Thank you for that introduction, Secretary Anton Lagdameo. [Please take your seats.]
Lahat ng ating mga kawani ng iba’t ibang departamento ng ating pamahalaan na nandito ngayong araw. Kasama ko po silang lahat dahil mula rito ay tutuloy naman kami sa Bulkang Mayon para matingnan naman kung ano na ‘yung nangyayari doon.
Eh ‘yun lamang ‘yung pagpunta namin dito kayo ay – hihingi ako ng paumanhin ninyo at pinag-antay ko kayo ng ilang oras mukhang ginugutom na kayo. Pero nangako si Gov. Jun na magpapakain daw siya para hindi naman kayo masyadong lugi. [laughter]
Ang ating Congressman ng Segundo Distrito, Representative Peter Miguel; ang ating Governor, si Governor Jun Tamayo; my fellow workers in government; sa local government; lahat ng ating mga beneficiary member farmers; mga masisipag na mga magsasaka; ladies and gentlemen, magandang umaga po sa inyo – magandang hapon na – magandang hapon sa inyong lahat.
Nagagalak po ako na makapunta rito sa South Cotabato upang tingnan at buksan itong napakagandang programa na inyong sinimulan dito sa South Cotabato.
Ito ay pagkakataon na makasamang muli ang aking mga kababayan at personal na magpasalamat sa inyong tiwala at suporta na natanggap natin sa nakaraang halalan. At asahan po ninyo na ito naman ay susuklian namin ng aming pinakamaganda at pinakamahusay at pinakamasipag na trabaho na kakayanin po namin. [applause]
Maganda pong pagkakataon ito kaya’t kahit na ay na-delay kami nang kaunti ay pinilit ko na makarating dahil sa pagkakataong ito ay masasaksihan natin ang paglulunsad ng napakahalagang proyekto ng lalawigan: ito ngang South Cotabato Consolidated Rice Production and Mechanization Program.
Alam natin lahat kung gaano kahalaga ang pagkain. At nakita po natin, naramdaman po natin noong mga Enero, Pebrero, nakita po natin dahil sa gulo, sa pagpapalit, nasira ang mga ekonomiya ng pandemya, tapos nagkagiyera pa sa Ukraine. Eh naramdaman po natin, nagtaasan ang presyo ng lahat ng bilihin, lahat ng agricultural commodity, ika nga, ay nagtaasan.
Kaya naman nakita natin at naghihirap tayo kasi noong – na tayo nagi-import tayo ng bigas, kumukuha tayo sa Thailand at saka sa Vietnam. Noong [garbled] noong pandemya, ang Thailand at saka ang Vietnam sabi nila hindi muna kami mage-export. Hindi muna kami mage-export dahil uunahin namin, wala naman kaming nabibili, hindi kami nakakapagtanim kaya’t uunahin na muna namin ‘yung local. Kaya’t hindi sila mage-export. Kaya’t wala tayong makuhang bigas noon kaya’t nagtaasan ngayon ‘yung presyo. Kaya’t ‘yun ang – pati fertilizer umakyat, lahat, lahat ng inputs para sa ating mga magsasaka ay nagtaasan.
Kaya’t ginawa nating prayoridad na kailangan na kailangan na tiyakin natin na unang-una, magkaroon ng sapat na food supply. May sapat na pagkain para sa ating mga kababayan.
At hindi tayo aabutin kahit na may mangyari pa – maulit man ang krisis kagaya ng pandemya ay makakaasa tayo na kaya nating pakainin lahat ng mamamayang Pilipino. Iyan ang aming ginawang priority. At sinabi natin papaano natin gagawin ito?
Itong ganitong klaseng programa ay ito talaga ang aming iniisip na naco-consolidate ninyo lahat ng iba’t ibang function, lahat nung mga gawain para sa paghanda, para sa pagtulong sa magsasaka, para sa pagbaba ng presyo ng processing, at para mabigyan naman, mabalik sa ating mga magsasaka ang kikitain para sa pagpabili ng bigas.
Kaya’t ito ang aming natuklasan, nung aming pinag-aralan kaya napapag-usapan ni Gov. Jun kaya panay ang sabi niya ‘yung consolidation. Bakit mahalaga ‘yung consolidation? Napakasimple.
Ang presyo, ang production cost natin sa Pilipinas, ang labor cost natin, ‘yung labor na nilalagay – ‘yung nag-ani, tapos ‘yung nag-ani, nagtatanim, nag-aani – ‘yung labor cost na ‘yan doble ‘yan dito sa Pilipinas kung ikukumpara mo sa Vietnam at saka sa Thailand. Eh ‘yun ang kakumpitensiya natin, Thailand at saka Vietnam.
Kaya’t sabi namin papaano nangyari ‘yan? At ang madaling sagot ay mechanization. Ibig sabihin imbes na kinakamay na, ginagamitan nung malalaki, mga tractor, malalaking mga planter, mga malalaki mga harvester, lahat ‘yan.
Ngunit hindi magagamit ‘yang mga malalaking makinaryang ‘yan kapag ang ginagamitan lamang ay less than one hectare. Kaya’t pinag-uusapan lagi ‘yung consolidation, kailangan ipagsama-sama.
Iyong ‘yung ginawa. Sinimulan ninyo nung 100 hectares, napunta na sa 1,400 hectares. Eh tama ‘yan. Iyan tama bagay na bagay ‘yan diyan sa mga malalaking makina. Mas malaki pa diyan ‘yung mga naka-display diyan mas malalaki pa. At ‘yun ay ibababa natin.
Sa paggamit ng mga malalaking makinarya ay makikita natin bababa ang production cost dahil bababa ang labor cost. Tataas ang ani. Tataas ang yield ninyo sa per hectare.
Ano bang – Gov. Jun, ano ‘yung inaasahan niyo? Saan tayo aabot ng ano? How many tons per hectare kaya ang maaani natin?
[Governor Reynaldo “Jun” Tamayo Jr.: Average eight, sir.] Ha? [Governor Tamayo: Average eight tons.] Nagyayabang ka naman eight tons per hectare daw. [laughter]
Talagang si Gov. Pero isang natutunan ko kay Gov. Jun ‘pag sinabi niya, gagawin niya talaga ‘yan. [applause] Kaya’t aantayin namin ha, aantayin namin ‘yan.
So tataas ang ani, eight tons per hectare. Isipin mo, 160 bags per hectare na ‘yan. Eh ‘di maganda na ‘yung deal sa production side.
Tapos mula diyan, kailangan din – hindi puwede na – hindi na puwede nang nag-da-dryer tayo, ‘yung ginagamit nating dryer ‘yung highway. [laughter] Kailangan gamitin natin na dryer – ‘yung mga basketball court, mga highway, hindi na puwede ‘yan dahil ang daming nasisira, ang laki ng broken pagka ganyan ang ginagawa. Nakikita naman natin sinasagasagasaan lang.
So kailangan dalhin natin sa magandang dryer kasi kahit basa ‘yung palay puwede nang dalhin dito sa malaking complex na ‘yan na gagawin.
Iyan tapos ‘yung milling ganoon din. Kailangan din may malaking milling para ma-control natin ang quality ng bigas na ipinagbibili natin. Mamimili tayo ilan ang broken: 15 percent broken, 10 percent ‘yung premium, mababa ang broken. Iyon puwedeng i-adjust-adjust ‘yan diyan sa milling machine.
Mula roon pati ‘yung marketing dahil napakahalaga ‘yung marketing. Kailangan hindi lamang ‘yung pagdala nung ani, at ‘yung pagdala ng bigas doon sa palengke. Hindi lamang ‘yun, ang ibig sabihin ay dahil magiging korporasyon na ito, napakalaking kooperatiba, magiging korporasyon ito ay puwede silang gumawa – mag-supply contract sila. May makokontrata sila sa bawat taon, kumukuha sila ilang tonelada para garantisado naman ang kinikita ng ating mga farmer.
Kaya’t napakahalaga nitong ganitong klaseng programa. Ito ay ‘yung maliit na – small version nung aming ginagawa sa buong Pilipinas. At kaya’t namimili – dahil ito pa – ito ang pinakauna na pinagbuo lahat ng pangangailangan ng ating mga magsasaka.
Ba’t natin ginagawa lahat ito? Siyempre pinag-usapan ko na kailangan nating gawin ito dahil ayaw na natin mapunta sa sitwasyon na wala tayong makunan ng bigas, hindi sapat ang ating pagkain, hindi tayo makapag-import, may giyera, nagbagyo, whatever it is, kung anuman, ay kailangan nagagarantiya natin sa ating mga kababayan na may sapat.
Alam mo naman ang Pilipino, bawat Pilipino – wala namang Pilipinong hindi kumakain ng bigas, hindi kumakain ng kanin. Eh lahat naman tayo.
Kaya’t kailangan unang-una ay is the rice supply. Ngayon hindi lamang kailangan may supply ng rice. Eh kung ang bentahan 60 pesos ay wala ring makakabili. So kailangan babaan din ang presyo. Kaya’t ginagawa natin ito maging mas efficient – maging mas efficient ang ating pag – ‘yung buong proseso na pagsasaka, pagpo-process, hanggang sa marketing. Ginawa nating mas mura para sa farmer.
At ang magiging epekto dahil naging mas mura sa farmer ay lalaki naman ang kanyang kita. At ‘yan ang pangatlong bagay.
Unang-una ay ‘yung supply ng bigas ay kailangan nating tiyakin, unang una; pangalawa, pababain natin ‘yung presyo… Ngunit kung minsan ay hindi nababanggit ay napakahalaga nitong pangatlo na ito na maging – magkaroon naman ng magandang hanapbuhay ang ating mga magsasaka.
Dahil kahit na napakaganda ng ani natin, kahit na napakababa, napakarami na ng ating inaani na bigas, napaka – mababa na ang presyo abot-kaya ng lahat ng mamamayang Pilipino, kung hindi naman naging maganda ang hanapbuhay ng magsasaka, eh sayang lang ang ating ginawa.
Kailangan lagi nating iisipin na kailangan ang pinagtrabahuhan nila, ang pinaghirapan nila, ang mga sakripisyo ng ating magsasaka hindi po… Alam niyo naman po ito, kayong nagsasaka, hindi madali ang buhay ng farmer at mahirap talaga at nagsasakripisyo talaga.
Kaya naman ay dapat naman ay maibalik natin sa kanila ang ating kikitain para naman ay maramdaman nila ang naging bunga ng kanilang paghihirap.
Kaya’t napakaimportante nitong ating mechanization – Processing and Mechanization Program. At napakahalaga makikita – makikita natin nag-pilot na pala kayo. May pilot na, nakikita – kahit maliliit pa lang, makikita niyo na kung gagawin niyong porsiyento ay nagbago na ang mga porsiyento – ang percentage of labor cost from production cost, ang production cost mismo, pati ‘yung inputs.
Kaya kayo gumagawa na ng binhi. Kayo ang nagpaparami ng seedlings. Lahat na ‘yan ay parang – hindi naman subsidized pero gagawin nating mas efficient. Kaya’t napakaimportante ng ganitong na gawain. Palalakihin po natin lahat ‘yan.
Ang una naming ginagawa sa national level ay ‘yun na nga, ‘yung pag-consolidate. At dahan-dahan ay dumadami na ang sumasama para naman magamit nga ang mga malalaking makinarya at sa ganoong paraan magiging mas mura at mas maganda para sa ating mga magsasaka.
Kaya’t congratulations sa South Cotabato. [applause] Congratulations sa lahat ng mga magiging miyembro dito sa ginawa na Processing and Mechanization Program dito sa South Cotabato.
At aantayin ko ang pangako ng inyong ama ng lalawigan na eight tons per hectare ang magiging ani. [applause] ‘Pag nakapag-ani ka na ng eight tons per hectare, sabihan mo ako babalik ako dito para makamayan ko kayong lahat. [applause]
Maraming, maraming salamat. Good luck sa napakaimportanteng programa na ito at asahan ninyo kami dito, kami bilang DA Secretary at bilang inyong Pangulo ay nandito ako lagi nagsusuporta sa ating mga magsasaka, sa ating mga naghihirap at inaasahan nating mga farmer natin. [applause]
Maraming, maraming salamat at mabuhay po kayo. Magandang hapon po sa inyo. [applause]
--- END ---
WATCH HERE: Launching of South Cotabato Consolidated Rice Production and Mechanization Program
LOCATION: Municipality of Banga, South Cotabato