Maraming salamat sa ating butihing Kalihim ng DFA, Secretary Ricky Manalo.
Magandang tanghali po sa inyong lahat. Maraming, maraming salamat sa inyong… Umupo na kayo at mahaba pa ito. Mapapagod kayo ‘pag nakatayo.
Maraming salamat nakahanap kayo ng kaunting panahon na tayo’y makapiling ang ating mga kababayan – ‘yung iba sa ating mga kababayan na nandito sa Japan.
Kaya naman ay tiniyak namin na itong pagbiyahe naming ay tsinempo namin na may aabutin kami na Linggo para naman ang ating mga kababayan ay makarating kahit ‘yung iba ay malayo pa ang pinanggalingan. Kaya’t maraming, maraming salamat na ipinilit niyo na makarating ngayong araw na ito [applause] para naman mabati ko kayong lahat.
Unang-una po siguro ay magpapasalamat po ako sa inyong lahat dahil sa napakalaking suportang ibinigay ninyo sa amin sa nakaraang halalan. [applause] Kaya naman po noong pinaplano namin itong mga ganitong klaseng programa, sinasabi namin ay hindi kami makapagbiyahe noon dahil may COVID pa eh. Walang eroplano so hindi kayo namin mapuntahan para ikampanya kayo.
Kaya’t sabi ko kahit tapos na ‘yung eleksyon eh ito na lang ang pagkakataon natin na makasama ang ating mga kababayan. Bigyan natin sila, patikimin naman natin sila kung ano ‘yung kampanya bago noong halalan. Kaya’t nandiyan po may nakita po ninyong mga video at ito po parang ginawa na rin naming rally — itong political rally. Kaya’t siguro naiba – naiba ang patakbo rito dahil nga sa COVID ay nauna ‘yung halalan bago ‘yung kampanya dito sa Japan.
Kaya’t ibubuo ko na huwag niyo pong kalimutan suportahan po ninyo bumoto po kayo Marcos-Duterte ha. [applause and cheers]
Salamat, salamat, maraming-marami pong salamat at alam niyo po ‘yung mga – ito ‘yung mga [unclear] nandito sa harap. Alam niyo po dahil napakalaki, napakaganda ng inyong pagsuporta po ay hindi po namin maibabawi ‘yan sa salita lamang.
Ang maisusukli namin sa naging suporta ninyo sa amin ay ‘yung aming gagawing trabaho para pagandahin ang buhay ng ating mga kababayan sa Pilipinas. At ang aking pangarap talaga ay masabi na natin na sapat ang trabaho sa Pilipinas at pagka nagkaroon ng OFW, pagka ang isang Pilipino ay nag-abroad para magtrabaho ito ay dahil pinili niya na pumunta sa abroad hindi napilitang pumunta sa abroad dahil may trabaho, may magandang buhay sa ating bansa. Iyan po ang ating pangarap, ‘yan po ang ating hinahabol para sa Pilipinas. [applause]
Kaya po kami nandito at nagdala po kami ng delegasyon upang nga ay kausapin ang ating mga kaibigan dito sa Japan. Mula sa pamahalaan, mula sa mga malalaking korporasyon na nandiyan, at sinasabi namin na maganda na ngayon ang sitwasyon sa Pilipinas. Nakaahon na kami sa mga problemang hinarap natin noong pandemya, noong lockdown.
Mabuti dito sa Japan hindi nag-lockdown ‘no? [Crowd: Nag-lockdown.] Mayroon din. Ah doon sa atin – sa Pilipinas ‘yung pinakamahabang lockdown sa buong mundo nasa atin eh.
Kaya tayo – iyon na nga binibida nga namin sa ating mga kaibigan na nakakaahon na ang Pilipinas at gumaganda na ang takbo ng ekonomiya para naman eh [applause] para naman… Kaya’t pinapatibay natin ang ating pag-partner sa kanila.
Kaya po ang kasama ko po halos lahat ng Gabinete ay nandito na dahil po kailangan na ipaliwanag natin sa kanilang lahat kung ano ang sitwasyon ngayon sa Pilipinas at kung papaano na makipagtulungan ang Pilipinas at saka ng Japan.
Kaya ko po sinama ang karamihan ng ating — lalo na ‘yung ating economic team nandito pati na ang ating – pati na ang mga legislator natin.
Unang-una ipapakilala ko ang napakalaking tulong dito sa aming mga biyahe at ang ating ngayon ay Deputy Speaker o dating Pangulo, Pangulong GMA nandito po kasama po natin. Kasama din po natin ang ating Senate President, si Senate President Migz Zubiri. Marami siyang kausap dito sa Japan tungkol sa agrikultura dahil ang puso po ng ating Senate President ay nasa lupa talaga eh, siya’y farmer talaga. At ang ating Speaker, ang Speaker ng House of Representatives, si Speaker Martin Romualdez ay nandito rin.
Nandito rin ang – kasama po natin ang Secretary of Finance natin, Secretary of Department of Finance natin. Siya ang tumutulong sa lahat ng economic team. Siya ay namumuno para ito ay gumawa ng magandang plano para sa kinabukasan ng Pilipinas, ang ating butihing Secretary, Secretary Ben Diokno, Department of Finance.
Nandito rin po ang ating Secretary ng Department of Public Works and Highways dahil marami tayong project na inilalapit sa mga Japanese. Nandito po si – nandito po ang ating DPWH Secretary, Secretary Manny Bonoan. Sa Ilokano “Bonoan” ‘yun eh.
At ang gumagawa po – at gumagawa po ng mga polisiya natin at siya’y kanyang nilalapit sa ating mga potential na partner at saka investors sa Pilipinas, ang ating Department of Trade and Industry Secretary, Secretary Fred Pascual.
At malaking bagay po pinapa – binubuhay po natin ang ating industriya ng turismo. Kaya po dito sa Japan ay marami pong pumupunta. Marami tayong Pilipinong pumupunta dito sa Japan, marami ring mga Japanese na pumupunta sa atin. Kaya’t malaking pag-asa na malaking maitutulong ng industriya ng ating turismo at ito ang gumagawa po ng trabaho para sa ating pagbuhay ng industriya ng turismo, ang ating Secretary of Tourism, Secretary Christina Frasco.
Kasama din natin ang ating Transport Secretary. Siya po ang namamahala sa ating mga puerto, sa ating mga airport, sa patakbo ng ating mga – eh lahat tayo nakakarinig ‘yung mga supply chain problems na naririnig natin ay siya po ‘yan ang kanyang tinatrabaho para naman maging mas maganda ang pagdaloy ng negosyo sa ating bansa, our Transportation Secretary, Secretary Jimmy Bautista.
Hindi pa nakapag-celebrate ‘yan, birthday niya kahapon. Kaya mamaya kakanta tayo ng happy birthday. [Crowd sings Happy Birthday.]
Nandito rin ang ating – siya ang namamahala ng Department of Budget and Management. Ito po ay lagi naming nililigawan para mag-release ng mga pam-project natin. Ang ating DBM, DBM and Management Secretary Amenah Pangandaman.
Ang gumagawa po ng ating mga polisiya sa ekonomiya, gumagawa ng plano, at sila ang gumagawa ng roadmap itong ating National Economic and Development Authority, ang ating NEDA, at sila ang gumagawa ng plano para sa ating pagpaganda ng ating ekonomiya. Ang ating NEDA Secretary, Secretary Arse Balisacan.
Siguro ito na ang pinaka – para sa inyo ay ang pinakamahalaga na department. Ito ‘yung pinakabagong department na ngayon pa lang ay binubuo natin ay itong Department of Migrant Workers at ang Kalihim ng Department of Migrant Workers ay si Secretary Toots Ople. Birthday din niyan noong isang araw. [Crowd sings Happy Birthday.] Binibiro namin si Secretary Toots kasi ayaw niyang palaman na birthday niya. Akala niya hindi namin malalaman. Bigla namin binigyan ng cake.
Ang ating DENR Secretary dahil po napakaimportante na ngayon ang isyu tungkol sa climate change. Kung nakikita niyo po sa balita alam naman ninyo nagbabago ang panahon, umuulan sa dry season, at hindi — umuulan sa dry season tapos ‘pag wet season ay hindi naman umuulan. Marami tayong bagyo, marami tayong nagiging problema sa flooding. Ito po I’m sure nababalitaan niyo tungkol sa mga nangyayari hindi lamang sa Pilipinas kung ‘di sa buong mundo. Kaya’t ang namamahala po para ito ay ating maaaring sagutin ang mga problema at hamon na dinadala ng tinatawag na climate change, ating Secretary of the Department of Environment and Natural Resources, Secretary Ma. Toni Loyzaga.
Kasama rin natin po ay – dahil po kung minsan ‘yung aming mga usapan sa ating mga kaibigan ay kailangan ng pagbabago sa ating mga batas, kaya’t sinama po natin ang Senate President, sinama po natin ang Speaker, at nandito rin po ang isa sa ating butihing Senador, Senator Mark Villar.
Nandito rin po isa sa ating mga tinatawag natin sa economic team, ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Governor Felipe Medalla.
Ang aking kasama naman sa agrikultura. Alam niyo po ako na – in-appoint ko na ang sarili ko sa agrikultura – sa Secretary of Agriculture ay simple lang ang dahilan dahil napakaimportante nakita po natin noong nakaraan noong nag-lockdown, noong walang bumibiyahe hindi tayo makapagbili ng pagkain, nakita natin ang pagkukulang sa food supply at nakikita ngayon natin ang pagtataas ng presyo ng mga agricultural commodities kung tawagin. Kaya’t ito po ay binubuo – pinapaganda po natin ang sistema ng agrikultura unang-una para maganda ang hanapbuhay ng ating mga farmer. Pero bukod pa doon ay masasabi natin na sapat ang suplay ng pagkain sa Pilipinas. Ang tumutulong po sa atin dito sa Department of Agriculture Undersecretary Ding Panganiban.
Ngayon ang nagpapatakbo ng ating Department of National Defense, siya ang dating nangunguna, namumuno ng peace process sa Mindanao at napakaganda ang naging trabaho niya dahil sa ngayon ay sa Mindanao ay hindi ka na makakarinig ng balita tungkol sa labanan, tungkol sa giyera, at malaking bahagi diyan ay dahil sa trabaho nitong ating namumuno ngayon ng DND, Secretary Charlie Galvez.
At ito ang Secretary for Communications at siya po ang namamahala para ipalaman at ikalat ang mga iba’t ibang polisiya na ating ginagawa sa pamahalaan, ang ating Secretary Cheloy Garafil.
At hindi naman siguro magiging kumpleto ang ating pagbati kung hindi natin batiin ang ating minamahal na First Lady, First Lady Liza Araneta-Marcos.
Okay so – okay tapos na mag-speech na ako. Parang rally talaga ‘no. ‘Pag dadating ako sa rally – nakikita naman siguro, siguro nala-livestream ninyo nakikita niyo sa Facebook, pagdating namin sa rally siyempre palakpakan ang mga tao. Kami namang mga kandidato bilib na bilib na kami. Aba panalo na tayo. Sabay pagtayo ko magi-speech ako, “Oy, si Sandro ang hinahanap namin!” Ito si Sandro, bagong Congressman ng Ilocos Norte. [cheers]
And of course ang ating tumutulong po na mag-promote ng Filipino talent. Nakita natin ‘yung ibang mga – basta Pilipino nakita mo ‘yung mga singer ay napakagaling talaga at ito’y gusto nating kasama ito sa pagmamalaki natin sa buong mundo ng galing ng Pilipino. At ang namumuno para diyan ay ang ating butihing kaibigan this is Paul So… Kilala niyo ito si Paul Soriano. Baka kilala niyo rin ‘yung asawa niya si Toni Gonzaga. Sila’y kasama namin kung saan-saan namin dinala kahit noong kampanya. Kahit umuulan, kahit nakabilad sa araw, kahit nakatayo sa putik, itong mga ito talagang ang sisipag magkampanya. Kaya naman ay nandito sila ngayon para ipagpatuloy ang kanilang pagtatrabaho at ang pagsasakripisyo para sa ating bansa.
Iyan po ang aming delegasyon na nandito. At kami ay nandito… [Who’s left? Who’s at the end?] [SAP.] Oh, ah okay ito madaling i-introduce ito. Hindi ko na nakita eh. Nasa dulo katabi ng ating ambassador ay ‘yung Assistant to the President, Secretary Anton Lagdameo. Ang dating pakilala ko sa kanya Congressman Dawn Zulueta.
Kaya po ito pong delegasyon namin ay dinala namin dito sa Japan upang ipaliwanag nga ang ating mga – ang ating bagong sitwasyon dito sa Pilipinas na tayo ay gumaganda na ang ekonomiya at bagay na siguro na pumasok ang ating mga kaibigang Japanese. At hindi lang sa Japan namin ginawa ito.
Nakapunta na kami – nakapunta na rin ako sa ASEAN para magpakilala at gawin lahat – makipag-usap kung ano ‘yung ating gagawin sa darating na ilang taon. Nakapunta na rin po ako sa New York, nakapunta na ako sa China, at ito ngayon sa Japan, at kahit sa EU sa Brussels para nga i…
Kasi ang importante sa aming ginagawa isang bagay na napakaimportante hindi lamang ‘yung mga nagiging partnership, mga agreement na ginagawa namin, kung hindi ipaalala natin sa lahat na isipin nila ang Pilipinas. Kapag nag-iisip sila saan tayo maglalagay ng negosyo? Saan tayo magtatayo ng korporasyon? Saan tayo maglalagay ng planta? Eh ngayon – dati hindi tayo iniisip. Ngayon dahil pinupuntahan natin sila, ipinapaliwanag nga natin ang sitwasyon dito sa Pilipinas ay alam na nila ‘pag nag-isip sila saan kaya tayo puwedeng mag-invest? Saan kaya magandang pagpunta? Saan ‘yung magagaling na trabahador? Ngayon kung sinoman ang isipin nila kasama na ngayon diyan ang Pilipinas.
Masasabi ko po, alam niyo po naging napakadali – naging mas madali ang trabaho naming lahat dito sa pagpunta rito sa mga biyahe namin dahil sa inyo, dahil sa mga OFW na nandito sa Japan. At isama na natin lahat ng OFW natin sa buong mundo. Naging madali po – naging mas madali po ang trabaho namin dahil napakaganda ng reputasyon ng Pilipino dito sa Japan. Lahat ng makausap namin ay sinasabi nila hindi niyo na kami kailangang kumbinsihin kung gaano kagaling ang Pilipino dahil mayroon kaming empleyado, mayroon kaming kaibigan, mayroon kaming kilala, at alam na talaga namin na ang mga Pilipino ay mababait, masisipag, they are honest, English speaking pa.
Kaya po ay ‘yung pagka nagiging – hindi na namin kailangan silang kumbinsihin tungkol sa galing ng Pilipino, tungkol sa sipag ng Pilipino, sa bait ng Pilipino. Kaya’t ang pinag-uusapan na lang namin ay papaano natin, anong gagawin natin para makapag-partner dito sa ating mga bagong pinaplano.
Kaya’t maraming, maraming salamat sa inyong ginagawa. At tumitingkad ang pangalan ng Pilipinas dahil sa maganda ninyong trabaho, dahil sa kabaitan ninyo na ipinapakita ninyo sa mga Japanese, sa mga employer ninyo, sa trabaho ninyong nakikita, sa record ninyo.
Kaya’t hindi lamang kami magpapasalamat dahil doon at alam naman po ninyo na napakalaking bagay na ang remittance ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas. At lagi ng ‘pag panahon ng kahirapan ay ang inaasahan ay ‘yung mga remittance ninyo. Kaya’t ang ginagawa ninyo, ‘yung sakripisyo po ninyo na magtatrabaho sa abroad na malayo sa atin, ang sakripisyo ninyo ay hindi lamang sa ikabubuti ng inyong pamilya, hindi lamang sa ikabubuti ng inyong bayan, ng inyong barangay, kung hindi sa buong bansa.
Kaya’t napakalaki ang utang na loob ng ating mga kababayan sa inyo, ng buong Pilipinas, ng pamahalaan ng Pilipinas, napakalaki ng tinatanaw namin na utang na loob sa inyong sakripisyo, sa inyong sipag, sa inyong magandang binibigay na pangalan sa Pilipinas habang kayo’y nagtatrabaho dito sa Japan. [applause]
Kami naman po ay dala namin ang pagbabati ng aming – hindi lamang ng aming – not only my family but also my official family ang pagbabati sa inyo ng pamahalaan ng Pilipinas kung hindi pati na ang ating mga kasamahan, ‘yung ating mga kababayan sa Pilipinas.
Basta’t pumupunta po ako dito sa Japan at kinakausap ko ‘yung mga tiga-rito ay lagi nga sinasabi na napakaganda, napakagaling na kausap ang mga Pilipino. Kaya’t pagka nagkakaproblema po tayo ay sinabi namin kailangan naman bigyan ng pansin. Kaya po nagbuo ang pamahalaan nitong bagong department, the Department of Migrant Workers na ang trabaho lamang – trabaho lamang ay alagaan kayo, bigyan kayo ng suporta, bigyan kayo ng tulong kapag nangangailangan, at iyan po ay sa aming palagay ay aming paraan upang magpasalamat sa inyong ginagawa, upang suportahan ang inyong ginagawa. At lagi ko namang sinasabi na dapat huwag natin makakalimutan ang ating mga kababayan sa abroad kahit hindi natin nakikita ‘yan, nagsisipag sila, nagsasakripisyo sila para sa bansa. Kaya’t kailangan naman ay kami ay gagawin namin ang lahat upang tumulong sa inyo.
At alam ninyo po nitong sa bisitang ito ay marami po tayong nagawa, marami po tayong natutunan pati sa mga bagong mga sistema na ginagawa sa buong mundo upang paahunin ang ekonomiya ng buong mundo. Mayroong tinatawag na the pandemic economy. Na ‘yung ekonomiya bagsak lahat, nagsasara ‘yung mga restawran, nagsasara ‘yung mga opisina dahil nga – dahil sa COVID.
Pero ngayon naman ay sina – kaya kailangan natin makahanap ng bagong paraan para tayo’y makilahok sa bagong ekonomiya na ating sinasabi. Dahil ang COVID pinalitan lahat, nagbago lahat. Nagbago paano tayo magtrabaho, nagbago kung papaano tayo… Eh papaano tayo mag-usap, makipag-ugnayan, kung paano tayo nagpapakain, ngayon paorder-order na lang tayo. Iyong work-from-home iyan ang naging uso puwede pala. Mayroon ng Zoom meeting na hindi na kailangan pumasok sa board room pero puwede kahit saan ka man ay puwedeng magtrabaho na.
Kaya’t lahat ito ay kailangan nating pag-usapan at kailangan nating pag-aralan upang ang ating mga pinaplano ay tumama naman para sa mga bagong mga negosyo na – dahil ang nangyari dito marami sa negosyong… Marami sa ibang industriya hindi lang negosyo, mga ibang industriya ay nawawala. Dahil nga sa COVID iba na ngayon ang ating sistema na mamuhay. Kaya’t kailangan din natin i-adjust din natin ang ating ekonomiya, i-adjust din natin ‘yung ating polisiya, i-adjust din natin ang ating mga batas upang magawa natin lahat na maaari nating sagutin ang mga hamon nga na dala ng bagong ekonomiya.
Kaya’t ang una naming iniisip ay magdala ng trabaho para sa ating mga kababayan. At maganda naman masasabi natin na ‘yung nakaraan na bagong mga statistic na kakalabas lang ay pinapakita na bumababa naman ang unemployment rate at mas dumadami ang trabaho na nagkakaroon sa Pilipinas.
Kaya’t siguro ito ‘yung unang hakbang upang sa tinatawag na recovery and transformation of the economy. Kaya’t ang susunod po diyan ay nakikita po natin, ipinagmamalaki po natin eh marurunong itong ating mga economic manager kaya’t naipagmamalaki natin na ang laki, ang growth rate – lumalaki ang ekonomiya ng Pilipinas, at tayo na siguro ang nangunguna sa – 7.6 percent tayo last year, napakataas. Eh ang mga forecast namin ay 6.5 mataas na ‘yung 7 eh. Pero napaabot natin ng 7.6. Kaya pinipilit namin na ipagpatuloy ‘yan at ‘yan ang aming pinapakita na ito ang aming nagawa kaya naman ay maganda na kayo… Isipin na ninyo na dito kayo papasok na – dito sa Pilipinas.
At ‘yan po ay dahan-dahan po nating nakikita na binabago po natin ang ekonomiya at binibigyan po natin ng mas maraming pagkakataon ang ating mga kababayan na makapagtrabaho. At ganoon din po kagaya po dito na karamihan po ng nagtatrabaho – the majority of our workers ay nasa small, medium-scale enterprise, maliliit na tindahan, maliliit na negosyo. Ganoon din sa Pilipinas, 99 percent ng lahat ng negosyo sa Pilipinas small scale, small to medium-scale enterprise. Sixty three percent ng mga labor force natin, ng workers natin, ay nasa MSMEs kung tawagin.
Kaya’t ‘yun ang aming inuna at dahil alam naman natin noong nag-lockdown, noong nag-COVID talaga noong kabigatan ng pandemya ay marami talagang nawalan ng trabaho, maraming mga negosyong nagsara, ‘yung mga OFW maraming napilitang umuwi. Ngayon ay naghahanap din ng trabaho dito sa atin. Kaya’t ito’y naging prayoridad
‘yung pagbigay ng trabaho.
Dahan-dahan po natin ngayon ay pinapaganda po natin hindi lamang na magkatrabaho kung hindi – not only that we want people to have jobs, we want them to have good jobs. We want them to have jobs ‘yung may future. Huwag naman ‘yung basta’t hanggang diyan na lang talaga sila. Iyong may future naman na may pag-asa na ‘pag kaya – sa sipag nila, sa sakripisyo nila ay mapapaganda pa nila ang kanilang kalagayan at hindi na maiwan doon sa dating trabaho nila. Kung hindi may pag-asa naman.
At isa ‘yun sa aking palagay ang pinakaimportante ay magbibigay – na mayroong tayong pag-asa, mayroon tayong nakikitang na magiging mas maganda ang ating kabuhayan sa ating kinabukasan. Kaya’t nagtiis na tayo ng dalawang taon at kalahati ng kahirapan. Hindi lamang ang Pilipinas kung hindi sa buong mundo ay nagtiis tayo ng kahirapan. Kaya’t naman ay kailangan natin balikan ang mga naghirap, ang mga nailagay sa masamang sitwasyon o nahihirapan o nangangailangan ng tulong, ay kaya naman panahon naman ng pamahalaan, kami naman ang magbibigay ng tulong upang makabangon ulit ang ating mga kababayan, ang ating mga trabahador. [applause]
Kaya’t noong kampanya ang sigaw namin sama-sama tayong babangon muli. Mula noong ako’y nakaupo ay ang sinasabi ko tuloy-tuloy na ang ating pagbabangon at nagsimula na at ipapagpatuloy namin.
Napakalaking bahagi sa aming mga inaasahan na sektor na malaking tulong ay ang ating mga OFW. Kaya’t muli ay nagpapasalamat kami sa inyo at alam naming kayo’y maaasahan namin bilang hindi lamang magagaling na mga nagtatrabaho kung hindi magagaling na ambassador para sa Pilipinas dahil pinapaganda ninyo ang aming – ang ating reputasyon sa buong mundo. At ipagpatuloy po ninyo at kami naman po sa pamahalaan ay nandito upang magsuporta, upang tumulong.
At kami lagi ay – nandiyan po ang ating ambassador, nandiyan po ang ating bagong Department of Migrant Workers, at nandiyan po sila. Wala po silang ibang gagawin kung hindi asikasuhin kayo at bigyan kayo ng tulong kapag nangangailangan. At iyan po ang aming pagbawi sa inyong napakaganda at napakainit na salubong ngayong araw na ito at ‘yung suporta po ninyo na ibinigay ninyo noong halalan ay kami naman ay panahon na – it is our turn now to return the favor, the support, and the affection that you have given us with the services of government not only to the OFWs but also to all our Filipino citizens.
Kaya’t maraming salamat po. Maraming salamat sa inyong pagdating. [applause and cheers] Kahit malamig sa labas mainit dito sa loob. Basta talaga ‘yung mga Pinoy nagsama masaya. Kaya’t lagi naming tinitiyak na makapunta at makipagkita sa inyo. Maraming, maraming salamat po sa inyo. Maraming salamat sa inyo ‘yung mga nagbiyahe po sa malayo pa. Alam ko kanina pa kayo nag-aantay.
Pero sabi ni Senate President magpapakain daw siya dahil tanghali na eh. Salamat po. I love you rin. Marami pong salamat. Thank you. [cheers]
— END —
Watch here: Meeting with the Filipino Community
Location: Tokyo, Japan