Publications

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the National Cooperative Day

  • Published on October 18, 2023
  • |

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the National Cooperative Day

Maraming salamat sa ating butihing Representative Felimon Espares na representative ng Cooperative sa ating legis [please sit down] — sa ating legislature.

Representative Nicanor Briones, classmate ko dati sa House, the 14th Congress — matagal na pinag-uusapan na namin ito noon pa; Cooperative Development Authority Chairperson Usec. Joy Encabo; the Bureau of Internal Revenue Commissioner Jun Lumagui; National Cooperative Sector; my fellow workers in government; lahat ng ating mga bisita, welcome to Malacañan Palace, magandang umaga po sa inyong lahat. [applause]

I am very happy today na masama kayo sa celebration nitong National Cooperative Day, and I immediately insisted that it be done here in the Palace [applause] para maramdaman ng taong-bayan, maramdaman ng lahat ng nasa pamahalaan, maramdaman ng ating mga magsasaka, lahat ng mga miyembro ng kooperatiba kung gaano kahalaga at gaano kalaki ang halaga na ibinibigay ng pamahalaang ito sa cooperative movement. [applause]

I have been a strong advocate of the cooperative movement since my school days. At masasabi ko ang una kong project noong naging congressman ako ay gumawa, nag-organize kami ng mga teachers’ cooperative. Congressman ako ng 2nd district ng Ilocos Norte noon. At kaya namin ginawa ‘yun kasi pinupuntahan ko ‘yung mga eskuwelahan nakita ko ‘yung mga teacher imbes na nagtuturo nagpapabili ng kung ano-ano doon sa… [laughter] Sabi ko bakit? Alam ko mga teacher ang sisipag naman niyan at saka gusto nilang… Sabi ko sa kanila bakit ganyan?

Sabi dahil ‘yung suweldo namin laging late. Nasusubo kami nangungutang kami ng 5-6, napapasubo kami, nalulubog kami sa utang. Kaya sariling sikap muna kasi kailangan namin bayaran ‘yung utang namin. Kaya ang ginawa namin bawat bayan sa 2nd district ng Ilocos ay ginawan ko ng kooperatiba.

Mabuti ‘yung mga teacher madaling turuan. Naintindihan nila kaagad kung ano ang gagawin sa cooperative. So, ang ginawa namin napakasimple lamang. Ipinaliwanag namin kung papaano patakbuhin ang kooperatiba. Dahil sabi namin nasa sa inyo ‘yan kayo magma-manage niyan. Magbibigay kami ng seed money na iba-iba. Kami nag-assess, mag-request sila ng 50,000, 100,000, titingnan namin kung ito ba ay tama. Baka naman sobra, baka naman kulang.

Kaya’t ngayon ay masasabi ko, I’m very proud to be able to say, buhay na buhay pa rin ‘yung mga kooperatibang ‘yun. [applause] At iba-iba ang mga naging kooperatiba. Sabi bahala kayo sabi ko sa kanila kung ano ‘yung gusto niyong gawin, pagka nagkapera kayo kung ano ‘yung gusto ninyong gawin. Ginawa nila, ‘yung iba nagpayaman talaga, pinalaki nang pinalaki. Ginagamit ‘yung pera binibigyan ng scholarship ang anak ng mga teacher.

Mayroon naman nag-savings and loan. Kaya’t madaling makita kung anong kahalagahan ng cooperative sa lahat ng bagay.

Natuto ako nito dahil noong ako’y nag-aaral, nakita ko sa England, sa UK mayroon silang… Pagka bumabiyahe kayo sa UK, may makikita kayo malalaking tindahan nakalagay “Coop”. Iyon talaga ‘yung cooperative agricultural cooperative. Naging malaki na 50 percent ng lahat ng agricultural commodities ay dumadaan doon sa coop.

Sabi ko maganda ito dahil maliit lang ang nagsimula. So pinag-aralan ko nang mabuti. Kaya’t noong nahalal na ako bilang congressman ay tiningnan ko kaagad ‘yun. Noong naging governor naman ako, sabi ko ang kailangan nating patibayin dito sa Ilocos Norte ay ang agrikultura. Dalawa sinabi ko ‘yung pinakamabilis tourism pero ‘yung agrikultura dahil 76 percent ng nagtatrabaho sa Ilocos Norte ay either directly or indirectly dependent on the agricultural sector.

So, sabi ko ‘yan ang market na kailangan nating tulungan. At ang ginawa namin ay pinag-aralan namin lahat ng kooperatiba. Pinuntahan namin ‘yung CDA. Sabi namin sa CDA, ilan ba ang cooperative dito sa Ilocos Norte? Agricultural ha, agricultural cooperative, association, lahat. Anim na libo ang cooperative.

Sabi ko, okay ilan diyan ang active? Ilan diyan ‘yung active na mayroon pa ring ano, mga 600. Ilan diyan ang financially viable? Naging 60 na lang. [laughter] Kami naman nag-aral, tiningnan namin. Iyong 60 pinag-aralan namin ‘yung talagang gumagana at talagang was working properly, anim. [laughter]

So, mula sa 6,000 naging anim dahil mali ang concept ng kooperatiba. Noong sinuggest (suggest) ko ang kooperatiba sa Ilocos Norte noong una, lahat ng kasama ko sabi huwag niyong gagawin ‘yan, walang kuwenta ‘yan. Sabi ko papaano magiging walang kuwenta eh ‘yung maliliit na farmer magkakaroon sila ng organization, may boses sila na malakas?

Kasi ang traditional sasabihin nung congressman, sasabihin ng governor sa kasama niya, “O, nakakuha ako ng pera para sa cooperative. Magtayo kayo ng cooperative para may pera kayo.” Okay, so mayroon tayong 1 million sabihin natin. Iyong 1 million ibibigay doon sa cooperative. After one year, one year and a half, “Boss, naubos na ‘yung pera namin. Pahingi…” [laughter]

Sabi ko, “hindi niyo naintindihan. Hindi ganyan ang cooperative.” So iyon ang ginawa binaligtad namin. Sabi namin okay i-assess kung ‘yung mga matitibay, ‘yung mga well-functioning, well-managed ay tinulungan namin. Sabi ano ang pangangailangan ninyo para paramihin ninyo ang miyembro ninyo para palakihin ninyo ang ektarya na nasa ilalim ng kooperatiba ninyo.

Tapos ‘yung mga lugar na walang kooperatiba, kami na ang nag-organize. Ang pinakaimportante lamang ay kailangan maghanap ng farmer leader na sinusundan ng kanyang mga miyembro. Iyon ang pinakaimportante.

Tapos binigyan namin ng training. At sinasabi nung ano mag-techno demo tayo. Sabi ko ang magsasaka alam niya magtanim. Hindi marunong ‘yan sa management, sa business planning, sa accounting, bookkeeping, ‘yung mga simpleng bagay. Hindi naman talaga tine-training so ‘yun ang ginawa namin.

At inulit namin ‘yung ginawa namin sa teacher assessment, magkano ang kailangan ninyo para makapagsimula? At ang sabi namin sa mga cooperative, nandito kami, hindi kami aalis – tutulungan namin kayo technically, financially, kung anoman ang pangangailangan. Pero after one year, bibitaw na kami. Kailangan na namin bitawan ang cooperative para tumayo ng sarili.

Ngayon, kung ‘yung maganda ang patakbo makita mo lumalaki, gumaganda, maraming benepisyo para sa mga member. At pagka naman ‘yung mga hindi magandang patakbo, sasabihin ko bakit niyo pipilitin? That’s throwing good money after bad. Ayusin natin ang problema.

Ang that’s what we did. Kaya mula sa – sa bigas lang, mula sa 60 percent of the demand –  60 percent ng demand ng supply ng bigas sa Ilocos Norte sa umpisa –  noong umalis ako hanggang ngayon, 300 percent na.

Nage-export na kami ng bigas dahil na-organize namin ‘yung cooperative. [applause]  Huwag niyo akong papalakpakan. Sila ang gumawa nito. [laughter]

Kaya’t nakita ko noong — nakita ko talaga kung gaano kahalaga ang cooperative movement basta’t tulungan nating lahat.

I take note of the value chain and the areas that you mentioned, palagay ko the government has to play most of that role. The government— what we have to do now— ganito lang kasimple, pag-usapan natin ang agrikultura. Ang agrikultura natin medyo hindi kasing ganda ng mga ibang bansa, ‘yung mga karatig-bansa natin. Thailand is doing very well, Vietnam is doing… Bakit hindi natin nagagawa?

Balikan natin, bigas. Sa bigas lang, ang cost of production natin napakataas at isa sa pinakamalaking factor doon ay ‘yung labor cost. Ang labor cost ng bawat ektarya ng bigas— ng palay dito sa Pilipinas is double the labor cost per hectare of Vietnam, of Thailand, even Indonesia na hindi naman nage-export, certainly of India.

Kaya’t sabi namin, anong solusyon diyan? Ang solusyon diyan ay mechanization. So papaano gagawin ang mechanization? Eh ‘di siyempre gagamit tayo ng mga— siyempre tulungan natin sa processing, sa milling, sa drying, hanggang sa packaging, hanggang sa marketing.

Pero kailangan natin gumamit ng mga malalaking makinarya para mayroon tayong savings, mayroon tayong economies of scale kung tawagin, kailangan palakihin dahil ganoon. Ngayon, ‘yung malalaking harvester, ‘yung malalaking tractor, hindi mo magamit kung ang hawak mong lupa ay .6 hectares. ‘Yun ang ating problema.

Kaya’t inaasahan namin na ang cooperative movement will — the cooperative movement, we are hoping and we are doing all that we can that the cooperative movement will come into play. In what way? Cooperative movement will organize the cooperatives para maging 150 hectares, 200 hectares, 250 hectares.

‘Yun! ‘Yung pinakamalalaking makinarya magagamit na natin ‘yun, worthwhile na ‘yun. Imbis na kuliglig na lang ang ginagamit natin, kailangan ‘yung malalaki para mabawasan natin ang presyo— cost of production at mas maganda ang quality, at mas maganda ang hanapbuhay ng farmer.

Kaya’t ‘yun ang ating ginagawa ngayon. And that is what I— that is how I see the role of the cooperative movement today. Is that we need… Cooperative movement is very closely related to agriculture because for the simple reason that we need to consolidate our farmers. The farmers – maliliit lang sila, they’re one. ‘Pag isa lang ‘yan, walang nakikinig diyan. Pero ‘pag marami-rami na ‘yan, kahit na ‘yung congressman ninyo, ‘yung governor ninyo, ‘yung mayor ninyo makikinig na sa inyo dahil marami na ang cooperative — the cooperative has some influence.

And that’s what we are doing now. ‘Yan ang hihilingin ko sa cooperative movement na simulan na natin ang proseso ng pag-consolidate ng ating mga farmers association, ng ating mga cooperatives, lahat ‘yan upang mapunta tayo sa kalagayan na malalaki na ang ating ginagamit na — ang ating pino-process, ang ating tinataniman na lupa. That is what we are trying to do.

Ngayon, hindi lang naman ang cooperative movement, hindi lang naman ang CDA ang gagawa nito, nandito ang gobyerno.

Nandito ang gobyerno para tiyakin na kung ano ang pangangailangan ng CDA ay mabibigay para makatulong naman dahil malaki ang hinihingi namin sa inyo, malaking trabaho ito. [applause] Hindi maliit na trabaho ito.

And this is something that we have been planning on and that we are… Now, we know— I am quite familiar with the situation with the CDA. I’m quite familiar with the situation in the cooperative movement, dahil nga mula pa noong unang pasok ko sa— after ‘86, ang balik ko sa politika, nag-cooperative movement na ako. At noong naging senador ako, I was— immediately hiningi ko kay Migz Zubiri, siya ‘yung chairman ng cooperative development – hiningi ko sa kanya ‘yung vice-chairmanship, so lagi kaming sabay. Kaya’t medyo alam ko. Noong umalis si Migz, napunta kay Lito ‘yung chairmanship, ako pa rin ‘yung vice chairman. So, sabi ko kay Pareng Tolits, halika samahan kita dahil tulungan kita diyan sa ano — sabi niya sige, gawin natin lahat.

Kaya’t alam ko and as a matter of fact that 15 years ago, the charter was rewritten by me when I was still the vice-chairman of the Committee on Cooperative Development in the Senate. Kaya’t I have a very good idea of what the cooperative— what the CDA, for example, needs.

Ang CDA, sa dami ng hinihingi natin sa kanila— wala silang opisina sa region, wala silang opisina sa ano, wala silang tao sa ganito. So, we will change that. [applause] We will fully support… I think in the amendments that we have put in to the Cooperative Development Law, this will remedy much of the situation. Siyempre hindi naman lahat ng problema ay maaayos natin. Ngunit asahan ninyo na nauunawaan ninyo— ng Pangulo ninyo, ng buong pamahalaan kung gaano kahalaga ang trabaho ng cooperative movement. [applause]

Kaya’t kailangan talaga ay kapit-bisig tayo rito dahil malaking trabaho ito at huwag nating kakalimutan na lagi… Kung minsan, madalas ko naipaalala ito — kung minsan sa agri lagi nating pinag-uusapan production, production, production. Ngunit, papaano – kailangan din natin tiyakin na maganda naman ang hanapbuhay ng ating magsasaka. Na sasabihin natin eh magbebenta tayo ng bigas na napakababa, ‘yung palay bibilhin ng P12, papaano, lugi masyado ‘yung farmer.

Kaya ‘yung cooperative ang solusyon diyan dahil kung may kinikita ang mga farmer, ang mga operation ng mga farmer, pupunta sa cooperative, miyembro siya, mayroon siyang ganansiya, may tubo siya doon sa kanyang ginagawa.

And that’s why once again, I stress how central the cooperative movement is to all that we are planning to do.

We need to consolidate our agricultural operations. There is no other way to do that except by good, strong, well-funded, well-managed cooperatives.  Pagka nagawa natin ‘yan, makikita natin kaagad… [applause]

Lagi ko ngang pinapa ano — mayroon tayong billion-peso cooperative na. Iyong mga pinupuntahan kong cooperative may building na. Mga ano talaga… Pero they — dinahan-dahan nila ‘yan, hindi biglaan ‘yun. Dinahan-dahan nila, it was well-managed, maganda ang kanilang business plan, maganda ang kanilang relasyon sa bangko.

O, isa pa ‘to sa Ilocos Norte, sabi ko magpapa-utang kami para sa cooperative. O interes, may interest 3 percent. Siyempre babalikan kami, “Boss, huwag na ‘yung 3 percent para hindi na…” Sabi ko, “Hindi— maliit lang naman ‘yang 3 percent. Wala ka nang makukuhang pera na 3 percent, 2.5 percent.” Bakit pa kailangan niyan? Para mayroon kayong credit rating. Para nakikita ng bangko, ‘yung utang ninyo, regular kayong nagbabayad, mataas ang credit rating ninyo, ‘pag nangailangan kayong mangutang ulit, makaka-utang uli kayo.

‘Yung mga ganoong klaseng bagay na kailangan natin ituro, na napakasimple lang naman. Para sa atin napakasimple pero siyempre it’s not part of their experience. So, you cannot expect people to know how to manage this kind of thing.

So, that is what we are trying to do now. We are strengthening the cooperatives not only the… The financial assistance is only a small part. Ang talagang kailangang patibayin ay ang management ng cooperative. Kailangan magaling ang mag-manage, kailangan leader ang nagma-manage.

Kapag kausap mo ‘yung leader ng cooperative, sigurado ka susunod ‘yung buong cooperative doon sa plano ninyo. ‘Yung pinag-usapan ninyo, ‘yung pinagkaisahan ninyong plano.

And that is what we are trying to promote, and that is where the cooperative movement needs to be strengthened. And that’s where the government comes in and will assist in every way that we can para naman ‘yung ating kooperatiba, ‘yung ating ginagawa na consolidation ay matuloy — ‘yung ating ginagawa na consolidation ay matuloy na at maganda na na magamit na natin.

Mayroon tayong tinatawag diyan na RCEF na nagbibigay ng mga makinarya pero kung hindi malaki ang hinahawakan ng cooperative na lupa, hindi nila magamit ‘yun. ‘Yung mga ibang cooperative ang nangyayari pinapaarkila na lang ‘yung gamit. Hindi naman nila ginagamit. They just rent it out. So, hindi tama ‘yun because ‘yung production nila hindi gumaganda.

So, let us continue to think, let us continue to concentrate on the strength of the cooperative movement, the strength of the cooperatives. Their financial viability, their management skills and capability, lahat ‘yan. Kung kailangan natin turuan, turuan natin. At marami namang magaling diyan, marami namang magaling diyan na… We have many examples of people who have done very, very well with their cooperative. And pinayaman na nila ‘yung kooperatiba nila, marami silang binibigay sa member nila na benepisyo, and this is where we want to get.

So, I look forward to the continued partnership between the cooperative movement and even the heightened participation in executing these programs, including those that concern food, transportation, security, financial literacy, and social services.

So, more than just the celebration of Cooperative Month, which we annually observe every October, this event is also an opportunity to acknowledge the existing problems that hound our cooperative sector.

In my previous SONA last July, I have mentioned the need to amend the Cooperative Code of 2008 to ensure a stronger and more dynamic cooperative sector—especially assisting more farmers and fisherfolk to increase their production.

So, we have endorsed the inclusion of the proposed amendments na binigay sa amin ng LEDAC, and we will continue to work on this. But we have to work together, the government cannot do it by itself, the cooperatives cannot do it by itself. We really have to work together. Kaya tama ‘yung aming ginagamit na tinatawag na whole-of-government approach, the whole-of-nation approach. ‘Yun ang ating ginagawa kasi hindi naman isang— sasabihin DA lang ang hahawak niyan, CDA lang ang hahawak niyan. Hindi maaari, hindi na ganoon. Iba na ang mundo ngayon.

Kailangan everything is interconnected and we all have to work together in the right way to bring the results that we are hoping for for the food security of our country, for the livelihood of our farmers and fishers. At lahat po ‘yan ay kailangan nating ayusin kung gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas para pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino.

Maraming salamat sa inyong lahat. Magandang umaga po at mabuhay po kayo. [applause]


— END —

Watch here: 2023 National Cooperative Day
Location Heroes Hall in Malacañan Palace

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch