat, Governor Henry Oaminal. Nandito rin ang ating congressman, Congressman Sancho Oaminal and the mayor of Tudela, Mayor Parojinog, nandito yata.
Nandito rin ‘yung ating mga Cabinet secretary na sinama ko. Nandito po si Secretary Anton Lagdameo, ating assistant; nandito po na ngayong namumuno ng DND at siya ang head ng NDRRMC, Secretary Charlie Galvez; at ang ating Secretary ng DPWH, Secretary Manny Bonoan, nandito rin para makita kung ano ang naging damage sa mga infrastructure natin.
At matagal ko na sanang gustong makapunta rito ngunit talaga ‘yung weather ayaw kaming paliparin. So ngayon nagbakasakali na lang kami at tatlong beses kaming umikot hanggang nakapasok kami. Pero pinilit ko sabi ko kasi kailangan kong makita. Noong pagdating naman namin dito hindi naman makalipad ‘yung helicopter. Kaya’t tingnan na lang natin at sinisigurado ko lang na kayo na naging – na nahiwalay sa inyong mga tahanan ay nandito muna ay naaalalayan at naaalagaan ng ating mga DSWD at ng ating local government.
Mukhang naman maganda. Ang naging problema talaga dito doon sa nakuha kong briefing sa ating mga unang responder ay ang mga dinaanan ng tubig at nagbaha ay hindi naman dating nagbabaha na lugar. Hindi naman dinadaanan ng tubig dati. Kaya’t ‘yung dati ‘yung ginawa nating mga flood control okay na ‘yun. Pero ngayon dito sa nangyaring ito walang tigil na ulan napakalaking tubig ay hindi na sapat, kulang na. Kaya’t nasira, kaya’t nagkabaha.
Kaya naman titingnan natin ang lahat para gumawa tayo ng solusyon. Patuloy tayong maghuhukay sa mga ilog para gawing malalim, para hindi mabilis na – mabilis na lumabas ang tubig sa ilog at patuloy natin patitibayin ang mga flood control natin. Ngunit sa long-term kailangan nating isipin kung papaano natin gagawin para hindi na talaga maulit. Wala na tayong risk na ganito ang mangyari.
Iyan ang aming mga pinaplano, ‘yan ang mga nakita namin doon sa briefing na ibinigay sa amin. At ang importante ay kayo nandito ay mayroon kayong sinisilungan, mayroon kayong tinutulugan, mayroon kayong kinakain at nagpapadala kami, patuloy ang aming padala ng mga relief goods.
At ang isusunod na namin dito ay -- kasi pagka nagkakaroon ng baha, bagyo, pareho ‘yan. Ang una ‘yung rescue kasi ‘yung mga talagang tinamaan kailangan eh sasalbahin. At pagkatapos nun, mag-provide ng relief goods, ng pagkain, ng damit, ng kung anuman mga iba’t ibang bagay, tapos tubig.
Ang susunod pagka mag-relocate na ang ilan sa inyo sa inyong mga bahay ay magpapadala na rin kami, isusunod na namin ‘yung mga rebuilding materials para ‘yung mga bahay ninyo ay puwede nang ayusin. [applause] At ‘yun ang mga ating mga susunod na gagawin kaya’t nandito ako upang tiyakin na ‘yang proseso na ‘yan ay magiging mas maganda.
Nag-coordinate na kami sa National Housing Authority. ‘Yung mga bahay na totally destroyed, hahanapan natin ng resettlement area para magkaroon ng tirahan. [applause]
So ‘yan ang ating mga gagawin sa ilang -- sa darating na ilang linggo kaya’t asahan ho ninyo kung mayroon po kayong pangangailangan, nandito po si Governor, nandito po si Congressman, nandito po ang ating mga ahensiya. Nandiyan ang DSWD, nandiyan po lahat ng ating ahensiya na maaari ninyong lapitan ng makasiguro kami na lahat ng mga pangangailangan ninyo ay nabibigay.
Kaya’t Happy New Year na lang at maraming salamat sa... [applause] Ito na ‘yung pinakamasayang evacuation center na nakita ko. Lahat kayo nakangiti. Siguro maganda ang alaga sa inyo ni Governor. [applause]
Maraming, maraming salamat sa inyo at patuloy namin -- huwag kayong mag-aalala, patuloy namin kayong binabantayan at titiyakin na mayroon kayong lahat ng inyong pangangailangan.
Salamat po. Magandang umaga po. [applause]
--- END ---
Watch here: Distribution of Assistance to Individuals in Crisis
Location: Working Congressman Sports Complex in Tudela, Misamis Occidental